"'Wag na 'wag mo akong mumurahin, Heira. Mas matanda pa rin ako sa 'yo. Kuya mo pa rin ako." Mariing sambit niya. Kung hindi lang siguro ako nakahiga sa hospital bed na 'to ay nakatikim na ako ng sampal sa kaniya. Ganoon naman sila, hindi ba? Wala naman silang ibang ginawa kundi ang saktan ako... ng paulit-ulit.
"Umamin ka nga? Kaya ka lang mabait sa akin noon... kaya mo lang ako nililigtas... kaya ka lang naman nakipagkaibigan sa akin dahil alam mong kadugo mo ako, 'di ba?! Alam mong kapatid kita! Alam mong kayo ang tunay kong pamilya pero anong ginawa mo?! Hindi mo sinabi sa akin ang totoo!" I screamed on the top of my lungs. Dinuduro-duro ko pa siya, nanatiling walang emosyon ang kaniyang mga mata.
"Wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo ang lahat." He uttered coldly. Natawa naman ako sa kaniya. Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa pa. Wala sa posisyon. Putanginang posisyon 'yan. Ano ba dapat ang posisyon mo para sabihin sa akin ang totoo?! Dapat presidente ka ba? Mayor? Alkalde?! Tangina!
"Alam mo ang lahat... kinaibigan mo lang ako para mapalapit sa 'yo. You're such a heartless older brother! Mas masahol pa kayo sa mga kilala ko, pamilya ko kayo e... pero bakit niyo ako sinasaktan ng ganito?" Tuluyan na akong humagulgol. "Kayo dapat ang mga taong pinagkakatiwalaan ko pero kayo mismo ang nanloko sa 'kin..." I bowed my head as I wiped my tears.
Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatayo, mabilis ang kaniyang paghinga. Kita ko rin kung paano manggilid ang kaniyang mga luha. Lumambot ang mga seryoso niyang tingin sa akin kanina. I clenched my pist and put it on my chest. Para akong nawawalan ng hangin dahil sa pag-uusap namin ngayon. I situation is suffocating. Tumingin ulit ako sa kaniya at humugot ng hininga.
"Umalis ka na, Jaxon. Hindi kita kailangan dito... hinding-hindi ko kayo kakailanganin." Malamig na sabi ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako pero hindi siya gumalaw. "Umalis ka na!" Sigaw ko sa kaniya. Bumuga siya sa hangin at tinignan ang kabuuan ko. Naaawa ang kaniyang mga mata habang tinititigan ang braso kong nakabalot ng puting semento, kinuha ko ang unan at tinakpan iyon.
"Fine... if that's what you want. But I'll make sure that you will come home after your medications." Aniya saka lumabas ng aking kwarto. When I heard the click of the door knob... it's like a click of a gun that fired in my heart. Umupo ako at niyakap ang aking mga tuhod saka roon humagulgol.
Kailan ba matatapos ang paghihirap ko?
————————————————
JAXON'S POV
"Umalis ka na, Jaxon. Hindi kita kailangan dito... hinding-hindi ko kayo kakailanganin. Umalis ka na!"
Pigil na pigil ang emosyon ko habang pinapakinggan ang boses ng kapatid ko. Kung paano niya ako ipagtabuyan, kung paano niya ako sigawan. It's hurts whenever I see her like this. Para bang nawala na ng Heira na kilala namin. 'Yong masayahin at parang lalaki na Heira ay napalitan ng isang taong halos hindi na namin makilala pa dahil binabalot siya ng galit niya. I heaved a sigh to stop myself from tearing. I clenched my fist. I felt a pang on my chest when I saw her crying. I made my sister cry.
"Fine... if that's what you want. But I'll make sure that you will come home after your medications." I surrendered. We can't have a normal and calm conversation if we both angry to each other. Pagkalabas ko ng pinto ay saka ko narinig ang malakas niyang pag-iyak. Napasandal ako sa pinto ng kaniyang kwarto at tumingala, tuluyan na ring lumabas ang mga luha ko sa aking mga mata. I covered my mouth to stifle my sobs.
Heira... anong ginawa namin sa 'yo at bakit ka nagkakaganito?
"I'm sorry... I'm really sorry, Heira, if I did something to hurt you. I'm sorry if I am a useless brother... heartless jerk." I whispered to myself. Hinintay kong humina ang kaniyang mga hikbi, nang maramdaman kong kalmado na siya ay saka ako pumihit paalis sa lugar na 'yon. My sister doesn't want to see me anymore.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 259
Start from the beginning
