Half american
HEIRA'S POV
"The champion for Hips and steps of the dark category... is the TWENTY-THIRD SECTION!"
Nagulat na lang ako, kami 'yon! Kami ang panalo! Kami ang campion! Napatalon na lang ako dahil sa tuwa. Hindi ko na napigilan na yakapin ang nasa sa tabi ko. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman napabitaw na lang ako.
Natigilan pa nga siya at nakanganga, alanganin na man akong ngumiti sa kaniya, parehas kaming nagkatinginan. Nasa ere ang dalawang kamay niya na para bang nabigla na rin dahil sa ginawa ko. Hala! Nagulat lang kasi ako sa sinabi nung emcee.
Siya ang sisihin niyo, 'wag ako.
Nag-iwas na lang ako ng tingin ng ngumisi siya, hinaplos niya pa ang ibabang labi niya tsaka ako kinindatan.
Sumama na lang ang mukha ko dahil sa nangyari, ayos lang namang magulat pero bakit may payakap, Heira? Bakit ha? Timang ka ba talaga?
Kinabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Hinilot ko na lang ang sentido, makikisaya na lang ako sa mga hudlong na ngayon ay hindi talaga makapaniwala dahil sa nanalo kami.
Si Vance ang pinakamasaya sa 'min, halata naman e. Todo yakap siya sa babaitang Trina, kulang na lang umiyak na siya.
"Come here in front, TWENTY-THIRD SECTION. Claim 'your reward or should I say... your prize. You deserve it, you made your performance a boom!" Papuri sa 'min ng emcee.
Sabay-sabay kaming bumaba, kaming lahat maliban kay Kayden na nakatingin lang sa 'min habang nakangiti.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbaba ko pero hindi pa rin siys bumababa kaya naman kinamot ko na lang ang ulo ko tsaka ko siya sinamahan, kawawa naman siya kung loner siya ngayon, 'diba?
"What are you doing here? Won't you join their picture? You're one of them." Sabi niya sa 'kin, tumabi ako sa kaniya tsaka pinitik ang ilong.
"Hindi ka rin naman sumali ah pero kasama ka. Kung hindi ka sasali edi hindi na rin ako."
"Why?" Takang tanong niya sa 'kin.
"Because... uhm... ano, thank you for that wonderful question, Mr. Williams. I want to answer you question uhm.. the reason why I... tangina tagalog na nga lang, ang hirap magpaka spokening dollars!" Hirap na sabi ko sa kaniya, nakakadugo ng ilong ang english na 'yan.
Tumawa naman siya ng malakas tsaka niya pinitik ng malakasan ang noo ko. Ngumisi naman ako, king ina, ang haba ng daliri niya tapos gaganunin niya 'ko. Bwisit na 'yan, ang lakas ng pwersa.
"Silly." Sabi niya bago tumigil sa pagtawa pero parang pinipigil niya lang 'yon dahil may inilalabas pang hangin ang ilong niya.
"Ge, tawa pa, nakakatawa naman 'yon e." Nakangiwing sabi ko bago ako tumingin sa mga nasa ibaba.
Hindi rin pala sumali si Kio sa kanila. Mukhang tinitignan niya muna kung sasali ba ako o hindi. Tinaas ni Kenji ang trophy na nakuha nila, kinawayan niya ako at sinenyasang bumaba pero sumenyas lang din ako na hindi na.
Nagthumbs up ako sa kanila atsaka ngumiti. Pinaghirapan nila 'yan e. Lahat kami pinaghirapan namin kaya naman ganiyan ang naging bunga. Masarap talagang tignan kapag masaya silang lahat.
Kay Kio naman ako tumingin, seryoso pero walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa mga hudlong sa ibaba. Napalunok ako. Ayaw niya bang manalo kami? O ayaw niya lang talagang makita ang mga hudlong na nasa stage?
Sa Kulapo naman ako sumulyap, hindi na naalis ang nakakalokong ngiti niya pero nakatingin pa rin siya sa mga hudlong. Umupo siya kaya naman gumaya na rin ako dahil nakakangawit din pala na tumayo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
