Pageant
HEIRA'S POV
"Sinong nagnakaw ng shanghai ko?!"
Tinawanan lang namin si Kenji, kanina niya pa hinahanap kung nasa'n daw ang isang shanghai niya, halos mangiyak-ngiyak na siya dahil nawawala ang pinakaiingatan niyang pagkain.
Kanina pa siya nambubulabog dito, kahit sino pinagbibintangan niya, kulang na lang maghalupasay siya sa sahig. Ayaw ko siyang tignan sa mata, baka ako pa ang pagbintangan niya at kuhanin pa ang shanghai ko.
Tapos na rin ata ang para sa sayaw... "Hips and steps of the dark" pala ang tawag do'n.
Sabay-sabay nilang sasabihin bukas kung sino ang nanalo. Buti na lang pala napasobrahan ko ang dala kong damit, kung hindi, baka hindi ako nakaligo bukas.
Kanina ko pa rin hinahanap si Hanna. Parang hindi ko siya nakita kanina na sumali sa sayaw namin, wala rin naman siya sa may mga hudlong kanina, hindi siya kasama nina Trina. Hindi ko na alam kung nasa'n siya, basta... kinakabahan talaga ako ngayon.
Hindi ko na lang muna pinansin dahil kasama niya naman ang kuya niya, wala naman sigurong gagawing masama 'yung kapatid niya sa kaniya, 'diba? Mukha namang hindi mandugugas 'yon, hindi siya kamukha ng mga hudlong.
Kumain na lang kami, ang dami nilang nabalot na shanghai. Sabi nila, pinadala na lang ni Alexis ang mga 'to sa nanay niya... Libre na lang daw dahil sa ginawa naming pagtulong dati sa karinderya nila.
Hindi naman niya dapat ginawa 'to. Ayos lang sa 'min kahit walang kapalit dahil tinulungan namin sila ng bukal sa loob namin. Kahit walang kapalit... kahit na nakakapagod, ayos lang sa 'min 'yun.
Kaibigan namin si Alexis at kami-kami rin naman ang magtutulungan kapag sa oras ng pangangailangan. Kailan ko kaya ulit makikita si Maren? Miss ko na 'yung batang 'yun.
Tumingin ako sa kawalan at huminga ng malalim. Kapag nakita ko ang batang 'yon, hindi ko na siya ibabalik pa sa kapatid niya. Pati si Kenji, namimiss niya na raw ang kalaro niya.
Sus, miss niya lang 'yung mga pagkain ng kalaro niya. Natawa ako ng maalala ang ginawa nilang dalawa nung nasa karinderya pa kami. Inilabas ba naman nila ang lahat ng kawali at kaldero nina Alexis.
Kapag may pagkakataon, babalik kami sa karinderya nila, hindi para manggulo kundi para kumain o kaya naman para tumulong ulit. Kahit na nakakapagod, ang saya rin kayang maging waiter sa may karinderya nila.
Wow, waiter.
Sana lahat hinihintay. Kumain na lang ako, may nagdapala sa 'kin ng chuckie, hindi ko alam kung saan galing 'yon, wala namang pangalan basta sabi niya lang, para sa 'kin 'yun.
'For Heira Yakiesha.'
- NAS
'Yan lang ang nakalagay. Kinuha ko na lang 'yun, sayang naman e. Hindi ko man alam kung sino ang nagbigay nito, malalaman at malalaman ko pa rin 'yan sa susunod na araw pero sa ngayon, focus muna ako sa pagkain ko.
Tatlong shanghai ang nasa plato ko, ayaw kong tumingin sa katabi ko dahil nandito ang gagong hudlong na kulapo, baka masipa ko lang ang mukha niya kapag nangyari 'yun. Ang dami kasing dapat na pag-upuan pero sa tabi ko pa talaga siya umupo.
Sa kabila naman ang kapatid ko, nakapabilog kami tapos si Kenji ang nasa pinakagitna. Para siyang tuldok sa isang bilog. Kaya nga kita niya lahat kami e. Iikot lang ng konti, makikita niya na ang galaw namin.
Ewan ko, may pagkamulala ata iya dahil hindi niya nakita kung sino man ang kumuha sa shanghai niya. Isa sa mga hudlong 'yon pero hindi ko alam kung sino sa kanila. Bahala silang pagtripan ang batang hapon.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
