Chapter 156

9 2 0
                                        

Manila to Batangas

HEIRA'S POV

*Phone Beeps!*

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kinusot ko ang mga mata ko bago umupo ng maayos. Wala ng pasok ah. Pero bakit kailangan ko pang magising ng ganito kaaga?

Alas kwatro pa lang at madilim pa.

Tapos na kasi ang klase namin at may bakasyon kaming dalawang linggo para sa sembreak. Buti na lang at wala silang pinapagawang project ngayong bakasyon. Atleast makakapagpahinga kami kahit papa'no.

Wala na ngang halos pumasok sa 'min na teachers dahil sa malapit ng magbakasyon. Palagi nga kaming tulog o kaya naman nagsisipagkantahan kapag walang ginagawa. Hindi naman nila inaalala 'yung iba dahil kami lang naman ang nasa building na 'yun.

Noong sabado. Gaya ng sinabi nila, pumunta nga kami ng mall. Muntik pa nga kaming palabasin nang management dahil sa kaingayan nila. Isama mo pa 'yung mga hudlong na pinapak ang bigas na nakadisplay.

Crunchy raw.

-FLASHBACK-

"Maybe we should try this one." Turo ni Alzhane sa mga marshmallows.

Tumango na lang ako at nagtago sa likod niya. Pinagtitinginan na nga kami nung ibang bumili dahil sa kaingayan ng mga hudlong. Isama mo pa 'yung halos mapuno ang area na nilalakaran namin dahil sa dami namin.

Hindi sumasama sa 'min si Kio. Wala raw siyang balak na makisama sa mga hudlong, mas gugustuhin niya pa raw manatili sa bahay kaysa sa makipagtensyunan kay Kayden at Adriel lalo na kay Chadley. Hindi ko nga alam kung anong ibig niyang sabihin. Basta ayaw niya raw kasama 'yung tatlo.

Akala mo naman gusto siyang makasama nung mga hudlong.

"Bili tayo ng mga delata tsaka noodles." Suhestyon ni Mavi.

"Ano ka? Magbabakasyon tayo hindi magbabakwit. Relief goods lang?" Pambabara sa kaniya ni Trina.

Tama naman siya. Kulang na lang bigas para sabihing relief goods ang mga binibili namin.

Kumuha ako ng luncheon meat at mga hotdogs na nasa lata. Pwede na sigurong pang-almusal 'yon. Hindi naman sila choosy. Dalawang cart ang tinutulak namin, 'yung isa para sa mga hudlong, at 'yung isa naman sa 'min nung mga babaita.

Sila ang nagbabayad ng cart nila, kami ang magbabayad ng sa 'min. Si Kenji, ito, nakasakay sa tinutulak na cart ni Alzhane, parang bata ang gago. Panay pa ang pagsigaw niya ng...

"Wieeeeh!"

Hindi naman swing 'yang sinasakyan mo, Ji.

Dumagdag pa siya sa timbang ng mga pinamili namin. Kumuha na rin kami ng mga chips, at mga candies na pwedeng kainin kapag gabi. Kumuha rin sila ng mga ready to cook popcorn. Ako, kung ano na lang ang pwedeng damputin at kainin, 'yon na lang ang kinukuha ko.

Si Kayden, nandito sa likod ko at panay ang tingin sa suot na relo. Mukhang naiinip na nga siya. Para kaming mga tanga. Nasa likod ako ni Alzhane tapos siya nasa likod ko.

Hindi naman 'to pila e.

"Buy some breads... lettuce and ham." Utos niya.

Makautos naman 'to. Sumama ako rito hindi para maging yaya mo. Kung ano-anong inuutos. Pati pagkuha ng pagkain kailangan ako pa? Kumuha naman ako no'n at pabalibag na inabot sa kaniya.

"Ayan, ikaw ang magbabayad niyan."

"Okay."

Sumabat sa 'min si Eiya. "Isha, ano pang pwedeng bilhin?"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now