I miss the times when Heira and I were having a good conversation. Aasarin ko siya ng aasarin hanggang sa mapikon siya at bigla na lang akong hahampasin. 'Yong tipong palagi niya akong sinasamaan ng tingin sa tuwing makikikain ako sa kanila. Bigla niya na lang akong papalayasin dahil sa naaasar na siya sa mga ginagawa ko. But then, those memories flew like a feather in the air. Ang isang papel na puno ng saya ay nasunog at naging abo na.

In just one week, she changed a lot. She changed herself. She became cold woman. Parang wala siyang pakialam sa ibang tao, wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa pagilid niya. Ang Heira na masayahin at magalang, mapagmahal at palatawa ay naglaho na. It's hurt whenever I see her eyes, para bang mga hindi niya kami kilala, para bang hindi niya kami nakasama... para bang hindi kami parte ng buhay niya. Pero anong magagawa ko? Kailangan niyang malaman ang totoo.

Siguro ay masakit pa rin sa kaniya na malaman ang totoo. Inaasahan ko na rin talaga na magagalit siya sa amin dahil ilang taong gulang na rin siya ngayon. We were too late to tell her everything. Sinabi nga ng iba na, kung kailan mo pinapatagal ang isang bagay na nakatago, mas masakit kapag na ang totoo. We got our karmas. Kung alam ko lang na magiging ganito siya, sana ay hindi ko na lang pinigilan ang sarili ko na sabihin sa kaniya ang totoo.

"Ma..." I called her. Dito na ako kina Tita Helen umuuwi, rito niya na lang kami pinapatuloy habang patuloy pa rin ang paghahanap namin kay Heira. Kaya pala hindi namin siya makita sa mga lugar na posible niyang puntahan, 'yon pala ay nasa hospital siya at hindi magand ang kalagayan niya.

"Nakita mo na ba ang kapatid mo, Anak?" Pumapag-asang tanong niya sa akin. Wala na siyang ginawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili niya sa pagkawala ng... babaeng pinakaimportante sa 'min. Minsan na lang siya kumain, kung hindi pa siya susubuan ay hindi magkakalaman ang tiyan niya.

"Yes, Ma... I know where she is now." I answered. Umupo ako pinatong ko ang aking mga siko sa aking tuhod. I face palmed. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati si Kuya ay nag-aalala na rin sa kaniya... isang bagay na minsan lang namin makita sa kapatid ko.

Her face immediately lighted up. "Saan? Saan mo siya nakita? Puntahan natin siya. Anak, baka kailangan niya na tayo." Aligagang sabi niya saka tumingin kay Tita Helen. "Ate, tara na. Alam na ni Jaxon kung nasaan na ang anak natin. Tara na, baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya." She almost screamed. Nasa kusina kasi sina Tita.

They immediately gave their attentions at me. My eyes are roaming around. They all have their hopes in their eyes. Mas lalo akong nahirapang magdesisyon kung sasabihin ko ba sa kanila kung nasaan ang kapatid ko. My sister needs more time for herself. She needs a lot of time by healing his heart. Ayaw kong may manggulo sa kaniya, hayaan muna namin siyang makapag-isip ng tama.

"Nakita mo na siya, hindi ba?" Tanong sa akin ni Tito. "Maaari mo bang sabihin sa amin para masundo na namin siya..." He added. They are standing in front of me so I looked up at them. Hinilot ko ang sentido ko, naguguluhan na ako.

"Anak, magsalita ka na. Saan mo nakita ang kapatid mo? Ayos lang ba siya? Nakakakain ba siya ng mabuti? Maayos ba ang kalagayan niya? 'Yong tinitirahan niya... malinis ba?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama pero hindi ako sumagot sa kaniya. I decided to make time for Heira. I wouldn't tell them where her place is. Sigurado akong pipilitin lang nila siyang umuwi, iiyak na naman siya.

"Hijo... magsalita ka naman. Gusto rin naming makita ang kapatid mo." My father said. I shooked my head. Magagalit sa akin si Heira kapag sinabi ko sa mga magulang namin kung nasaan siya. Sapat na sa akin na malaman kung ano ang kalagayan niya. Inaalagaan naman na siya ni Axl.

"Pa... hayaan niyo muna siya." Finally, I manage to spoke for myself. "Nagpapahinga lang siya saglit... maayos ang kalagayan niya ngayon. Mayroon siyang kasama na nag-aalala sa kaniya." I lied again. She's not okay. Sementado nga ang aking kamay, mayroon pa siyang mga gasgas at namumutla siya. She's not totally okay.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now