Group activity
HEIRA'S POV
"Heira... 'nak gising na."
Hindi lang ako nagising dahil sa pangyuyugyog sa 'kin ni mommy, nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko, lalo na ang likod ko, hindi ko ata makakatayo nito.
Mali talaga ang desisyon ko na pagkasyahin ang malaki kong katawan dito sa sofa na 'to e. Ang tanga mo naman, Heira, pang-upo lang kasi 'yan hindi naman tulugan.
Binuksan ko ang mga mata ko, saktong tumama 'yon sa orasan. Napabalikwas ako ng higa ng makita kong malapit ng mag-umpisa ang klase namin, kay Sir Raquesta pa naman 'yon.
Ayaw pa naman ni 'You!' ng late, dati nung late kami, muntikan niya na kaming hindi papasukin. Baka kapag late ako, hindi niya na ako tanggapin sa klase niya. Ayaw kong tumayo mag-isa sa labas ng room 'no.
Shutang inames.
Bahagya ko pang naitulak si mommy para lang makatayo pero lumagutok ang mga buto ko sa likod kaya ayon, bumagsak ako sa sahig. Masakit na nga ang likod ko... lumagapak pa ako.
Napangiwi ako dahil naramdaman ko ang pagsakit ng pwetan ko. Piste ka Kio. Kasalanan mo 'to e. Kung hindi mo pinatay ang ilaw kagabi edi sana sa kwarto ako natulog. Pasakit! Ang sakit!
Sinubukan pa 'kong tulungan ni mommy pero tinaas ko ang kamay ko at tumanggi. Padapa akong humawak sa coffee table sa harap ko tsaka tumayo. Iniwan ko si mommy sa sala at nagmadaling umakyat.
Linshak! Late na 'ko!
Pumasok ako sa kwarto ko at hinanda ang mga damit ko bago pumunta sa banyo. Wisik-wisik lang ang ginawa ko, pwede na 'yon, bawi na lang bukas kaysa naman malate ako. Nagsepilyo lang ako ng ngipin at nagbihis na.
Kinuha ko ang gamit ko. Huminto ako sa hagdan, ang taas nito, kung magmamadali akong bumaba pwede akong mahulog o kaya naman matapilok nanananman. Umupo ako sa unang baitang at kinandong ang bag ko.
Ngumuso ako atsaka nagpadusdos pababa. Libre slide namin dito, masakit nga lang sa likod. Wieee!
Mahilo-hilo pa akong tumayo, ikaw ba naman ang parang kumakalog, sinong hindi mahihilo?
Patakbo akong pumunta sa kusina, nando'n si daddy at mommy. Wala na si Kio, talagang iniwan ako ng kumag na 'yon ah. Magbibike nananaman ako mamaya. Mas mabuti naman 'yon para makasingit ako sa mga sasakyan kung may traffic man.
Walang pasabing kumuha ako ng pancake sa may lamesa. Magsasalita pa sana si mommy pero isinalpak ko lang ang isang pancake sa bibig ko at kumaway sa kanila. Inilagay ko pa 'yung isa sa bibig ko.
Malaki naman ang bunganga ko kaya naman kasya ang dalawang pancake. Sumakay ako sa bike ko tsaka umalis na. Nagmadali pa 'kong magpedal dahil baka mahuli na talaga ako. Sinasampal na 'ko ng hangin. Ginigising na ata ako.
Kumakain ako habang nagpepedal. Putragis naman... kung kailan lumagutok ang likod ko saka pa 'ko nagmadali. Napapreno ako ng wala sa oras ng may dumaang aso sa harapan ko.
"Muntikan na 'ko ro'n ah..." Sabi ko sa sarili ko tsaka binato 'yung aso.
Anak ng... kung kailan ka nagmamadali tsaka naman nagsidaanan ang mga aso. 'Yung totoo? Tyinetyempohan niyo ba ang kamalasan ko? Huminga ako ng malalim at tinaboy ang mga aso.
"Kapag hindi pa kayo umalis sa harapan ko, kakatayin ko kayo!" Sigaw ko sa kanila tsaka pinanlakihan ng mga mata.
Gulat naman silang napatingin sa 'kin at namilog ang mga mata. Nagmadali silang tumakbo ng inambahan ko sila ng sipa. Akalain mo 'yon, marunong palang matakot ang mga aso, akala ko tao lang ang natatakot sa kanila.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
