Bati na tayo
HEIRA'S POV
"Yakie, penge ako ah."
Nandito kami ngayon sa tambayan, sama-sama, nagkakagulo, nagbabangayan at nag-iingayan. Dahil sa marami kami ay hindi kami nagkasya sa isang lamesa. Napilitan yung iba na sumakabilang lamesa na muna. Lumingon kaagad ako kay Kenji ng sabihin niya 'yon. Nauna pa ang pagkuha niya kaysa sa pagpapaalam sa may-ari. Tinampal ko kaagad ang kamay niya ng dinaklot niya halos lahat ng chicken fillet sa plato ko. Sabi niya sa 'kin kanina ay hindi raw siya magpapalibre sa 'kin kasi nagoyo niya nananaman si Asher. Dadey Asher nga ang tawag niya kay Abo, nakahanap daw kasi siya ng dadey.
Una nga ay lolo Asher ang tawag niya pero naalibadbaran ata si Asher sa tawag na 'yon kaya naman pinapalitan niya. Ang pangit daw pakinggan. Naisingit niya pa yung 'dapat gwapong Asher ang itawag mo sa 'kin.' Ang hangin ng mga tao ngayon. Wala namang bagyo. Naimbak ata sa utak nila 'yung hangin ng electric fan kaya ngayon nila nilalabas. Pwedeng ibuga na lang 'yon?
Kawawa naman si Asher, palagi na lang siyang nalilinlang sa modus ng batang hapon. Ewan ko pero may sinasabi si Kenji sa kaniya, bulong pala 'yon kaya hindi ko narinig. Kapag nasabi na ni matsing 'yon kaagad siyang umu-oo. Pumapayag lang siya pero parang sa loob niya ay gusto niyang chop-chop-in ng samurai si Kenji. Pa'no ba naman, halos maubos ang tinda sa canteen kapag nagpapabili si Kenji sa kaniya.
Kahit ako naman ay gusto ko siyang paliparin papunta sa Tokyo at pahanap ang mga kapatid niyang ninjas.
"Ang dami nung sayo tapos kukunin mo pa yung akin! Tignan mo nga, sandamakdak 'yang nasa harap mo, nanghingi ba 'ko?"
Hindi nga siya nagpalibre sa 'kin pero yung pagkain ko naman ang dinadaklot niya. Limang plato ang nasa harap niya, iba't ibang putahe pa pero yung kakarampot na chicken fillet ko pa ang kinukuha niya.
Kung gusto niya pala no'n, bakit hindi 'yon ang pinabili niya kanina? Pwede namang magsabi e. Pero takaw mata, lahat ng nakita ay tinuro. Kung hindi lang namin pinagbawalan ay hindi titigil. Isa pa si Asher, magpapabutas ata ng bulsa sa hudlong na 'yon.
Ang sabi niya nga sa 'kin kanina...
"Yakie, hindi talaga ako magpapalibre sayo ngayon!" Taas noong pag-uulit niya.
Kaagad namang nagsaya ang mga organs ko dahil sa wakas... sa hinaba-haba ng panahon ay natauhan din ang batang hapon na hindi ko siya kampon kaya hindi ko kargo ang pagkain niya.
"Buti naman may pambili ka na." Sarcastic na sabi ko.
Yung totoo, may pera naman talaga siya, mas mapera pa nga siya kaysa sa 'kin pero kapag pagdating ng lunch break ay naiiwan niya ang mga 'yon sa bag niya. Parehas kaming tamad bumalik ng room kaya naman magpapalibre na lang siya sa 'kin.
"Mero'n nga pero kay Asher naman ako magpapalibre. " Inakbayan niya pa ang walang alam na Asher. "Diba lolo Asher, I'm your nawawalang apo."
"I don't have an ugly grandson. Hindi pangit ang genes ko para magkaro'n ako ng apo na ganiyan ang mukha." Tugon naman nung isa at tinanggal ang pagkakaakbay niya.
Medyo nagpayuko kasi siya dahil sa akbay ni Kenji sa kaniya. Matangkad siya tapos si Kenji... bansot kaya naman siya na ang nag-adjust.
"... Don't call me 'lolo.' I look even younger than you."
"Sige, dadey Asher na lang."
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
