Chapter 137

18 4 0
                                        

Fighting with the hudlongs

HEIRA'S POV

Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa. Kaagad kong tinignan ang mga bagong dating. Akala ko ay mga bagong tauhan nananaman ni Boss Ipis ang dumating. Akala ko panibagong sakit nanaman ang dumating.

Kumpleto ang mga hudlong kasama sina Chadley, Kio pati na rin ang batang hapon. Halos lahat sila ay mga galit ang mukha. Lalo na si... Kayden, parang papatay siya ng tao dahil sa dilim ng mukha niya.

"Anong ginagawa niyo rito?" 'Yon na lang ang lumabas sa bibig ko kahit pa nahihirapan na 'ko.

"Sino kayo?" Tanong nung may dalang tubo.

"Kami...?"

Malamang, Kenji. Kayo ang tinatanong e, sa inyo nakatingin kaya kayo ang tinatanong. Kayo lang naman ang hindi nila kilala dito.

"Oo kayo." Sagot nung isa pa bago bumaling sa mga kasama niya. "Mga hunghang! Bakit nakapasok ang mga 'to rito?!"

"Boss, hindi namin napansin."

"Mga bobo! Bakit hindi kayo nagbantay sa labas. Yayariin tayo ni Boss D nito!"

"May nagbabantay sa labas, Boss. Kulang-kulang tayo ngayon kaya nasa labas ang mga 'to."

Anak ng... sa dami nilang 'to? Kulang-kulang pa sila? Ibig sabihin hindi pa sila kumpleto nito? Kung dati, apat lang sila tapos naging lampas labing-lima... ngayon hindi ko na mabilang.

Ang dami palang galamay nung Boss Ipis na 'yon. Hindi na 'ko magtataka kung dadami pa sila. Talagang pinaghandaan niya ang paghihiganti sa 'kin. Bakit hindi pa kasi magpakilala?

"Tumba na silang lahat." Seryosong sagot ni Kio.

Tumingin siya sa 'kin at napalunok ako ng sumama ang mga mata niya. Para bang pinagbabantaan na niya 'ko sa mga tingin niya. Ngayon ko lang nakita ang pagiging galit niya... ang sama ng aura niya.

Para bang napakadilim ng mga tingin niya. Nawala 'yung mga matang pang-isip bata. Mga matang nang-aasar. Mga matang walang bahid na kahit na anong galit.

"Uulitin ko! SINO BA KAYO?!" Pag-uulit na sigaw nung lalaki.

"Kami ang mga kaklase niya." Sagot ni Xavier.

"Kami ang mga kapatid niya." Sambit naman ni Asher.

"Mga kuya niya kami." Ani Alexis.

"Kaibigan niya kami!" Tugon naman ni Vance.

"We're her... boyfriends."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kenji. Heto nananaman siya. Sinabi niya nananaman na boyfriend ko siya... sila. Anak ng tupa, ano sa tingin niya sa 'kin? Malandi? Ang dami ko namang boyfriends? Hindi talaga nag-iisip 'tong batang hapon na 'to.

"Hindi ko sila boyfriend!" Sigaw ko, baka kung anong isipin pa nila.

"Oh, hindi naman pala kayo ang boyfriend niya."

"Yes. Because..." Pabitin na sabi ni Kayden bago ako nginisian.

Talagang may oras pa siya para makipaglokohan e 'no?! Bakit hindi na lang kaya niya ako kalagan dito? humahapdi na ang mga balat na ko na napapalibutan ng mga lubid dahil sa paggalaw.

"...I am her husband."

Nalaglag na lang ang panga ko dahil sa idinagdag niya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Parang may kung anong gumagalaw sa tyan ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now