Chapter 244

5 0 0
                                        

Dominic Takisito

HEIRA'S POV

"Ji, tignan mo lang kung may darating ha. May gagawin lang ako." 

Umalis ang mga nagbabantay sa amin, sa tingin ko ay kakain muna sila ngayon, naiwan kaming dalawa rito. Sa isang tingin ko sa bintana ay nakita kong malalim na ang gabi. Sigurado akong hinahanap na kami ni Kio, ni Jaxon, ni Maurence at sigurado akong pati si Kayden together with the hudlongs. Natatakot na ako na baka ay hindi na talaga kami makaalis ng humihina pa sa lugar na ito.

Ramdam ko ang galit ng lalaking iyon sa akin. Sa paraan pa lamang ng kaniyang pagtitig at pagsasalita ay bumubuga na siya ng apoy. Iyong tutukan pa lang niya ako ng kutsilyo ay alam ko ng malaki ang galit niya sa akin. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing titignan niya ako sa mata. Maraming nagalit noon sa akin, marami na akong nakasagupa pero siya... kakaiba siya. Mayroong nakakatakot sa kaniya. Hindi ko lang mawari kung ano iyon.

Sigurado na akong siya rin ang nagpapadala sa akin ng mga death threats mula noon. Siya ang dahilan kung bakit sa isang iglap ay nabago ang araw-araw na pamumuhay ko. Siya ang naging dahilan kung bakit lahat kami ay natatakot para sa buhay ko. Ang mga ginagawa ko dati ay hindi ko na magawa ngayon dahil sa kaniyang mga pananakot. Ngayon, natuloy na ang balak niya.

Kung gusto niya akong labanan, bakit hindi niya ako magawang kalasin at kaming dalawa ang magtutuos. Ayaw kong may madamay pa sa kaguluhan naming dalawa. Ayaw kon masali pa si Kenji sa galit niya sa akin. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang batang walang alam sa pinagkumulan ng galit niya. May ideya na ako na isa 'yong lalaking iyon sa mga nakaaway ko dati noong nasa Sta. Luiciana pa kami.

"Anong gagawin mo? Hindi tayo makakatakas dito, Yakie." Nag-aalalang sagot sa akin ni Kenji. Kaya naming makaalis dito kung hindi lang nakagapos ang mga paa ko. Masyadong mahigpit ang mga tali kaya hindi namin kayang gumalaw ng maayos.

"Kung may plano akong tumakas sana ay kanina ko pa ginawa. May kukuhanin lang ako." Sabi ko naman, agaran naman siyang tumango ng marahas, nagpapahiwatig na sumasang-ayon na siya sa gusto ko.

I looked at the ID again. Sumulyap ako sa pintuang pinasukan ng mga lalaki kanina bago ko pinagalaw ang katawan ko. Dahan-dahan akong lumundag para makalapit ng bahagya sa ID. Wala na akong sapin sa paa, ganoon din si Kenji kaya ramdam ko ang lamig ng sahig. Napalunok ang kasama ko habang pinagbabalik-balik ang tingin sa pinto at sa akin. Tumango ako at muling lumundag. Hindi naman ganoon kalayo ang ID na iyon ngunit nahihila pa rin ang kamay ko kaya napapatras pa rin ako ng bahagya.

Nang tuluyan ko ng maapakan ang ID saka ko ito inipit sa pagitan ng mga daliri ko ng mahigpit. Hindi napansin noong lalaki ang pagkahulog ng ID na galing sa bulsa niya. Isa 'yong katangahan para sa kaniya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Kapag limitado ang mga galaw ay agad akong hinihingal.

"Ano 'yan?" Tanong ni Kenji. Kung mag-usap kaming dalawa ay bulungan lang, hindi pwedeng marinig ng iba ang mga boses namin dahil baka makahalata sila.

Hindi ko siya sinagot. Tinantsa ko muna kung hindi ba mapipigtas ang lubig na ito kapag nagpabigat ako. Ilang beses kong sinubukan at mukhang matibay naman ito. Muli akong huminga ng malalim saka ako tumalon ng mataas. I flipped back. Buong pwersa kong inilapit sa aking mga kamay ang paa ko. Masakit at mahirap iyon pero nagawa ko ito. I winked at Kenji.

I saw how his lips parted. Siguro ay nagulat dahil sa ginawa ko. I can do that for a long period of time. Hindi lang flying kick ang alam kong gawin, ganoon din. I can flip my back, I can jump higher than the expected. Iwinagaygay ko ang hawak ko upang mapansin niya ito. I licked my lips bago ko iniagat ang aking baba at binasa ang hawak ko. Nakatingala ako ngayon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now