Hysterical
HEIRA'S POV
"Kumain ka na ba?"
Umiling lang ako sa tanong sa 'kin ni Mavi. Paano naman ako kakain kung wala namang pagkain ngayon? Alangang kumain ako ng hangin.
Umuulan sa labas kaya naman hindi muna tuloy ang program kaya wala ring libreng pagkain, gabi na, dapat itutuloy na nila 'yung hindi natapos kahapon pero hindi kami makalabas ng room.
Sabi nila hahatiran nila kami ng pagkain, kanina pa nila sinabi sa 'min 'yon pero hanggang ngayon wala pa rin ang pagkain.
Wala pa rin si Kayden, hindi ko naman siya hinihintay, 'yung pagkain ang hinahanap ko, baka kasi hindi nakapahapunan kapag hindi dumating ang mga 'yon.
Ang dami nilang niluto kanina sa canteen pero hindi man lang nila ipanamahagi, kaniya-kaniya kami ng bili at luto ng pagkain namin. May cake naman pero hindi ko alam kung kakasya sa 'ming lahat 'yon, may konting kanin at konting ulam na dala ng mga hudlong.
Sa dami namin ngayon, imposibleng magkasya pa sa 'min 'yun, pang-limahang tao lang ata 'yon, maliit na salo-salo nga raw kasi kaya konti lang. Wala rin si Kio, hindi ko alam kung saan siya pumunta at bigla na lang siyang nawala kanina.
May hinala akong kay Zoe rin siya pumunta kanina. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi nung lalaki, bigla na lang kasi siyang naging bilasa at hindi mapakali, nawala ang mga ngiti sa labi niya.
Pati 'yung sa 'kin nawala na rin dahil sa nag-aalala ako kay Zoe, kung magpapakamatay siya... bakit dito pa sa loob ng university, baka madamay lang ang mga estudyante kapag may nangyaring hindi maganda kaniya.
Ayos lang naman sa 'kin 'yon, tapos na rin naman ang ginawa nilang surpresa sa 'kin. Okay na sa 'kin na nakasama ko sila ng medyo matagal na oras, mas asungot ka lang. Char. Wala naman akong sama ng loob.
Ano na kaya ang kalagayan ni Zoe ngayon? Kahit naman maldita at palagi niya akong tinatarayan nakakaramdam pa rin ako ng pag-aalala sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. Kahit ako parang gusto na rin siyang puntahan at tignan kung ayos lang ba siya.
Naging balisa rin ako at sobra ang kalabog ng puso ko kanina. Hindi ko alam kung paano siya nagtangkang magpakamatay pero sana hindi na maulit 'yon, kinakabahan ako para sa kaniya. Alam kong hindi kami ayos dalawa pero hindi naman ibig sabihin no'n ay pag-isipan ko na siya ng masama.
Umupo na lang ako sa isang upuan ay nakatingin sa nakasarang bintana. Kahit na malabo ang nakikita ko dahil sa hamog ay pilit ko pa ring inaaninag 'yung mga tao sa labas. Kanina pa raw nahihilo ang mga kasama ko dahil sa paglalakad ko ng pabalik-balik.
Hiniram ko na lang 'yung jacket ni Maurence, siya pala ang nagpahiram sa 'kin ng makita niyang nilalamig ako dahil sa hangin.
Ako lang ang walang dalang jacket, mero'n si Kio pero sinuot niya kanina nung mawala siya. Buti na lang pala may extra si Maurence, medyo malaki pero pwede na.
Hinati ko na 'yung cake. 'Yung sakto lang sa 'ming lahat, kahit na kakarampot lang basta nakatikim kaming lahat kaysa naman sa walang laman ang tyan namin bago kami matulog.
Binigay ko na lang kay Kenji ang sa 'kin, kawawa naman e, parang kulang pa sa kaniya 'yung binigay ko sa kaniya. May chuckie naman ako sa bag, 'yon na lang ang ininom ko. Hindi ako ginugulo ng batang hapon dahil nai-sstress siya sa nilalaro niya.
Muntikan pa nga akong natawa dahil sobrang sama ng mukha niya. Maglalaro pa kasi siya kahit walang signal ngayon. Siraulo lang, kumulang ata sa turnilyo ang utak nito kaya siya gano'n.
Ano kayang pwede kong gawin ngayon? Alas otso pa lang naman e, hindi pa ako inaantok at parang hindi na ako dadalawin ng antok dahil dilat na dilat ang mga mata ko, hindi naman ako uminom ng kape, talagang gising lang ang diwa ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
