Chapter 136

14 4 0
                                        

Boss

SOMEONE'S POV

"Nandito na kami boss."

Napangiti ako ng makita ko si Harfeo na dala-dala ang taong pinaka-kinamumuhian kong tao, walang malay, walang alam. Nakakatawang isipin na gano'n ang itsura niya dahil sa pagkakaalala ko, palaban siya.

Bumaba ako sa upuan ko at nilapitan sila. Nakatayo siya at inaalalayan ng iba. Kung hindi ko lang talaga tinatago ang identidad ko sa kaniya ay baka pinabagsak ko na siya ngayon.

Hindi nararapat sa kaniya ang alalayan dahil masama siyang tao. Walang puso. Walang awa. Ngayon pa lang ako mag-uumpisang maghiganti sayo, Heira. Humanda ka na. Papahirapan kita.

Gusto ko sana na ako na mismo ang mananakit sa kaniya gaya ng pananakit niya sa 'kin at sa kaibigan ko. Gusto kong gawin sa kaniya lahat ng ginawa niya. Gusto ko siyang durugin pero hindi ngayon... hinuhintay ko ang tamang panahon.

Kung gising at may malay kaya siya ngayon, magiging masaya ba ang itsura niya dahil sa muli naming pagkikita? O baka naman kakabahan siya dahil sa konsensya niya. Sarkastiko akong napangiti at napailing.

'Oo nga pala, wala pala siyang konsensya.'

Sa'n ba galing 'yong salitang 'yon at bakit hindi nabigyan ng ganoon si Heira? Kahit katiting man lang o bahid man lang ng konsensya ay hindi siya nabiyayaan. Nilagay ko sa tenga niya ang mga takas na buhok sa mukha niya.

'Lahat ng ginawa mo... pagbabayaran mo.'

"Sige. Ilagay niyo na siya sa dapat niyang kalagyan. Itali niyo siya ng mahigpit, yung tipong hindi na siya makakawala."

"Yes, boss."

"Takpan niyo rin ang bibig dahil maingay ang isang 'yan."

Ang sarap lamutakin ng bibig.

"Yes, boss. Masusunod po."

"‘Wag niyong gisingin, hayaan niyo siyang magising dahil bisi—."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng may tumunog na cellphone. Hindi sa 'min 'yon dahil sa narinig kong ringtone. Isang babaeng kumakanta ng hindi ko alam kung anong klaseng liriko ba.

"Sa kaniya ata iyon, boss."

"Hayaan niyo."

"Boss, tumutunog ulit. Nakakaistorbo lang siya sa tahimik na paligid."

"Kuhanin niyo. Hanapin niyo. Ibigay niyo sa 'kin."

Inupo nila si Heira sa sahig at nagsimulang halughugin lahat ng gamit niya. Mula sa bag hanggang sa bulsa ng palda niya. Mukhang iba na ata ang isang 'matalinong' Heira. Kakaunti na lang ang dalang gamit, hindi tulad noon na pati raketa ay dala-dala niya.

Inabot nila sa 'kin ang cellphone niya. At kumpirmado akong sa kaniya nga ang tumutunog. Magaling. Tumatawag ang kaniyang kapatid. Ang kapatid niyang kunsintidor. Panay ang mga palusot sa ginawang mga kalokohan ni Heira.

Magsama-sama kayong lahat. Mga peste kayo sa mundo. Hindi kayo nararapat dito. Hindi kayo nararapat na maging masaya. Hindi dapat.

Hinayaan ko lang na magring 'yon habang inaayos nila si Heira sa pwesto niya. Sa trono niya. Dapat nga ay magpasalamat pa siya sa 'kin dahil may sarili siyang bangko. Tumunog pa ng ilang beses 'yon. Narindi na 'ko kaya naman pinatay ko 'yon.

Mas mabuti ng nakapatay ang cellphone niya dahil baka may tracking device 'yon at mahanap pa siya. Not so fast, Heira. Nasa 3rd warning palang ako. May mga susunod pa. 'Yun nga lang ay kung makakayanan mo pa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora