Chapter 241

7 0 0
                                        

"Ayos ka lang ba talagang mag-isa?"

Iyan ang palaging tinatanong sa akin ni Mommy sa tuwing aalis ako ng bahay. Palagi ko namang sinasagot sa kaniya na ayos lang ako... magiging ayos din ako. Hindi naman pwedeng magkulong na lang ako sa bahay hangga't hindi pa nauuhuli ng mga hudlong kung sino man ang hayop na nagpapadala sa akin ng mga death threats sa akin. Kayden promised me that he will do everything that he can just to protect me to those bastards that were trying to end my life.

Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay kasama ko si Kio, kung wala man siya ay magsusuot ako ng itim na mask, cap at jacket. Parang artista lang. 'Yon kasi ang suggestion ni Kenji sa akin para raw hindi ako makilala ng mga taong nakakasalamuha ko, baka isa raw sa kanila ang nagbabanta sa buhay ko. Kung gagala naman kaming magkakaibigan, sadyang nakagitna kaming mga babae sa kanila, as if their were protecting us... shielding us.

Hindi ko naman maalis sa mga taong malapit sa akin ang mag-alala para sa maaaring mangyari sa akin kapag naging pabaya ako. Buhay ko na ang nakasalalay dito. Hindi kagaya ng mga rambol na sinasaluhan ko noon, iyon ay natatakasan ko pa dahil sa kilala ko naman ang mga taong kalaban ko pero ngayon... malabo pa sa salaming nausukan ang posibilidad na makaligtas ako lalo na at nakatago ang mga taong iyon.

Mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Bukod sa may takoy at pangamba rito sa puso ko, nakakamiss din iyong normal kong pamumuhay. 'Yong malaya akong nakakalabas, malaya kong nagagawa ang gusto ko. Nakakagala at nakakapasyal kami sa kahit na anong lugar na walang iniisip na mayroong sumusunod sa amin. In just one snap, my life drowned. Para akong isang preso na nakakulong hindi sa bahay kundi sa sarili kong pangamba.

Sa university naman ay... hindi ko alam kung ligtas pa ba ako roon. Iyong ngang mga estudyante na kaaway ng Twenty-third section ay hindi mahuli-huli, 'yong pa kaya'ng mga taong labas? Sigurado akong isang malaking tao ang kalaban namin ngayon, hindi naman niya ako papadalhan ng mga makapigil-hiningang pananakot kung wala siyang pera, bukod doon... may mga kasamahan at tauhan pa siya na nagkalat sa paligid.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa isapan ko kung sino ba ang amo ng mga nakakulay itim na jacket na may burda'ng letrang 'D.' Baka D lang ang pangalan nung abnong nanakot sa akin? Dora? Doraemon? Don Pedro? Hindi ko na alam. Bakit nga ba siya magpapakilala? Baka kapag nakita ko ang pagmumukha noon ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong gulpihin siya. Palagi na lang akong tulala dahil iniisip ko kung ano ba ang kahihinatnan ko sa mga susunod na araw

"Palagi ka na lang nakanganga, Yakie. Hindi ba nangangawit 'yang panga mo?" Tanong sa akin ni Kenji, wala pa namang teacher kaya pwede pa akong magmuni-muni. Panira lang talaga siya at 'yong nilalaro niya. Bakit ba kasi ang ingay noon? Munch attack. You have been slain. Defeat. Pati na rin 'yung enemy legendary ang palagi kong naririnig mula sa cellphone niya.

Ayaw naman kasi niya akong turuan maglaro. Even Asher and Adriel, they don't want to teach me how to move the hero in those games. Kapag ako ang natuo, tatalunin ko silang lahat. Nilingon ko siya at sinimangutan. Pinagsisisihan ko na 'ata na umupo pa ako sa tabi niya. Napangiwi ako sa kaniyang ginagawa. Mukhang sarap na sarap pa siya sa pagkalikot ng kaniyang ilong pagkatapos ay pipitikin ang nakuha. Ang sagwa ng batang 'to.

"Anong palagi? Minsan lang kaya." Pagmaaang-maangan ko sa kaniya. Kio was arrived earlier than me. Mukhang mayroon na siyang babaeng kinikita. Sino kaya 'yon? Hindi namam sa chismosa ako, gusto ko lang talagang malaman. May pinagkaiba ang dalawang iyon.

"Minsan madalas?" Tanong naman ng batang hapon. Wala akong nagawa kundi ang ngumuso na lang. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Sino ba naman kasi ang hindi matutulala kapag nalaman mo na mayroong isang taong malapit ng kumuha ng buhay mo?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now