Chapter 251

8 0 0
                                        

Friend's help

HEIRA'S POV

"Anak, kasama namin ngayon ang sinasabi mong 'Kuya Charles', gusto ka niyang bisitahin."

Tatlong araw na akong nasa hospital na ito at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang pangangatawan ko. Tatlong araw na ako rito pero hindi ko pa rin nababalitaan na nasa kulungan na si Dominic Takisito. Sa tuwing walang nagbabantay sa akin ay pumupunta rito ang mga hudlong at ang mga babaita, may kausap na ako, mayroon pa akong pagkain, 'yon ang dala nila sa tuwing narito sila.

I smiled. Hindi pa rin nila ako iniwan, from my ups through my downs. Palagi silang nasa tabi ko, kahit hindi nila sabihin, kahit hindi ko nakita ang totoong nangyari ay alam kong kasama sila noong nagkaroon kami ng kaengkwentro, noong kalaban namin sina Dominic Takisito at ang kaniyang mga tauhan. Hindi nila ako hinahayaang mag-isa dahil baka raw may manloob pa sa akin sa hospital na ako. Sinabi ko naman sa kanila na wala naman na silang dapat pang ipag-alala, malakas naman ang security rito.

Hindi rin naman na ako takot pa na mag-isa ako ngayon, multo nga ay natatakot na rin sa akin. Tao pa kaya? At isa pa, noong may kasama nga ako ay napahamak na ako, kapag mag-isa pa kaya ako? Ang gusto ko lang sabihin ay, hindi ko rin kailangan ang palaging sinasamahan dahil kaya ko na ang sarili ko ngayon. I have learned my lesson. I get lessons and advices from the challenges I am facing and I faced.

Si Kenji naman ay palagi ring narito sa kwarto ko dahil natatakot siya roon sa sarili niyang kwarto. Hindi naman palaging naroon ang kaniyang pamilya para bantayan siya, mas matagal pa nga ang pag-alis nila kaysa sa pananatili nila sa hospital na 'to. Ang mga kapatid naman ni Kenji ay minsan ko lang nakita rito, siguro ay malayo talaga ang loob nila sa kanilang kapatid.

"Nung araw na... t-tinatanong mo ako... k-kung ano ang nangyari at bakit may s-sugat ako."

"Sina Ate at Kuya." Roon pa lang ay napasinghap na ako dahilan para manikip ang dibdib ko. "Sa tuwing kasama ko sila sa bahay... palagi silang nagagalit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. I am the youngest among the group... pero hindi ko man lang naramdaman na espesyal ako sa kanila... kaya ayaw kong mawala ka dahil ikaw... sa 'yo ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang ate."

Bumalik sa aking pandinig ang mga sinabi niya sa akin noong nakakulong kami sa abandonadong kwartong iyon. Kaya ba palagi siyang mayroong sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan dahil sa mga kapatid niya? Sinasaktan siya dahil siya ang bunso. Nasa kaniya ang lahat ng atensyon kaya siguro masama ang loob nila kay Kenji pero required ba talaga ang saktan nila ang batang iyon?

Ni minsan nga ay hindi siya naging pabigat sa amin, we can trust him, he's a great friend and a good man. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang mga nakukuha niya sa bahay nila. Sa kabila ng kaniyang mga pagngiti, mayroon pala siyang pinagdaraanan. Hindi niya nagawang mag-open up sa amin, kailan man ay hindi siya nagkwento ng tungkol sa pamilya niya. As long as he's happy with us, we let him to... do what he wants.

Kaya nga palagi ko siyang tinatanong kung ayos lang ba siya, kung mayroon bang masakit sa kaniya. Kung ano ang nararamdaman niya dahil natatakot akong pati siya ay malulong at malunod sa mga negative thoughts na nasa kaniyang isipan. He's still a boy, ang mga nakukuha niyang mga masasakit na sila ay maaari niyang damdamin masyado. Buti na lang at hindi nagpapaapekto si Kenji.

Siguro ay... kapag mayroon akong oras ako na mismo ang magtatanong at kakausap kay Kenji tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. He's like a little brother for me at kung ano man ang mga paghihirap niya, paghihirap ko na rin. I don't want to see him unhappy and miserable. Hindi ako sanay. Matapang siya at matatatag, alam kong makakayanan niya rin ang lahat.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now