Napangiwi ako. Siraulong lalaking 'to, idadamay niya pa ako sa mga kalokohan niya sa buhay. Hindi maman siya naggagagala, talagang dito siya pumupunta sa tuwing katapos ng klase niya. Hindi na ako nag-abala pang magtanong nang sabihin ng nurse sa amin na bayad na raw ang bills ko. Hindi man sabihin ni Jaxon, alam kong siya ang nagbayad noon. Huminga ako ng malalim, papakialaman talaga niya ako sa lahat ng mga hakbang ko sa buhay. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na bayaran niya, nagastos pa tuloy siya.

Axl offered to send me home so I accepted it. Wala naman din akong pambayad ng taxi kung magkocommute ako. Bahagyang sumasakit at nangangalay din ang braso ko kaya minabuti ko na lang na magpahinga habang nasa byahe kami. Nakatulog nga rin ako ng ilang minuto. Tinapik-tapik niya lang ako nang makarating na kami sa harap ng bahay. I wiped my face using my hand, baka kasi may laway pa ako.

"Salamat sa paghatid. Salamat din sa pagbabantay sa 'kin." I said when we already out of the car. Nasa harap na kami ng gate, nakasakbit sa akin likuran ang bag ko. "Ayaw mo bang pumasok muna? Kahit hindi ko naman kinkausap ang mga tao sa loob ay pwede kitang ipaghanda ng miryenda." Kinindatan ko siya matapos kong ibulong 'yon.

"No need to do that. I have something to do. Hindi rin ako magtatagal, mabuti ng at naihatid pa kita." Pagtanggi niya. Tumango ako ng isang beses sa kaniya. "Uhm, sige na. Pumasok ka na ng bahay ninyo, magpagaling ka. Dapat, kapag nagkita ulit tayo wala na 'yang nasa braso mo." Nginuso niya pa ng benda ko sa aking kamay. "Ako na mismo ang titibag niyan kapag nakita ko ulit 'yan." He said jokingly.

"Baliw. Sige na, baka malate ka pa sa date mo." Pang-aasar ko sa kaniya. Kumururot ang kaniyang mga kilay, I bit my inside cheeks to stop myself from busting a laugh. "Joke lang. Salamat ulit." Huling sabi ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran. Mukhang wala namang din kasi siyang balak umalis nang hindi pa ako nakakapasok sa bahay. Huminga ako ng malalim, I need to face every problem I have.

Pinagbuksan ako ni Aling Soling ng gate, masaya pa nga siya dahil nakabalik na raw ako sa wakas. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kaniya o mananatiling seryoso ang mukha ko. Sa huli ay hindi na lang ako sumagot sa kaniya. I opened the door using my other hand. I am not shocked when I saw my family in the living room, they're looks like problematic people... of course, it's because of me. Hindi ko agad nakuha ang atensyon nila, kundi lang ako humakbang uli ay hindi nila ako mahahalata.

"Heira!" Sinunggaban ako ng yakap ni Mommy at agad na umiyak sa aking balikat. Ayaw ko siyang saktan ng ganito, pinaiyak ko na naman ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako ng buo at totoo. "You're back! My baby is back... Heira... totoo ka." She cried. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya pabalik kahit na seryoso pa rin ang aking mukha. Ilang saglit lang ay lumapit na rin ang iba sa amin.

My father hugged me. Si Daddy ang yumakap sa akin at hindi ang totoo kong tatay, kahit siya ay naiilang pa rin sa sitwasyon naming dalawa. Hanggang tingin na lang siya sa akin at parang masaya na mayroong halong sakit ang dumantay sa kaniyang mga mata. I looked away, I don't want to be emotional again. I want to be brave in front of them. May kirot pero wala ng mga luha. Parang namanhid na lang ang mga mata ko sa araw-araw na pagtulo ng mga luha ko.

"Saan ka ba nanggaling, ha? Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag-alala." Daddy asked me. Umiling na lang ako bilang sagot sa kaniya. Kapag sinabi ko ba ay may magbabago ba? Hindi naman nila ipapasara ang lawa kapag sinabi kong tinangka kong kitilin ang buhay ko roon.

"Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo. Binigyan ko lang ng oras ang sarili kong makapag-isip." Simpleng sabi ko sa kaniya. Nang humiwalay ako sa yakap ay agad na bumagsak ang tingin nila sa aking braso. Mas lalong naiyak si Mommy, ganoon din si Tito Jackson. Hindi ako gumalaw, what is the use of hiding this arm if they already saw it? They have the idea of this... kung ano ito.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now