Zagan
HEIRA'S POV
"Tsk. Bakit ba kasi hindi ka na lang nagpahatid kay Zycheia?!"
Nasa bahay na kami ngayon kasama lahat ng mga hudlong. Puno na ang sala at konting-konti na lang ay parang hindi na kami kakasya pa, nakaupo na lang ang iba sa sahig.
Buti nga at nandito sila ngayon, pwede naman siguro nilang gamutin ang mga sugat nila rito, puro mga gasgas at pasa ang inabot namin. Kahit ayaw ni Kio na makita ang mga 'to, wala naman siyang magawa dahil may kasalanan din daw siya, kanina pa siya kinukunsensya ni Mavi e.
Kung hindi raw siya umalis kanina, hindi raw ako madudukot tapos hindi raw sila magkakasugat dahil sa pakikipaglaban... kung hindi raw siya umalis, wala siyang makikitang mga hudlong na nas harapan niya ngayon.
Pinanood ko lang sila gaya ng panood sa 'min ni Aling Soling sa 'min habang napapailing. Alam kong dismayado siya ngayon dahil sa mga nakikita niyang nangyari sa 'min. Siya na nga ang nag-aasikaso sa 'min magmula kanina pa.
Parang nakahinga naman ako ng maluwang ng malamang umalis na kanina si Rolen dahil may pasok na rin daw siya bukas. Hinatid daw siya ni daddy at mommy kanina. Ayaw ko namang makita kami nung bata na ganito ang itsura namin.
Gusot-gusot at may bahid ng dugo ang mga damit. Magulo ang buhok, parang mga manok kami na galing lang sa laban ng sabungan. May mga sugat, pasa at gasgas sa iba't ibang parte ng katawan... lalo na sa braso at mukha.
Napasimangot na lang ako dahil sa napapangiwi pa sila habang ginagamot ang mga sugat nila, sari-sariling paggagamot kami, hindi naman kami magagamot lahat ni Aling Soling. Si Kio ang naglilinis ng mga sugat ko.
Iniwasan kong tignan ang mga mata niyang may pinaghalong yelo at apoy. Yelo dahil sa lamig no'n, sigurado akong hindi niya nananaman ako kakausapin ng ilang araw dahil hindi ko naalagaan ang sarili ko gaya ng palagi niyang sinasabi sa 'kin.
Apoy... nag-aalab ang mga mata niya dahil sa galit, alam kong hindi naman siya sa 'kin galit, kundi sa mga grupo ng mga lalaking gumawa nito sa 'min. May nararamdaman akong sinisisi niya rin ang sarili niya sa nangyari.
Buti na lang talaga at nagkataon na wala sina mommy at daddy dahil may biglaang meeting sila sa ibang lugar. Nagsama raw kasi ang negosyo ni mommy at daddy. Baka bukas pa raw ang uwi nilang dalawa.
Mag-iisip na lang ako ng paliwanag ko sa kanila tungkol sa mga sugat ko mamaya bago ako matulog. O kaya naman, magsusuot na lang ako ng long sleeves para hindi nila ako mahalata. Maglalagay na lang ako ng makapal na pulbo para sa mukha ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako naliliwanagan sa mga nangyayari. Basta ang alam ko, ang mga hudlong, kilala nila ang taong nasa likod ng pandurukot sa 'kin. Kilala nila ang mga nakalaban namin.
Sa paraan pa lang ng pakikipag-usap nila, sa paraan ng tingin, at sa paraan ng pakikitungo nila sa bawat isa, alam ko na may malalim na silang alitan... away, gulo, at galit sa isa't isa.
Saka ko na lang sila tatanungin dahil sigurado naman akong hindi nila ako sasagutin ngayon dahil sa sariwa pa ang mga nangyari, ni ayaw nga nila akong tignan dahil may alam na sila na may balak akong magtanong.
Si Kio, Aling Soling at si Kayden lang naman ang kumakausap sa 'kin mula kanina pa. Panay ang panenermon nila sa 'kin. Wala ni isa ang nagbalak na sumali sa usapan namin. Kahit ako, parang ayaw ko na lang na kausapin sila e.
May namumuong tensyon sa pagitan nina Kio at Kayden. Ang mahalaga ngayon, hanggang tingin lang ang labanan nila, hindi kamao sa kamao. Pinaglayo ko na rin sila dahil ayaw ko naman na mag kagulo rito.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
