Chapter 219

7 0 0
                                        

Picha pie

HEIRA'S POV

"What the fuck are you doing?!"

Nagkatinginan kami ni Asher at nagtatakang binalingan ng tingin ang Kayden na sobrang pula ng mukha.

Lumalabas ang ugat hanggang sa kamay niya. Nakabalik na pala ang lalaking 'to tapos maninira pa siya ng pintuan. May pambayad ka? Mero'n ha?

Tsaka bakit ganito naman ang reaskyon niya, parang papatay na siya ng tao ah. Nag-aapoy ang mga mata niya, parehas kaming napalunok ni

Asher habang tinitignan namin siya.
Natigilan kami sa ginagawa namin, buti na lang naipasok na ni Asher 'yung isang hikaw. 'Yung isa na lang nito ang kailangan ko pang ilagay.

Nakasandal ako sa sink. Nakaharap pa nga ang katawan ko kay Asher, nakatagilid lang ang ulo ko. Iniiwasan niya rin kasing matamaan ang sugat ko sa panga.

Baka mamaga kasi kapag dumugo ulit. Ayaw ko namang may naramdaman nananaman akong sakit habang sumasayaw kami. Huling araw na 'to e. Sulitin na.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa 'kin at kay Asher na para bang kinikilatis kaming dalawa. 'Yung mga mata niya, parang nanghihinalang mga nilalang.

Napa'no nananaman kaya ang lalaking 'to ngayon? Ang ganda ng panahon pero ang pangit ng aura niya, kulang siguro siya sa tulog.

Nakita ko na nasa likod niya ang batang hapon. Ang liit kasi niya kaya hindi ko siya nakita agad. Ang payat pa niya, tsaka anong ginagawa niya rito?

Sumama lang ba talaga siya kay Kayden o sinusundan niya lang ako? Ilang saglit pa lang akong nasa banyo ah, hindi ba makakakilos ang lalaking 'to kung wala ako?

Umiling ako ng bahagya at ngumuso. Ang isang kamay ko nakahawak sa lababo, ang isa naman ay nakahawak sa kamay ni Asher, pinipigilan ko ang kamay niya na biglain ang tenga ko. Ayaw ko namang mamaga 'yun dahil lang dito e.

Ilang beses pa siyang nakakuha ng sapak, sipa at kurot sa 'kin dahil niloloko niya ako na baka raw maging tengang daga ako kapag nagsuot ako ng gano'n.

Sa tuwing tatama ang kamay niya sa sugat ko, napapadaing na lang ako, sinasadya niya talagang pisutin ang gasa ko e. Siya ang naglagay no'n tapos siya rin pala ang maglalaro.

Ibang klase rin pala ang lalaking 'to. Mahilig siya sa kape. Sobrang bait niya. Sobrang maalaga niya. Minsan lang ngumiti pero totoo naman 'yon, hindi mukhang peke. Pero kapag kami lang dalawa ang magkasama, biglang nawawala ang seryoso at suplado niyang mukha.

Lumalabas na lang bigla ang pagiging makulit niya sa harapan ko. Hindi siya 'yung Asher na palagi kong nakikita kapag kasama namin ang mga hudlong at babaita.

Biglang sumasapi sa kaniya ang kaluluwa ni Kenji, panay ang pagtawa, parang aning. Ang laki pa naman ng boses niya, pang-kapre.

Nang marinig ko ang mga yabag ni Kayden papalapit sa 'min. Kami na mismo ni Asher ang humiwalay sa isa't isa. Napasigaw na lang ako ng aray dahil nahila niya pa ang hikaw.

Sumama ang tenga ko, agad niya namang binitawan 'yon at nagpasorry. Ibang klase. May pa- I'll be gentle pa siyang nalalaman, e bibiglain niya rin pala. Inambahan ko siya ng sipa pero nakaiwas naman siya agad.

Lumapit sa 'kin si Kayden at mahigpit na hinawakan ang siko ko. Hinayaan ko na lang siya dahil nakapikit ang isang mata ko, ang sakit no'n, punyemas ka, Asher. Yari ka talaga sa 'kin mamaya!

Hinila niya ako at inilagay sa likod niya. Grabe naman 'to, kakarating lang niya tapos mero'n agad siyang ganitong eksena. Nagmake-face lang ako sa likod niya at ilang beses na binelatan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن