Chapter 215

5 0 0
                                        

— • — Happy birthday to our
Heira!!! 😚❤️ — • —

A/N: Debut ni Heira kaya gusto kong magkaroon siya ng mga 18 sunflowers. Hindi na roses ang ginamit ko para unique. She deserves it.

*****

Jealous

HEIRA'S POV

"Oh, huli na rin naman 'yan. I'm your last dance."

(Now playing: I'm Not A Girl  Not Yet A Woman / slowed version.)

♫♪ I used to think
I had the answers to everything
Mm but now I know
That life doesn't always go my way  Yeah... Feels like I'm caught in the middle... That's when I realize
I'm not a girl... Not yet a woman
All I need is time...♫♪

Inabot sa 'kin ni Kayden ang huling bulaklak. Siya ang huli kong sayaw ngayon. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba ang sayaw na 'to. Pwede naman sigurong 17 sunflowers lang 'to, 'diba? Hindi naman roses ang ibinigay nila para maganda raw.

Pagkatapos kasi ni Adriel kanina ay si Timber ang sumunod no'n. Wala naman silang maayos na sinabi sa 'kin, puro happy birthday lang ang sinabi nila. Sabi pa nga niya sa 'kin, magdiet na raw ako kasi kawawa ang mga bituka ko sa kakain.

Ang sarap nilang batukan pero hindi ko magawa, akala mo naman talaga! Kapag naghanda pa niyan sina mommy sigurado akong imbitado sila, hindi naman pwedeng mawawala ang mga 'to, kahit na ayaw ni Kio na nandoon sila.

Ewan ko ba rito sa kapatid ko na 'to. Hanggang ngayon kinakamuhian niya ang mga hudlong sa hindi ko malamang dahilan. Minsan kinausap niya ang mga ito pero madalas ang sama ng tingin niya sa lahat, pati na rin sa 'kin.

May naalala akong ikinuwento dati sa 'kin ni Kio noong nasa New York pa siya. Bakit ngayon ko lang naalala 'yon, ang tagal niya ng sinabi sa 'kin, ang tagal ko ring nakalimutan 'yon.

Sabi niya, nung mga panahon na nandito pa siya sa Pilipinas dati, may apat siyang kaibigan, sa tingin ko isa sa mga hudlong ang mga 'yon. Pero kung kaibigan niya pala dapat maayos ang pakikitungo niya sa kanila.

Umiling ako at nag-isip pa. Sino kaya 'yung apat na 'yon? Baka naman sila 'yung mga taong kinikita niya noong mga nakaraang araw. Pero pwede ring iba, nandiyan pa kasi ang mama at papa niya.

Hindi niya sinabi sa 'kin kung anong pangalan nila pero alam kong lima silang mgakakaibigan at lahat sila lalaki. Parang F5 sila na nagkahiwa-hiwalay, sayang naman kung hindi sila magkikita-kita ulit.

Nahagip ng mata ko si Kio na masama ang tingin kay Chadley. Isa pa siya e, gaya ni Eiya, parang ayaw nilang palapitin sa 'kin ang lalaki, ni ayaw nga nila akong kausapin 'yon.

Palagi siyang galit kay Chadley kaya nga ayaw ko silang nagkakalapit. Ewan ko ba rito sa lalaking 'to, lahat ata ng mga nasa paligid niya kagalit niya. Pati nga si Eiya hindi niya kasundo.

♫♪ A moment that is mine
While I'm in between
I'm not a girl
There is no need to protect me
It's time that I
Learned to face up to this on my own
I've seen so much more than you know now
So don't tell me to shut my eyes
I'm not a girl
Not yet a woman... ♫♪

"Nangangalay na ako rito. Don't you want to give me your hand?" Inis na tanong nitong nasa harap ko ngayon.

"Bakit ko naman ibibigay sayo ang kamay ko e may kamay ka naman?" Pangarap niya atang maging octopus, hihingin pa raw ang mga kamay ko, ayaw na ba niya sa kamay niyan maputi?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now