Chapter 226

7 0 0
                                        

Hanna

HEIRA'S POV

"Tara, rito sa loob. 'Wag ka ng magtaka kung bakit kami lang ang nandito, mahabang istory." Sabi ko sa kaniya dahil panay ang paglinga niya sa paligid.

"Yakie, kanina ka pa namin hinahanap— hala, sino 'yan?"

Kahit ako natigilan dahil sa sinabi ni Kenji. Oo nga pala, sino ba 'tong lalaking 'to? Hindi ko naman alam ang pangalan niya. Hindi naman kasi niya sinabi sa 'kin e.

Ngumiti na lang siya sa mga hudlong, hindi niya alam ang gagawin niya dahil lahat sila ang sama ng tingin sa kaniya. Kaya ang daming ayaw sa mga hudlong na 'to dahil unang kita pa lang nakakatakot na sila.

Inilibot ko ang mga mata ko at hinanap ang kapatid ko. Kahit saang sulok ng kwarto na 'to ay wala siya.

Sa'n nananaman pumunta ang kumag na 'to? Parang hindi man lang siya pumasok dito ah. Sa'n na 'yon? Kanina nandito lang siya ah.

Sina Kayden deretso lang ang tingin niya rito sa katabi kong inosente at walang alam sa mga nangyayari. Wala siyang kaalam-alam na hindi na siya makakalabas ng buhay dito sa room namin.

Charot.

Bahala nga sila. Si Kio naman ang pakay namin dito, hindi naman sila e. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Kio pero hindi niya sinasagot, may katawagan siyang iba.

Alanganin akong ngumiti sa katabi ko, patay na. Baka akala niya pa niloloko ko sa siya dahil hindi niya makita si Kio rito. Nasa paligid lang 'yon, baka katawagan niya 'yung babaeng misteryoso, hindi ko alam kung sino.

Si Kenji naman nakatarget lock na ang mga mata niya sa hawak ko, inilagay ko sa likod ko ang chocolate na hawak ko, baka humingi siya e. Akin lang 'to.
Sumimangot naman siya dahil sa ginawa ko.

Natahimik silang lahat. Pag-iyak na lang ng mga palaka ang naririnig ko ngayon. Lumunok muna ako bago nagsalita, parang namumuo na kasi ang tensyon sa pagitan namin.

"Uh... Upo ka muna, 'yung kapatid ko kasi baka lumabas siya, may tumawag." Palusot ko sa kaniya tsaka ko siya pinanghila ko siya upuan.

"Thanks." Sabi niya sa 'kin tsaka umupo.

Hindi tuloy ako mapakali. Tama ba ang naging desisyon ko na isama siya rito sa loob ng room namin? Baka kasi mabangasan siya ng wala sa oras dahi sa mga hudlong na 'to.

Rinig ko naman ang impit na pagtili ng mga babaita sa may likod. Todo kuha pa ng picture si Eiya sa kaniya, nagpe-peace-sign naman ang loko at ang po-pose sa may camera. Ay talagang, gusto niya na atang mamatay ng mas maaga.

"Zycheia." Mariing tawag sa kaniya ni Elijah, naitago niya agad ang cellphone niya, wala na, patay ka, Eiya. Ayan sige ha.

"Ano 'yon?" Patay malisyang tanong sa kaniya ni Eiya.

"Give me your phone." Seryosong tugot niya saka pumalad siya.

"Bakit? Este, wala, nawala, nalowbat, tinapon ko na." Tarantang sagot naman ng kaibigan ko, natawa na lang ako, kung ano-ano pang sinabi, pwede naman niyang tanggihan ang sinabi ni Elijah e.

"Delete them or give me your phone, you choose." Sabi ni Elijah.

Nakasimangot namang kinuha ni Eiya ang cellphone niya, may kung ano-ano pa siyang pinidot, pati 'yung cellphone ko tumunog. Hindi naman tawag o text 'yon, sa messenger lang 'yon. Kinuha ko rin ang cellphone ko.

'Zycheia Velasquez created a group chat'

'Zycheia Velasquez added you to the group'

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now