Library
HEIRA'S POV
"Try mo sa cr. Baka ro'n pwede." Malamig na sabi ni Timber.
"Siraulo ka ba?!" Pabagsak kong binitawan sa lamesa ang tray na hawak ko. Parang uminit ang tenga ko.
Hindi sila ang mga kilala ko na maayos kausap, matinong kausap, hindi pabalang, gago lang. Pero anong nangyayari ngayon sa kanila? Parang bigla na lang nagbago ang mga ugali nila. Nagbago na ba ang pananaw niyo sa buhay?
Nakatingin silang lahat sa 'kin, nagulat ata sila dahil sa ginawa kong pagsigaw. Hindi ko naman sinasadya 'yun, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Maayos naman akong kausap, nakakapagtimpi pa 'ko dahil alam kong ako ang mali.
"'Wag mo nga siyang sigawan ng ganiyan, Heira!" Sabi ni Eiya at tumayo pa.
Natawa ako ng sarcastic. Heira raw. Isha ang tawag mo sa 'kin e! Pati ba naman 'yun makakalimutan mo? Ang layo ng pagkakakilala ko sa kanila. Ganito pala magalit ang isang tao, bigla-bigla na lang nagbabago.
"Hindi ko siya sinisigawan, Zycheia." Sagot ko na siya naman nakapagpagulat sa kaniya. Anong nakakagulat do'n? Pangalan niya naman 'yon?
"You may go. We're eating peacefully here, don't bother us."
"Okay, Adriel. Magpapaliwanag ako ha, hindi... mali ang iniisip niyo!"
"What? Anong mali sa iniisip namin na may mali kayong ginawa ni Aiden? May nangyari na nga sa inyo 'diba?" Sabi naman ni Alexis.
Woooh! Kaya pa 'to. Tumingin ako kina Shikainah, Alzhane at Hanna na nakatingin lang at nanonood sa 'min, malungkot ang mga mata nila. Nananahimik lang si Alzhane pero alam 'kong nag-aaalala siya sa pwedeng mangyari.
"Walang nangyari sa 'min nung 'ano' na sinasabi niyo... hindi naman namin ginawa ang bagay na 'yon!"
"Ha! Now you're denying it, whereas yesterday, you told us everything about it."
"Kayden naman..." Nawawalan na 'ko ng pag-asa.
"Don't call me by name. We're not that close."
"Anong gusto mong itawag ko sayo? Kulapo?"
"What the fuck?"
"Stop it. Let her explain first." Sabat ni Alzhane.
"Mali nga kasi ang iniisip niyo. Wala kaming ginawang kagaguhan ni Aiden, misunderstanding lang lahat. Mali ang mga sinabi ko."
"Ano, nagsinungaling ka sa 'min, gano'n?" Pabulong na tanong ni Xavier.
"Hindi naman sa gano'n!"
"Then what? Anong gusto mong isipin namin? Na ang kaibigan namin na nangako sa 'min dahil sa deal ay magsasabing may nangyari na sa kanila nung isa naming kaibigan ha?" Ani naman ni Eiya.
"Hindi nga gano'n 'yon—!"
"Ang dami mo pang paligoy-ligoy, sabihin mo na lang. Hindi 'yung puro ka na lang 'hindi nga gano'n 'yon.'"
"Anak ng puta, Mavi! Pwede bang patapusin niyo muna ako?!" Napakamot na lang ako sa ulo ko ng marahas, ang hirap magpaliwanag kapag sarado ang mga pag-intindi nila.
"Okay, go. Sorry naman."
Gago.
"Aiden..." Tawag ko, ang magaling kong kapatid, tatawa-tawa sa isang gilid, alam niya naman ang totoo pero tignan mo, hindi man lang niya 'ko tinulungan sabihin ang lahat. Pinapahirapan niya talaga ako e.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
