Chapter 139

17 4 0
                                        

I want something just like this

HEIRA'S POV

"Hoy, Yakiesha! Gumising ka na r'yan!"

Napalingat ako nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa may pintuan ko. Kanina pa 'yan pero hindi ko pinapansin, ang aga-aga nambubulabog si Kio! Kung alam niya lang gusto ko na siyang sipain para tumigil siya sa ginagawa niya.

Ang aga pa kaya para pumasok. Ewan ko ba sa kaniya, palaging nagmamadali, palibhasa kasi sanay magising ng maaga. Kung gusto niyang mauna na, mauna na siya, may bike naman akong sasakyan.

Araw-araw na lang ganiyan siya. Kung makakatok parang sisirain niya pati amba ng pinto. Parang manggagatas siya sa aga niya magising, ang masaklap pa ro'n dinadamay niya pa 'ko, hindi naman sanay ang mga talukap ng mata ko na magising ng maaga.

Ang sakit pa ng katawan ko, ramdam ko pa ang mga kirot ng mga sugat ko. Hindi ko pa nababawi ang energy ko tapos bubulabugin mo 'ko?! Kio, ikaw ba? Hindi ba sumasakit ang mga sugat mo? Kasi kung hindi, ako na mismo ang mananakit sayo.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya naman tinalukbong ko ang buong katawan ko pati na ang mukha sa kumot. Hindi naman nakalock 'yon kaya hindi na 'ko nagtaka kung si Kio nananaman 'to.

Ang hirap ispellingan ng kapatid ko na 'to, ang sarap ihagis sa bintana. Natutulog pa 'yung tao e! Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko, bigla kasing bumaba yung parteng inupuan niya. 'Aaaah!'

"Hey! Wake up! Kahit kailan talaga napakabagal mo!"

"Hmm.. five minutes." Namamaos na sabi ko habang nakatalukbong pa rin, bahala na kung narinig niya.

"Ayan ka nananaman sa five minutes mo!" Inis na sabi niya tsaka pabiglang ibinaba ang kamay niya. 'Aaaah!' "Alam mo ba ang nangyari sa huli mong five minutes ha?!"

Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya, hindi naman siya maiinis kasi hindi siya nakikita ang itsura ko, pagtatawanan lang niya 'ko kapag nakita niya ang mukha ng isang bagong gising na Heira.

"May pupuntahan lang ako saglit, Kio. Babalik din ako, five minutes lang."

"May pupuntahan lang ako saglit, Kio. Babalik din ako, five minutes lang."

"May pupuntahan lang ako saglit, Kio. Babalik din ako, five minutes lang."

Naalala ko nananaman ang mga sinabi ko kahapon, kaya pala ayaw niyang marinig ang five minutes na 'yon. Bwisit na five minutes na 'yan, dinala kami sa gulo, dapat pala ten minutes na lang ang sinabi ko.

"Sige... ten minutes na lang."

"Tumayo ka na r'yan, kapag ako nainis iiwan talaga kita!"

"Edi, mauna ka na."

"What?! Bumangon ka na r'yan, alam mo bang alas syete na?!"

"Hayaan mo muna ang oras... inaatok pa 'ko e." Sabi ko tsaka ako humikab, ang lamig oh, ang sarap matulog maghapon!

"Kapag hindi ka tumayo r'yan, bubuhusan kita ng malamig na tubig!"

Sabi ko nga, tatayo na.

"Aaaah!" Pagdaing ko.

"‘Wag mo 'kong masigaw-sigawan ng ganiyan."

"Aaaaray!"

"Hey! What is happening with you?!"

"Ouch! A-araaay!"

"Hey! Sabihin mo sa 'kin, may masakit ba sayo?"

"O-oo! Yung k-kamay ko inupuan mo!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now