Kill
HEIRA'S POV
"Kasunod na tayo niyan."
Tumango na lang ako kay Asher ng sabihin niya 'yon. Isang oras na ang nakakaraan katapos nilang sumayaw kanina.
Tinapos na lang namin 'yung iba bago kami bumalik sa room para kumain ng tanghalian. Unahin na muna raw 'yung sa ibang grades.
May oras kasi ang mga contests. May mga booths pa rin naman sa labas pero mas nanatili ang mga estudyante sa loob ng gymnasium para manood ng mga kumakanta at sumasayaw.
Kawawa naman 'yung mga grade 12, lugi na niyan sila, walang mga customers e. Sabagay, nung isang araw kumita na rin siguro sila.
Si Trina na lang ang nagluto, tinulungan na lang namin siya ng mga babaita habang nasa gymnasium ang mga kasama namin kanina. Piniritong manok na lang ang ginawa namin para mabilis.
Marunong na akong magluto ngayon, pero ang magnarinade hindi pa. Pati pagsasaing marunong na rin ako kahit sa rice cooker lang naman 'yun.
Maganda rin pala 'yung ganito. Natututo ako kay Trina at Jharylle kung pa'no magluto kahit na parang nagrarap sila kapag nagtuturo ng dapat gawin.
Wala nga ata akong naintindihan sa mga sinabi nila e. Gumagawa lang ako ng sarili kong recipe. Mas maganda na 'yun, malay ko ba kung maging chef ako sa future, 'diba?
Naghanda na lang ako ng mga plato at plastic na baso, kung saan nila nakuha ang inumin namin, hindi ko rin alam.
Ang mahalaga may sarili kaming pagkain ngayon. Hindi namin kailangang nakihati sa iba. Hindi kaya pantay ang mga hati.
Sumamingot ako ng maalala ko 'yung sinabi sa 'kin ni daddy dati. Hindi raw ako pwedeng maiwang mag-isa sa kusina, baka may mangyayaring hindi maganda.
It's either maubos ang pagkain sa ref o masunog ko ang buong kusina. Kaya nga tumutulong na lang ako sa kanila kapag nagluluto sila, hindi na ako nag-iisa.
'Yung mga tinuro rin sa 'kin ni daddy na mga pwedeng iluto hindi ko na matandaan. Tangging 'yung sinangag na lang talaga dahil 'yun ang pinakamadali. Sumimangot ako at kinamot ang ulo, kahit anong gawin ko talaga hindi bagay sa 'kin ang pagluluto.
Gusto ko sa kusina pero ayaw sa 'kin ng kusina.
Tanaw ko naman si Kayden na papunta sa room namin. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa dahil sa asim ng itsura niya. Ewan ko ba rito, may topak ata ang gago kaya siya ganiyan ngayon, pabago-bago ng mood.
Kanina, sinubukan namin siyang kausapin ng mga hudlong at i-congratulate dahil maayos nilang matapos ang kanta. Naghihiyawan pa nga ang mga tao sa paligid tapos nakangiti sa kanila ang mga judges.
Pero hindi niya man lang kami pinansin. Tuloy-tuloy siyang lumabas na may nakakuyom na mga palad at umiigting ang panga. Malamlam din ang mga mata niya.
Marahas kong iniling ang ulo ko tsaka ako bumuga sa hangin. Inayos ko na lang ang mga kutsara sa lamesa, mga platic na kutsara lang 'yon. Sigurado akong gutom na rin naman ang mga hudlong kapag pumunta na sila rito.
Nang makalapit siya sa pwesto namin— sa harap ng mismong room namin, hindi ko siya binigyan ng kahit na anong tingin. Hindi ko siya sinulyapan man lang, bakit ko naman gagawin 'yun? Kaklase ko naman siya at alam kong papasok siya sa room namin.
Alangang pigilan ko siya sa pagpasok?
Hindi naman nakakahalata sina Trina dahil busy siya sa pagluluto niya ng mga manok. Si Shikainah naman ang katulong niya. Si Eiya naman nasa loob at nag-aayos ng gamit niya dahil may naitago raw siyang pagkain para sa lahat. Candy lang niyan 'yun.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
