Chapter 141

10 3 0
                                        

Her, she

HEIRA'S POV

"Daddy!" Sigaw ko tsaka ako tumakbo palabas ng dining at patalon ko siyang niyakap.

Totoo na 'to, hindi na siya screen, nasa harap na talaga namin si daddy! Nahahawakan, nakakayakap, at nakakausap! Hindi siya hanggang panaginip na lang. Yung daddy ko este namin na matagal na namalagi sa ibang bansa, nandito na siya!

Ang tagal kong hinintay ang oras... ang araw na 'to. Akala ko nga, hindi na darating 'tong sitwasyon na 'to. Pero, heto! Kayakap ko na ang unang lalaki sa buhay ko pwera kay Kio.

Ilang taon ba ang hinintay namin para makita namin siya ulit? Ilang taon ba ang pinalampas namin para lang makapagstay siya sa New York? Ilang pasko ba at bagong taon ang nagdaan na hindi namin siya kasama?

Dati, kada anim na buwan ay umuuwi siya, kada may okasyon ay nakakauwi siya. Pero nang dahil sa aksidenteng nangyari na hindi ko alam kung ano ang dahilan at pinag-ugatan no'n, ni isang beses ata ay hindi ko na siya nakitang umuwi.

Hindi ko alam kung masyado ba siyang busy sa ibang bansa kaya hindi siya umuuwi o dahil hiwalay na sila ni mommy kaya siya sa New York nanatili. Halos, dalawang taon din siya ro'n.

Si Kio, parang wala lang sa kaniya ang pag-uwi niya kasi palagi niyang kasama 'tong kumag kong kapatid. Araw-araw nagkikita sila, nagkakasama, at nagkaka-usap. Hindi tulad ko na kahit sa cellphone man lang ay hindi ako matawagan.

Kunh hindi lang siguro ako tatawag kay Kio hindi ko siya makakausap. Minsan nga ay wala pa siya kaya hindi ko rin nakakausap. Pero, naiintindihan ko naman siya, para rin naman sa 'min ang ginagawa niya.

Ngayon, kahit na sandaling panahon lang namin siya makakasama, masaya na 'ko atleast nakauwi na siya. Makakasama na namin ulit siya! Sana lang ay magkabalikan na silang dalawa ni mommy.

"Ehem, Yakiesha, baka gusto mong bumitaw. Hindi na nakakahinga ng maayos si daddy."

Inismiran ko lang si Kio bago ako bumitaw sa yakap namin ni daddy. Niyakap din siya ni Kio pero saglit lang, hindi katulad sa 'kin na matagal. Trip kong matagal na yumakap e, anong masama ro'n?

"Ikaw, Kio, hindi ka na talaga nagbago. You are still teasing your sister all the time."

Ha! Binelatan ko si Kio, may kakampi na 'ko sa bahay, sa wakas! Hindi na nila ako pagtutulungang tatlo. May tagapagtanggol na ulit ako kapag inaasar nila ako.

"Dad, I'm just telling her not to hug you too much, she obviously really missed you."

"Syempre naman! Namiss niya ang gwapo niyang tatay."

*Ubo* *Ubo* *Ubo* *Ubo*

Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni daddy. Medyo lumakas din ang hangin. Ngayon alam ko na kung kanina nagmana si Kio. Kakarating lang niya, nakahirit na kaagad.

"Hey, are you okay? Akio, get her a glass of water."

"Hayaan mo na po'yan, matanda na siya. She can do that."

Tignan mo 'to, ang sama talaga ng ugali! Ang sarap mo pisain ng sampong beses!

"Opo, ayos lang po ako."

Nahagip ng paningin ko sina mommy at Aling Soling na nakatayo malapit sa may lamesa. Nakangiti silang pareho, gusto atang lumapit. Pero si mommy, namumula, baka naiilang sa presensya ni daddy.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at hinila ang parehas ng kamay. Nagulat pa silang pareho pero nagpatianod na lang din sila.

"Heira, what are you doing?" Bulong sa 'kin ni mommy.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now