Dance practice
HEIRA'S POV
"Kasama pala natin 'yung ibang section e."
Tumango na lang ako sa sinabi sa 'kin ni Shikainah. Nandito kami ngayon sa gymnasium ng university dahil malaki ang space nito para sa 'ming lahat... para sa 'ming mga pinaparusahan.
Mahigit dalawang oras na kaming nananatili rito dahil sa pinapagawa sa 'min ni Sir Edward kahapon, oo kahapon pa 'yon tapos nagkataon na pang-umaga ngayon ang klase niya tapos wala pa kaming teacher sa next subject dahil may sakit daw siya.
Wala naman siyang iniwang gagawin kaya naman kinuha ni Sir Edward ang oras na 'yon para pahirapan kami— este para turuan kami ng hip-hop, wala naman daw siyang papasukan na klas.
May dumating pang mga iba pang section, 'yung mga libre ang oras ngayon kinuha niya rin para isahan na lang daw ang pagtuturo niya. Ang dami namin, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o sadyang galit lang siya sa 'min.
Sabi niya kahapon self learning and practice lang daw kami pero ngayon, halos ubusin niya ang energy namin kakalundag, kakasigaw at kakahakbang para lang magawa namin ang mga steps ng sayaw na 'to.
Nasa likuran pa naman kami kaya hindi namin masyadong marinig ang mga sinasabi niya. Kanina dalawang section lang kami rito e. Section namin saka 'yung section ni Queen Bobowyowg and her alipores.
Tapos may dalawa nananamang tinawag si Sir Edward, alam naming ka-grade level lang namin sila pero hindi namin alam kung ano bang section ang mga 'yon. Wala rin naman kaming pakialam kung sino man sila.
Pagkapasok pa lang nila agad na dumapo sa 'min ang kanilang mga tingin. Tingin na nakangisi pero matalim, tingin na parang gusto na kaming durugin at pisain na parang isang itlog.
Ngumiwi naman ako, mga mukha kayong tambay sa kanto mga gago. Kung tignan niyo naman ako parang ako ang pinakasama sa mundo. Mukha naman kayong mga tatlong linggong walang tulog.
Bumibilis na ang paghinga ko dahil sa pagod. Kaya ayaw kong sumasayaw e. Sigurado lang talaga na magpapawisan ako ng todong-todo tapos parang lantang gulay pa 'ko pagkatapos. Ayos na 'kong maging songerist.
May time out nga kami kanina para magpahinga pero napagod din naman ako kakapakinig sa mga daldal ni Trina tapos sumakay pa sa likod ko si Kenji. Ang payat lang pero ang bigat.
Uminom na lang ako ng tubig, buti na lang binilhan ako ng magaling kong kapatid. Syempre hindi ko tinanggihan kahit na galit ako sa kaniya, malayo pa ang canteen e. Sayang lang ang pawis.
Kinuha lang 'yon ng hindi nagsasalita. Hindi pala akong kumuha, pinakuha ko lang kay Kenji 'yon. Ayaw ko namang isipin ni Kio na ayos na kami dahil lang sa binigyan niya ako ng tubig.
Tawa lang kami ng tawa rito, tawang hindi naririnig ng iba, pinipigilan naming humalakhak e. Pa'no ba naman, lahat kami hindi marunong sumayaw, hindi naman namin nakukuha ang mga steps na sinasabi ni sir.
Kahit anong gawin namin wala rin. Tinakot nga kami ni sir na ibabagsak niya kami kapag hindi namin nagawa ng maayos ang pinapagawa niya. Si Kenji naman nag-Dante Gulaps siya.
"Yakie, tignan mo, pakpak dance." Sambit niya saka siya sumayaw sa harapan ko.
"Bird dance 'yun e." Alma ko sa kaniya.
"Oo, basta 'yun... 'yun na 'yon." Sagot niya naman sa 'kin.
Hindi nahahalata ni Sir Edward ang mga ginagawa namin dahil natatakpan kami nung mga dambuhala este 'yung mga nasa ibang section. Ang lalaki naman kasi ng mga katawan nila, dinaig si Adonis.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
