"Anak, ano ba ang pinagsasabi mo r'yan?" Bagamat nakangiti, mayroong diin ang mga salita ni Mama. Alam kong naiinis na siya. "Ayos lang siya pero kailangan niya tayo. Iuuwi na natin siya rito, atleast, she'll me safe here."
"Ma... sinasabi ko na sa inyo, ako na mismo ang magbabalik sa kaniya rito. For the mean time, let her heal, let her live her own life. Hindi niyo ba nakikita na parang nasasakal na siya dahil sa atin? She's still a kid... hindi niya kaya ang sakit na binigay natin sa kaniya." I answered, I saw how her tears fell down to her cheeks. I looked away. Masakit... masakit na makita ang pamilya kong nagkakaganito.
"Heira... I missed my baby... please, Jaxon. Give us her address. Give us her location. I badly want to see her face." Halos lumuhod na si Tita Helen sa harapan ko. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. I'm sorry... but I can't. Hindi pwede.
"Tita, hayaan niyo po muna siya. I promise, I will do everything to put her home. Maghintay lang tayo ng tamang oras para roon." Huling sinabi ko sa kanila bago ko sila tinalikuran at umakyat na sa kwarto na pinahiram nila sa akin. Natalie and Kuya Jace are not here. Binabantayan nila 'yong bahay, kasama nila si Papa, nandito lang siya ngayon dahil kinakamusta niya si Mama. I locked the door and rested my back on the bed.
I let out a deep breath. Hindi ko inaasahan na magkakagulo ng ganito ang pamilya namin. Masama bang hilingin na makasama namin ang kapatid namin? Masama ba ang sabihin sa kaniya ang totoo? Gusto lang naman naming mabuo ang pamilya namin pero pinagkaitan kami ng tadhana. Lumayo na ng tuluyan sa amin si Heira. Ayaw niya na kaming makita ulit. Sana... sana ay maayos na namin ito.
Our family will stay together... we will be a whole and happy family. Maybe not now... but definitely soon.
————————————————
HEIRA'S POV
"Heira... pansinin mo na kasi ako."
Ilang beses na akong kinakakalabit ng lalaking ito pero kahit isang beses ay hindi ko siya pinansin. Nakatalikod ako sa kaniya habang nasa mukha ko ang isang unan. Naiinis ako sa kaniya. Ni hindi niya sinabi sa akin na pupunta pala rito si Jaxon. Sana ay nakapagtago ako. At ang masaklap pa roon, hindi pa siya nagpapaliwanag sa tunay na nangyari... kung paano ako nahanap ng kapatid ko.
Ano pa ang silbi ng pagtatago ko ngayon? Sigurado akong sasabihin niya na sa pamilya ko kung nasaan ako. Sooner or later... they will be here and they will do everything just to put me in that fucking house again. Nakakasakal na roon. Kahit saglit lang ay gusto ko rin namang makahinga ng maayos. I want to make this pain gone. Gusto ko ng mawala ang sakit para kapag nakaharap ko na sila ay hindi ko na sila magagawang sumbatan pa.
"Heira... trust me, hindi ko sinabi sa kaniya na nandito ka. Humiling ka sa akin kaya naman ginawa ko 'yon. Nagulat na lang din ako na makitang nakasunod na pala siya sa akin." Paliwanag niya. Inis kong inalis ang unan sa mukha ko at hinagis sa kaniya. Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya.
"Tangina mo! Pinangako mo sa 'kin na hindi mo sasabihin kahit kanino pero sa kapatid ko naisiwalat mo! Sabi mo kaibigan kita?!" Sigaw ko sa kaniya. Wala rin siyang pinagkaiba sa... mga taong nanloko sa akin. Hindi rin niya kayang tuparin ang mga pangakong binitawan niya.
"Sinabi ko naman sa 'yong wala akong alam d'yan! Papasok ako sa hospital na 'to, kung hindi lang ako napalingon ay hindi ko malalaman na sinusundan niya pala ako." Huminga siya ng malalim at kinamot ang kaniyang kilay habang nakapamaywang sa harapan ko. "Nagtataka raw siya kung sino ang binibisita ko sa hospital, he thought that I am visiting my girlfriend kaya naman nagmadali siya, naunahan niya akong pumasok sa kwarto mo." He said and I tried to understand every words he's uttering.
"Paano niya nalaman na ito ang kwarto ko aber?!" Kung nauhan kasi siya ng kapatid ko, imposible namang nalaman niya agad na rito ang kwarto ko. Ano siya, manghuhula? Binalik niya sa akin ang unan ko at dahan-dahang umupo sa paanan ko habang nakatingin sa akin na tila ba tinatantya ang mood ko. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko ay aka nasipa ko na rin siya ngayon.
"Nakita niya si Mommy na pumasok dito. I tried my best to stop him pero hindi ko rin nagawa. Muntikan pa nga niya akong ihampas sa pader dahil sa kakapigil ko sa kaniya." Paliwanag pa niya. Mukhang seryoso at totoo naman ang sinasabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako. "Are we okay now? Hindi ka na galit sa akin? Hindi mo na ako hahampasin?" Nakangiting aso pa ang gago.
"Hindi!" Tinalikuran ko na naman siya, rinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Tumigil ka r'yan, kapag ako ang nainis, tatadyakan kita." Nanggigigil na sabi ko sa kaniya. Mas lalo siyang tumawa kaya naman parang mayroong sarili buhay ang mga paa ko kaya bigla ko siyang nasipa. Sa lakas noon ay nahulog siya sa kama. Noong una ay nagulat pa ako pero nang marinig ko ang paglagapak niya sa sahig ay saka ako tumawa ng malakas.
"Fuck..." He cursed. Umupo ako para tignan siya. Tuluyan ng lumabas sa bibig ko ang isang paghalakhak nang makita ko siyang nakangiwi at hawak ang balakang niya. "Heira, ang usapan ikaw lang ang mananatili sa hospital... 'wag ka namang mandamay."
أنت تقرأ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
أدب المراهقينPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 259
ابدأ من البداية
