Chapter 255

8 0 0
                                        

Trina's anger

HEIRA'S POV

"Umiyak ka lang hangga't gusto mo. I'll be your crying shoulder for now."

Iyan ang patuloy na binubulong sa akin ni Vance habang niyayakap niya ako. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng nakakatandang kapatid ngayon na pinapakinggan ang mga pag-iyak ko. A brother who's cheering me up. Hindi ko siya niyakap pabalik dahil nakakuyom ang aking mga palad, inilubog ko ang aking noo sa kaniyang dibdib. Kahit ngayon lang... kahit ngayon lang ay hahayaan kong magmukha akong mahina sa harapan niya.

I cried, sobbed and sniffed. Hinayaan ko lang na maibsan ang sakit gamit ang mga luhang inilalabas ng aking mga mata ngayon. I don't care if someone pity me because I am like a child who's crying right now. I don't care of others will say. Fuck their comments. Hindi naman sila ang nasasaktan ngayon, hindi naman sila ang hiningan ko ng tulong, hindi naman sila ang kailangan ko. Mas masasaktan lang ako kung pati sila ay pakikinggan ko.

Even though, Vance let me cry on his chest, hindi ko pa rin magawang magsumbong sa kaniya. Hindi ko pa rin magawang magkwento at magsabi sa kaniya ng tungkol sa mga nangyayari ngayon, kung bakit ako umiiyak ngayon. I let him hug me because it gave me a little calmness and it slightly soothes the pain. Hindi na siya ang Vance na palaging nang-aasar sa akin, palaging tumatawa at isip bata. All I can see is the matured Vance na parang isang Kuya sa akin.

Lumayo ako sa kaniya, nababasa ko na kasi ang suot niyang damit ngayon. At isa pa, baka naaabala ko na rin siya dahil sa kadramahan ko. Sininok na ako dahil sa kakaiyak ko ngayon. Kahit na lumayo na ako sa kaniya, nanatiling nakatingin siya sa aking mga mata. I looked away. I clenched my chest. Narito na naman 'tong pakiramdam na 'to, parang pinipiga ang puso ko ngayon. But, I still managed to breath... heavily and painfully.

Hindi ko na lang pinunasan ang mga luha ko. What would be the use of it kung mayroon din namang tutulong panibago, mababasa na naman ang mga pisngi ko. Mapapagod lang ako a
kapag ginawa ko pa 'yon. Sayang lang ang lakas ko. I smiled at him. Thanks to him... napagaan niya ng loob ko kahit katiting man lang. He's here to join me, to accompany me. Well, yeah. He's my friend.

"Kung ano man ang problema mo ngayon..." Paunang sabi niya at huminga ng malalim. Parehas kaming nakasandal sa upuan at nakatingin sa mga bitwin sa kalangitan. Pinagpatuloy ko na lang ang paghigop sa milktea na ibinigay niya. "Alam kong makakaya mong lampasan 'yan. Hindi pa kita nakitang sumuko sa anong mga pagsubok na naharapan mo na kaya sana... huwag ka ring susuko ngayon."

"Sana nga." Naiiling na sabi ko sa kaniya. Dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko na alam ang mga susunod na gagawin ko ngayon. Hindi ko na alam kung paano ko pa ulit papakisamahan sina Mommy na walang mabigat sa dibdib ko.

"You're a strong woman, Heira. Sa lahat ng mga kilala kong babae, ikaw lang talaga ang pinakamatatag na kilala ko. I've seen you crying before... secretly or even not privately. Minsan naiisip ko nga, bakit parang mas matapang at matatag ka pa kaysa sa akin? Hindi naman ako bakla pero mas nagmumukha ka pang lalaki dahil sa katatagan mo."

"Baliw." Sabi ko na lang sa kaniya. Muli siyang umiling.

"You're Heira. You can face all the challenges that the Creator gave to you. I know that you can fight them all. Indeed... even we are not on your side all the time, you can have your self. Ikaw pa ba? Ikaw kaya si Heira."

Hindi na lang ako sumagot sa kaniya. Nanatili akong nakatanaw sa madilim at mataas na kalangitan habang patuloy kong pinagbabalik-balik sa isip ko ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Malalim ang kahulugan ng mga bawat salitang binitawan niya. Alam ko rin sa sarili kong kaya kong lampasan ang lahat ng ito pero hindi ko alam kung kailan ko ba matatalo ang lahat ng problema ko. Pwede bang sumuko na lang ako at magpahinga na lang muna saglit?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang