Betrayed
HEIRA'S POV
"A-anong sinabi mo? Ulitin mo nga?" Nauutal na pakiusap ko kay Trina, unti-unti akong tumayo mula sa pagkakatumba ko sa sahig. Patuloy pa rin ako sa pagluha ko ngayon. Nanginginig ang aking mga labi at parang nilulukot ang puso ko habang pinapakinggan ang mga sinabi niya. Sinuportahan pa ako ni Kenji dahil muntikan na akong matumba, nanlalambot na ang mga tuhod ko.
"Bingi ka ba o sadyang hindi mo lang matanggap ang mga sinasabi ko sa 'yo?" Gigil na sabi niya sa akin. Pumagitna na sa aming dalawa ang mga hudlong at babaita. Mabuti na lang at wala pa 'yong iba. Pati siya ay umiiyak na, mayroong kasamang galit ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa kaniyang mga mata. Kenji stayed in my side. Atleast mayroon pa ring naniniwala sa akin na wala akong ginawang masama.
"Trina... pakiusap, sabihin mo na lahat sa akin..." Sabi ko sa kaniya habang sapo-sapo ko ang aking mukha. "Nasasaktan na ako... lubus-lubusin niyo na... sabihin mo na ang lahat para isang bagsakan na lang..." Kasi ako? Hindi ko na rin kaya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Kaya ka lang naman tinanggap ulit ni Kayden dito, kaya ka lang naman kinabibilangan ng mga taong narito ay dahil kailangan ka nila. Hindi mo ba napapansin na kaming lahat ay nagpapagawa sa 'yo ng mga requirements? Kapag mayroong nangyayari sa 'yong maganda ay nawawala kami bigla dahil ayaw naming madamay pa sa 'yo!" Sigaw niya, may kung anong matatalim na bagay ang sumasaksak sa akin ngayon.
"Trina..."
"Sa tingin mo ba ay kakayanin naming makipagkaibagan sa katulad mong parang isang lalaki. Sa isang basagulerang katulad mo?!" Sigaw niya na naman sa akin. Umabot sa mukha ko ang matatalim niyang kuko, ramdam ko agad ang hapdi roon. May sugat siyang naibigay sa akin. "We all fucking used you! You all fucking betrayed you!"
Hindi ko na ata kinaya ang mga sinabi niya kaya naman napasandal na lang ako sa pader at humagulgol. Nawawalan na ako ng hangin dahil sa kaniyang mga sinabi, sumobra na ang sakit ngayon. The pain from my family... my mother... my siblings and now... my friends. Ang lahat ng mga taong hindi ko inaasahan na sasaktan ako ay tuluyan na akong dinudurog at paulit-ulit na sinasaksak. Marahas kong pinunasan ang aking mga luha bago ako tumingin sa mga taong pumipigil ngayon kay Trina para huwag ng sabihin pa ang ibang nalalaman niya.
"Alam mo ang lahat ng 'to, Lucas?" Tanong ko sa kaniya. Ang kaninang seryoso ay lumambot na ngayon. Hindi siya makasagot sa akin kaya naman mas lalo akong napahagulgol. "Ikaw, Eiya? Alam mo rin na ginagamit lang nila ako? Alam mo rin na... kaya lang naman nila ako pinakisamahan dahil... kailangan nila ako para pumasa sila?" Masakit sa aking itanong sa pinakamalapit kong kaibigan ang isang ito ngunit ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
"I'm sorry..." Dalawang salita pa lang ang sinasabi niya ay unti-unti na akong nawalan ng lakas. Paano niya nagawa sa akin 'to? Kaibigan ko siya e! Bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat ng ito noon pa? Mula pagkabata ay magkasama na kami, ngayon niya pa ako nagawang... paglihiman, wala rin silang pinagkaiba sa mga taong nasa bahay.
"Kenji?" Baling ko sa kaniya. Pumapag-asa akong wala siyang alam dito dahil parang kapatid ko na siya at alam kong hindi niya ako magagawang lokohin. "Sumagot ka! Pati ba ikaw may alam dito ha?! Ji! Alam mo rin bang... ginagamit lang nila ako?" Dahil sa pagsigaw ko ay mabilisan siyang tumayo. "Putangina!"
Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay napatingala na lang ako, kagat-kagat ang aking labi habang marahas na sinusuklayan ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Lahat ng mga taong kasama ko ngayon ay kaibigan ko, inakala kong kaibigan din ang turing nila sa akin, lalo na si Eiya, pati siya! Pati siya ay niloko ako. Sa mga taong kasama ko sa kwartong ito ay walang... naging totoo sa akin kahit isa.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
