Chapter 195

4 2 0
                                        

Unexpected

HEIRA'S POV

"Alam mo lang naman ang mga maling nagagawa ko pero hindi mo pa talaga ako kilala..."

Nakita ko kung pa'no siya napanganga dahil sa sinabi ko. Ngayon lang ako nagsalita ng ganito dahil ako rin mismo, nasasaktan dahil sa mga sinasabi at ibinibintang niya sa 'kin ngayon.

Kung alam niya lang na pati ako, nahihirapan ngayon dahil sa unang pagkakataon, hindi pinakinggan ni Kio ang paliwanag ko, sa unang pagkakataon iba ang kinampihan niya.

Sa unang pagkakataon, pinahiya niya ako sa maraming tao. At sa unang pagkakataon, kumampi siya sa iba ng hindi man lang niya nalalaman kung sino ang tama at kung sino ang mali.

Nagtataka nga ako kung pa'no at kailan niya nakilala si Zoe, sa mga inaakto ng babae ngayon, parang magaan ang loob niya sa kaniya na para bang matagal na silang magkakilala.

Buti nga sa kaniya nag-aalala siya habang sa 'kin, ang sama ng tingin. Kahit sana 'yung tignan niya na lang ako ng maayos, okay na sa 'kin 'yon e. Hindi ko na bibigyan ng kahit na anong ibig sabihin ang mga ginagawa niya ngayon.

Natutop siya, gano'n na rin ang iba, taas noo akong nakatingin sa kaniya at kay Kayden na ngayon ay puno ng pag-aalala sa babaeng may kasalanan kung bakit nandito kami ngayon sa sitwasyon na 'to.

Parang nawala lahat ng gutom ko mula kanina pa. Parang nawalan na 'ko ng ganang kumain. Gusto ko na lang magpahangin at tumawa ng tumawa hanggang sa makalimutan ko na 'tong mga nangyayari.

"You don't understand, Heira. You shouldn't have said that she's... a flirt because she's not." Depensa niya.

"Wala nga akong alam sa mga sinasabi niya, wala akong sinabing gano'n sa kaniya." Paliwanag ko.

Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo 'yon? Wala akong sinabi sa kaniya na malandi siya, siya nga ang nagsabi sa 'kin ng gano'n e.

"Liar. Nakita mo naman 'diba, lahat sila alam nila... narinig nila na sinabi mo sa kaniya 'yon!" Bulalas ni Clown 1 sa 'kin.

"Ikaw, manahimik ka r'yan, hindi ka naman kasali sa usapan, gusto mo bang salpakan ko ng kanin 'yang bunganga mo?!" Banta ni Trina.

Agad ko naman siyang nilingon at dahan-dahang umiling, lalaki lang ang gulo kung daragdag pa sila sa 'min, mas maganda na 'wag na lang nilang patulan ang mga iba kasi... parang kagaya lang nila sila kapag ginawa nila 'yon.

"Kio... she shouted it. Kaya nga nagalit ako sa kaniya... she even pulled my hair. Look oh." Ani Zoenrox saka niya pinakita ang buhok niya kay Kio.

Sumulyapan lang ni Kio 'yon bago niya ako binalingan ng tingin. Pati si Kayden, sa 'kin din pinirmi ang mata na animo'y pinapaamin sa isang kalanan na hindi ko naman ginawa.

Edi sa kaniya kayo maniwala. Mga gago. Kainis!

"Ikaw ang nanabunot sa 'kin. Bakit ba binabaligtad mo 'ko?" Tanong ko tsaka sumimangot.

"Hindi kita binabaligtad, totoo lahat ng mga sinasabi ko e. I was eating quietly and peacefully here tapos bigla mo na lang akong sinugod." Sabi niya at tinignan si Kayden. "Kahit na itanong mo pa sa kanila, Ace. I am not lying." Itinaas niya pa ang palad niya, kunwari nanunumpa at nagsasabi ng isang pangako.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko ng um-oo ang mga tao sa paligid. Ano bang nangyayari sa mga taong 'to ngayon at ako nananaman ang napagdiskitahan nila? Inaano ko ba sila, si Zoe lang naman ang may galit sa 'kin, bakit kailangan pa nilang magsinungaling sa mga nalalaman nila.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now