(A/N: Ito 'yung binulong ni Jaxon sa chapter 205;
"Ay, damit mo ba ang mga 'to? Bakit ba sabog-sabog? Hindi ka rin pwedeng manupi? Hindi ka pa pwedeng mag-asawa kaya gano'n... hindi pa kita papayagang mag-asawa, dadaan muna sila kay kuya.")
*****
Blood stain
HEIRA'S POV
"Magdadala pa ba ng sleeping bag?"
Hindi ko kasi alam kung do'n nananaman kami natutulog sa room namin gaya ng nangyari nunt acquittance party namin. Baka wala nananaman akong tulugan kapag nagkataon, ayaw ko namang matulog sa malamig na sahig, at mas lalong ayaw ko namang matulog sa upuan, lalagutok nananaman do'n ang likod ko.
Nandito kami ngayon kita Eiya, linggo ngayon at huling ensayo na namin kaya naman kumpleto kami. Kaniya-kaniya pa sila ng dala ng pagkain, parang nagpipicnic lang kami ngayon dahil sa bakuran nina tita Zyra kami nag-iingay, siya ang mama ni Eiya, kilala naman niya ako kaya ayos lang naman 'to.
Nakakatawa nga dahil parang may fiesta ngayon, sina Alexis at Timber may dalang menudo, sina Vance at Xavier naman ice cream ang dala. Si Trina at Shikainah isang bilao ng palabok ang hawak nila. 'Yung iba pizza at donuts ang dala nila pang-abuloy este para may kanin kami rito.
Si Asher ang nakakatawa, tatlong dosena ng milktea ang dala, gusto ata niya kaming magtae dahil sa dami ng dala niya. 'Yung mga chocolates na lang ang dinala ko para hyper ang mga hudlong sa pagsayaw. Dapat hataw para naman masaya ang magiging kakalabasan no'n.
November 18.
Nakakatawa lang dahil bukas ang schedule ng foundation day, tatlong araw daw 'yon, birthday ko pa naman sa martes si Kio at si Eiya lang ang may alam no'n. Sila lang naman ang kasama ko mula dati, hindi ko rin naman sinabi sa iba dahil hindi naman sila nagtatanong.
Sa martes din ang birthday ni Kio, hindi ko alam kung totoo niya bang birthday 'yon o pinagdiriwang niyang lang 'yon para ipamukha sa 'kin na kakambal ko talaga siya. Sabay kasi naming sinecelebrate ang birthday namin kahit pa noong nasa New York pa siya, walang kaarawan ang pinagpapaliban namin.
Gaya ng sinabi namin, si Shikainah, nagpapractice ng mga pwede niyang irampa at isagot sa mga hurado. Beauty and brains naman siya kaya pwede siya sa gano'n. Parang nabunutan naman ako ng tink ng hindi niya naman talaga kapareha si Kayden para maging escort niyaa, si Xavier 'yon.
Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kapartner ni Kayden, hindu rin 'to selos. Walang malisya 'yon pero nag-aalala ako sa mga kalaban namin, baka kasi kapag siya ang sumali, siguradong talo na sila, kami na ang panalo sa contest na 'yon dahil beauty and the beast— ang ibig kong sabihin, matalino masyado si Kayden para sagutin ang mga tanong.
Ako na lang sana ang magiging audience nila e, pwede naman siguro 'yon. Kasama na ako sa audience impact, pwede naman akong magsisisigaw, malakas naman daw ang boses ko kaya talo na sigurado sila. Wala ng nakakatalo sa 'min no'n.
Pero hindi ako pinayagan.
Nakaupo ako sa damuhan dahil may 15 minutes break kami, may juice pang inihanda para sa 'min si Tita Zyra, malamig na malamig na juice pero chuckie pa rin ang uninom ko.
"Uhm..." Tumango si Kayden.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Sagot ko sa kaniya.
"Bakit, ikaw ba ang kinakausap ko?" Sarkastikong sabi niya bago siya bumaling kina Vance. "Yes, we should try this song, pero mas ayos na 'yung pinapractice natin." Sabi niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
