Chapter 196

4 2 0
                                        

Kuya

HEIRA'S POV

"Pangako... I won't tell anyone."

Tumango naman ako sa kaniya. Inabutan niya ako ng bottled mineral water na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Mukha namang bagong bili lang 'yon dahil may nakadikit pang resibo sa gilid ng bote.

Kinuha ko naman 'yon tsaka ko binuksan para uminom. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko dahil kumain ako kanina pero hindi ako nakainom kaya naman muntikan na 'kong mabulunan kanina.

Tulala lang ako habang pinipigilan na pumatak ang luha ko dahil naalala ko nananaman 'yong kanina. Naiinis ako dahil hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko sa kanila.

Marunong akong lumaban e. Mapasalitaan man o suntukan kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa iba ng hindi ako umiiyak. Tapos ngayon, dahil lang sa pesteng sabunot na 'yon, lumaki ang gulo tapos nagawa ko pang umiyak sa harap ng iba.

Tumakbo ako papalayo ro'n dahil pakiramdam ko nasasakal ako sa mga tingin nila. Nasasakal ako sa mga pagbibintang nila. Nasasakal ako sa mga masasakit na salita na sinasabi nila kahit alam ko namang hindi naman totoo 'yon.

Ayaw ko ring makita nilang umiiyak ako sa harapan nila. Gaya ng sinabi kanina ni Kio, wala akong karapatang umiyak dahil una sa lahat, ako nga talaga ang nagsimula no'n.

Kung hindi ako nagmadaling tumakbo no'n para maibalik ang mga tray, baka hindi ko nabunggo si Zoe, hindi ko sana siya nakasagutan, hindi na sana niya ako binalikan.

Kung hindi ba nangyari 'yon, makarating kaya ako sa ganitong sitwasyon? Sitwasyon kung saan galit sa 'kin si Kio at si Kayden, dismayado ang mga hudlong at napapaaway ang mga babaita.

Pumasok ako sa sitwasyon na hindi ko alam kung pa'no ko lalabasan ng hindi ko ginagawa ang gusto niya. Kahit na anong gawin niya, hindi ko sasabihin sa kaniya ang salitang 'sorry' lalo na kung hindi niya naman 'yon deserve.

Gusto ko lang namang matapos ang gulo sa pagitan namin para bumalik na ang dati kong mga araw... mga araw na tahimik at maayos.

Mga araw na walang kaaway na estudyante maliban kay Queen Bobowyowg. Mga araw na walang biglang sumusulpot sa harapan ko para lang buhusan ako ng juice, mga araw na walang nanabunot sa 'kin ng biglaan.

Iniisip ko pa ngayon kung paano ako uuwi ng bahay ng hindi ko nakikita si Kio, na hindi ko siya nakakasabay dahil nahihirapan akong umiwas, ako rin naman ang mahihirapan sa mga gagawin ko.

Hindi ko na namalayan na naubos ko na pala ang tubig. Tinangay ata ng hangin ah. Sakto lang na nabasa ang lalamunan ko tapos ubos na. Ang konti naman no'n, hindi man lang ako nabusog kahit sa tubig lang.

Binalik ko sa kaniya ang bote nang matapos akong uminom. Ngumiwi pa naman siya at parang gustong ipukpok sa 'kin 'yon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil binalik ko sa harapan ang tingin ko.

Inambahan niya ako na ihahampas sa ulo ko 'yon, nakita ko sa gilid ng mata ko e. Agad akong lumingon sa kaniya tsaka ko siya pinanliitan ng mata. Pinagtaasan niya 'ko ng kilay saka naglakad papalayo para itapon sa basurahan ang bote.

Siraulo rin 'tong Jaxon na 'to e. Hindi halata sa itsura niya na pikunin siyang tao. Mukha lang siyang seryoso pero sa totoo, para siyang joker kahit hindi naman pala-joke.

Parang labag pa sa loob niya ang ginawa niya dahil padabog siyang naglakad tapos 'yung bote pabigla niyang tinapon 'yon, sumama ang mukha ko dahil muntik ng matumba ang basurahan.

Nginiwian niya 'ko tsaka niya ako inirapan. 'Yung ngiwi niya parang nandidiri pa e. Anak ng... lalaki ba talaga 'to? Kung makangiwi parang mas maarte pa siya sa mga babae e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now