"Anong nangyari sa braso mo, Anak?" Lakas loob na tanong sa akin ni Tita Hazel. Siguro ay hindi niya na talaga napigilan ang sarili niyang mag-aalala kaya naman lumapit na siya sa akin at sinuri ang aking kamay. This time, I let her. I let her touch me... as her daughter. "Heira... anong ginagawa mo sa sarili mo?" Tanong niya sa akin. I bowed my head. Nanatiling nasa mga paa ko ang paningin ko.
"Na... nagulungan ng tricycle." Sagot ko sa kaniya. Ito ang unang beses na sinagot ko siya ng maayos matapos ang nangyari. "Ayos lang ako, 'wag mo akong intindihin." Dagdag ko pa. Pero imbes na lumayo siya sa akin ay bigla niya na lang akong niyakap. I swallowed hard when felt the strong pounding of my heart.
"Heira... sinabi naman ang totoo sa 'yo dahil gusto naming kilalamin mo kami bilang pamilya mo hindi para saktan mo ang sarili mo." She cried on my shoulder. Hindi kagaya ng kay Mommy, hindi ko nagawang suklian ang kaniyang mga yakap sa akin, hindi rin ako umangal pa. "Anak naman, kung alam ko lang na magiging ganito ka sana ay pinakinggan ko na lang ang Mommy mo... sana hindi na lang namin sinabi ang totoo."
But I deserve to know the truth about myself.... about my life... about my family. Hindi niyo maaaring ipagkait sa akin ang katotohanan, para niyo na rin akong piniringan kung iyon ang gagawin ninyo. Alam kong mahirap sa inyo na makita akong ganito pero mas mahirap pa rin sa akin na tanggapin ang sarili kong pagbabago dahil lang sa sakit na naramdaman ko na galing sa inyo. Ako mismo, hindi ko rin matanggap ang sarili ko na hindi ako tunay na anak ng mga pinakamamahal kong tao.
Sana ay maintindihan niyo rin 'yon. Sana ay maintindihan niyo rin na kailangan ko ng sapat na oras para matanggap ko ang lahat. Sa ngayon... masakit pa talaga sa akin dahil sariwa pa ang mga sugat. Kung pipilitin niyo ako na maging normal ang pakikitungo ko sa inyo ay para niyo na ring binudburan ng asin ang mga sugat na dulot ninyo. Siguro niya ay manhid na ako... hindi lang sa sarili ko kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid ko.
Hindi ko na kasi alam kung kaya ko pa bang intindihin at isipin pa ang kapakanan... ang nararamdaman nila matapos ang mga nangyari. Sa ayaw ko man sa hindi ay obligasyon ko pa ring tanggapin ang lahat-lahat dahil iyon ang totoo. Iyon ay tungkol sa pagkatao at sa buhay ko. Nailang na ako sa matagal na pagkakayakap sa akin ni Tita Hazel, pati na rin sa mga sinasabi niyang pinagsisisihan niya kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko at makahulugang tinignan si Tito Jackson.
Mukhang nakuha niya naman 'yon kaya lumapit siya kaagad sa amin at sapilitang inalis ang kaniyang asawa mula sa katawan ko. I gasped. I am not rude and disrespectful. I respect them as my family, I am not intentionally hurting them... it is what they are feeling whenever they see me like this. Kung ako nga rin ang papipiliin ay gusto ko ring ibalik ang dating ako, pero paano ko iyon gagawin? I am just an ordinary lady with no magic to turn back the time.
"Mommy... aakyat na po ako. Tawagin niyo na lang po kapag kakain na." Saad ko, mukhang nagulat pa siya dahil maganda ngayon ang pakikitungo ko sa kaniya. Agad siyang tumango sa akin at sinamahan pa akong umakyat sa kwarto ko. Siya na rin mismo ang nagsara ng pinto nang sinabi kong magpapahinga na lang muna ako.
Saglit akong naidlip, pinilit ko ang sarili kong matulog kaysa sa mag-isip pa dahil alam kong sasaktan ko lang din ang sarili ko. Nakatanggap ako ng mensahe kay Axl na nakauwi na raw siya sa kanila. Nagpasalamat lang akong muli sa kaniya biglang reply. I am not breathing anymore if he was not there and saved me. I am not this okay if he didn't brought me to the hospital... I am not this okay if he didn't talked to me and gave me jokes. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya bilang kaibigan ko.
"Heira... baby... come on, let's eat na. Dinner is ready." I heard a knock from my mother. Tinatamad man ay tumayo pa rin ako mula sa higaan, sinuot ko ang tsinelas ko, nakaligo na rin ako kanina. Binuksan ko ang pinto at tipid na ngiti ang sinukli ko sa kaniyang abot taingang ngiti. "Nagluto ako ng mga pagkaing paborito mo. I know you missed eating chicken pastel and carbonara." Pagkukwento niya habang pababa kami ng hagdan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 260
Start from the beginning
