Chapter 249

4 0 0
                                        

Safe

HEIRA'S POV

"Fuck those bastards, I'll do everything to ruin their lives! Even than bullshit, DomTak!"

Nagising ako nang marinig ko ang iba't ibang mga boses, mayroong naiinis, nagagalit, masaya at mayroon ding parang mga problemado ang kanilang mga boses. My body froze when I realized where am I. I opened my eyes and all I see is the light pinned on the ceiling. Ang nakapalibot sa kwarto ay kulay puting pintura. Malamig din ang hangin dito sa loob. Napamura ako sa isip ko nang maramdam kong mayroong nakalagay na oxygen mask sa aking bibig.

Maluwang na ang aking paghinga pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa tuwing kukuha ako ng hangin. Paano ako napunta rito? Ang huli kong natatandaan ay mayroong dumating na ibang tao sa mansyon ni Dominic, nagkaaway kaming dalawa at muntikan niya na akong paputukan ng baril. Buong akala ko ay natamaan na ako ng bala pero wala naman akong nararamdamang kakaiba ngayon sa sarili ko.

"Si Heira gising na..." I heard the voice of Vance. Hindi ko man sila lingunin ay alam kong narito sila... kumpleto at nasa gilid ko silang lahat. Nanatili ang mga mata ko sa itaas at sa mga ilaw. Wala pa akong sapat na lakas para gumalaw ng gumalaw.

In my peripheral vision, I saw them approached me. Nag-init ang aking mga mata. Totoo ba 'to? Is this all true? Ligtas na kaming dalawa ni Kenji? Nakaalis na kami sa kamay ng Dominic na 'yon? After almost one week of suffering... they did everything to made us safe. Thank you. Gamit ang buo kong lakas ay inalis ko ang oxigen mask sa aking mukha at nilingon ang mga taong nasa tabi ko ngayon. Nauna kong nakita ay si Mommy na ngayon ay umiiyak.

"Mo... Mommy." I cried. Wala pa nga akong nasasabing kahit na ano, pangalan pa lang iyon pero nagawa ko na siyang paiyakin. She held my hand and squeezed it gently. I smiled weakly.

"I'm glad you are awake! God! Thank, God for saving your life." She cried while kissing the back of my palm. Muntikan pa akong matawa dahil sa paghe-hysterical niya ngunit naging masakit sa akin ang bawat galaw ko.

"Mom, let her rest for awhile, huwag niyo po siyang binibigla." Ani Kio gamit ang kaniyang seryosong mukha. Malamig ang kaniyang boses at galit siyang nakatingin sa akin. Ni hindi ko magawang magreact sa kaniyang ginagawa.

"Mayroon bang masakit sa 'yo? Should I call the nurses and doctors?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy imbes na pansinin si Kio. "Heira..." She cried again. Nakaupo siya sa may upuan sa gilid ko. Sa likod niua ay naroon si Jaxon and his family. Umiling na lang ako bilang sagot ko sa kaniya.

"Yakiesha..." Si Daddy naman ngayon ang nagsalita. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Really? What's wrong with this people? Lumabas muna saglit ang mga hudlong. Ganoon din sina Jaxon at ang pamilya niya. Siguro ay binibigyan din nila kami ng oras.

"Daddy..." Namamaos ang tinig ko dahil hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ang aking lalamunan. "Tubig..." Iyon na lang ang nasabi ko. Aligaga at nagmadali naman si Mommy na kumuha ng tubig at inabot sa akin. Hindi man pwede pero hinayaan nila akong umupo ng bahagya para makainom ng tubig.

"Can you tell us everything?" Tanong sa akin ni Kio gamit ang mariing tinig. I swallowed hard when I saw him fuming mad. Kulang na lang ay magsalubong at magkadikit ang kaniyang mga kilay dahil sa inis. "Paano ka napunta roon?" Tanong niya pa. Nahuli ko si mommy na masama ang tingin sa kaniya na tila ba pinagbabantaan ang kapatid ko.

"Kio... sabi mo sa akin... Let her rest, ano itong ginagawa mo ngayon?" Tanong ni Mommy sa kaniya. Napanguso na lang ako nang mas lalong naging galit si Kio sa akin. Itong lalaking ito... minsan sweet sa akin, madalas parang apoy. Ano siya, sweet and spicy pancit canton?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now