Chapter 183

10 2 0
                                        

Night swimming

HEIRA'S POV

"Nababasa ako!"

Alas otso na ng gabi at ayos na ang lahat. Nasa labas na kami at nakaupo sa may mahabang upuan. Nasa harapan namin ang mahabang lamesa na pinagpapatungan ng mga pagkaing iniluto nila kanina.

Tinawag namin ang ibang mga naliligo sa ganitong oras para makisalo sa pagkain namin. Ang dami kasi nito at imposibleng maubos namin 'to ngayon.

Nagpapakasaya na 'yung iba sa dagat. Samantalang ako, inaantok. Pinapanood ko lang sila, mamaya na lang siguro ako mag-su-swiming nito, lalamigin lang ako tsaka ako ang nagbabantay sa pagkain.

Puro mga lamang dagat ngayon ang niluto nila, niluto na nila lahat ang mga nahuli nila kanina, kaysa naman raw bumantot lang ang mga 'yon sa ref. Nagtira lang kami ng iilan para sa almusal bukas.

Ito na 'yung huling gabi naming lahat dito sa resort. Bukas kasi ng umaga ay uuwi na rin kami ng Maynila. Isang linggo na rin naman at babalik na rin kami sa klase nito.

Sama-sama nilang nilinis kanina 'yung mga nahuli nila, sa may dulo kung saan mero'ng gripo, naiwan kaming dalawa ni Chadley dito. Dapat ako lang e, babantayan ko lang ang bahay.

Pero si Chadley, gumawa ng paraan, masakit daw ang tyan niya, umarte pa talaga siya para lang magpaiwan. Kanina pa siya iniirapan ni Eiya, buti na lang at hindi niya pinapatulan.

Kaming dalawa ang naiwan dito. Si Kio kasi, hindi pa lumalabas no'n sa kwarto, nagmumukmok daw dahil hindi siya nireplyan nung katext niya.

Biruin mo 'yon, 'yung kapatid ko na suplado, laging kururot ang kilay at masungit, nagmumukmok at buong araw na nakahilata dahil lang sa hindi siya sinagot nung kausap niya.

Ako nga walang kachat, walang katext sa buong araw pero hindi ako nagmukmok ng gano'n. Anong bulatr nananaman ang pumasok sa kokote nitong kakambak ko na 'to?

Madalas ko siyang napapansin na may kausap at 'mama' ang tawag niya. Alam kong hindi si mommy 'yon, malamang 'yun ang totoong nanay niya. Umaakto na lang akong walang alam.

Ako nga na kasama niya lang maghapon halos hindi na niya kausapin, hindi na 'ko magtataka kung hindi niya rin nakokontak si mommy, ako kasi ang tinatawagan niya. 

Ano kayang magiging reaksyon ni mommy kapag nalaman niya 'to? Iniisip ko lang 'yon pero wala akong balak na pangunahan si Kio sa mga plano niya. Ang gusto ko lang, sabihin niya kina mommy ang totoo sa lalo't madaling panahon.

Tumayo ako at naglakad-lakad lang, tinatawanan ko ang mga hudlong na naglulunuran sa may dagat. Hinila pa nga ni Xavier ang paa ko, dapat daw maligo na 'ko pero sinipa ko siya kaya ayun, bumitaw.

"Hehehe." Sabi ko tsaka nagpeace sign. "Mamaya na lang, malamig pa." Sagot ko na lang.

"Anong malamig? Hindi kaya, sa taas lang malamig pero kapag nasa ibaba kana... mainit na." Sabi ni Jharylle at ngumisi ng nakakaloko.

Sinabuyan namin siya ng tubig. Double meaning ang sinabing niyang 'yon. Buti na lang hindi gets nung mga bata. Hindi ba talaga niya mapigilan ang bunganga niya na magsabi ng gano'n?

"Dali na, Isha! 'Wag mo ng bantayan 'yung mga pagkain, hindi naman 'yun maglalakad." Pagbibiro ni Eiya.

"Mamaya na. Maaga pa. Mamayang tulog na kayo ro'n ako maliligo para solo ko ang tubig."

"Ay wow, sumasapaw."

"Wala namang germs ang mga katawan namin, kaya halika na!" Pang-aaya ni Maurence.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now