Walang nakasagot sa kaniyang mga tanong kahapon dahil natatakot kaming lahat na baka magalit siya sa amin. Na baka humiwalay siya sa amin, na baka hindi na niya ulit pa kami samahan at pagkatiwalaan. Lahat kami ay natatakot pero sa kabilang banda ay kami rin ang gumawa ng ikakasakit niya. Kung alam ko lang na mangyayari ang lahay ng ito, sana noong una pa lang ay sinabi ko na sa kaniya ang totoo. Sana ay nagpalipat na lang kami agad ng room para hindi na namin sila nakasama pa.

Kung ibang tao lang ang sisira sa relasyon namin bilang magkaibigan, mas gugustuhin ko pa ang manahimik na lang kaysa sa saktan ko siya. Pero dahil doon... mas lalo ko lang pinalaki ang sugat na binigay namin sa puso niya. Para kaming mga kutsilyo na ilang beses siyang sinaktan, ilang beses naming binuksan ang mga sugat na pilit niyang pinapagaling. Sinabi ko sa sarili ko na babawi ako sa kaniya kapag nagkita kami ulit pero ngayon ay hindi ko pa alam ang gagawin ko dahil dalawang araw na siyang nawawala. Walang lead ang mga pulis sa kaniya.

Hindi ko masabi sa mga magulang niya na kami ang dahilan kung bakit siya ngayon nawawala. We gave her the pain she doesn't deserve. I know Isha very well. She maybe look strong in the outside but the truth is... she's a fragile and warm woman. Hindi ko siya kayang saktan dahil alam kong sa tuwing nasasaktan siya nanarili siya, ayaw niyang inaabala ang ibang tao dahil lang sa nasasaktan siya. Tinatagi niya sa lahat kung ano nga ba talaga siya. Hindi niya gustong makita ng iba na mahina siya.

"Tita..." Nanginginig aking mga kamay habang nilalapitan ko siya. Narito ako ngayon sa bahay nila para makibalita ako. Kahit saan ko tignan ay wala akong makitang Heira sa bahay na ito. "Wala pa rin po ba siya?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya. Mayroon ng mga pulis na kausap sina Tito at 'yung isang lalaki na hindi ko alam kung sino ba iyon, hindi ko siya kilala.

Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Tita at humagulgol siya sa aking mga balikat. "Nasasaktan naman ang anak ko, Zychi. Nasaktan namin ang kaibigan mo, g-galit siya sa amin dahil... dahil ang laki ng kasalanan namin sa kaniya... u-umalis na naman siya, nawala na naman siya sa paningin namin... h-hindi ko na alam ang gagawin ko o k-kung saan ba namin siya hahanapin."

I caressed her back. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na umiyak. I missed my bestfriend... my sister... my enemy. I missed her badly. I know, Tita. She's broken right now. Kahit kami, malaki rin po ang kasalanan namin sa kaniya. I want to say sorry to her pero alam kong huli na ang lakas. The damage has been done. I broke her. We broke the woman who's always lonely... always messy... always selfless. We broke the woman who always here in our side.

"Makikita po natin siya, Tita. Makikita natin ang kaibigan ko, babalik siya sa atin." I tried to comfort her. At kapag bumalik siya... itatama na natin ang lahat ng mga maling nagawa natin sa kaniya. Hindi na natin siya hahayaang saktan pa ulit. Hindi na ako aalis sa tabi niya gaya ng ipinangako ko sa kaniya.

"She answered my phone call and she said... 'Wag na po kayong mag-alala sa 'kin. I am not okay. Babalik ako r'yan kapag ayos na ako...'" She said the exact words that came to Heira. Roon na ako naiyak lalo. Isha... I am so sorry for ruining you. "Zychi... what if s-she will not be okay, paano kung hindi na siya u-ulit magiging okay? Ang... ang ibig s-sabihin ba noon ay hindi na siya b-babalik sa akin? Sa atin?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakasagot sa kaniya agad dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi pwedeng lumayo na lang si Isha sa amin. Hindi pwedeng mawala siya sa amin dahil baka hindi ko kayanin. Buong buhay ko... mula pagkabata ay kasama ko na siya... I treated her as my own sister, I can't afford to lose her.

"Magiging ayos si Isha, Tita. Babalik siya..." Magiging ayos siya... alam kong nasasaktan siya ngayon, let's say I'm selfish but I want her to come back to us now. Mas gusto ko pa na galit siya sa amin at huwag niya kaming pansinin kaysa sa malayo siya sa amin at hindi namin siya makakasama.

Heira... I know we have made you miserable and we all regret that... you're our strength... please, let your heart to be healed and come back again.

   ————————————————

HEIRA'S POV

"Hello, Little woman."

Napabalikwas ako ng higa nang bukas ang pinto ng aking kwarto at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang isang ginang kasama ang isang batang babae. Sa tingin ko ay kasing edad niya si Mommy, ang bata naman ay mga nasa pitong taong gulang pa lang. Matamis na ngiti ang ginawad sa akin nung babae, hindi ko tuloy alam kung ano ang irereact ko sa kaniya dahil sa gulat ko sa kaniyang biglaang pagdating.

Sa mga mata pa lang niya ay alam kong siya na ang Mommy ni Axl. Parang gusto ko nang sakalin ngayon ang lalaking iyon dahil sabi niya ay sasamahan niya ako ngayon dahil pupuntahan nga ako ng Mommy niya. Alas otso pa lang ng umaga at umalis siya kaninang alas syete dahil sinabi niya sa akin na susunduin niya ang Mommy niya, ngayon naman ay wala siya! Masasapak ko talaga 'yang pagmumukha mo, Axl.

Alanganin akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang itsura ko ngayon, presentable ba ako? O baka mukha akong basang sisiw ngayon. Naghilamos lang naman ako at nagsepilyo at hindi ko na nagawa pang magsuklay ng buhok. Sigurado akong muha akong aswang ngayon. Inilapag niya ang dala niyang prutas sa lamesa at umupo sa akin, nasa kaniyang mga binti ang bag niya. Ang batang babae naman ay umupo sa paanan ko.

She's so adorable and cute. She's looking at me weirdly. Nakatabingi ang kaniyang ulo habang nakangiwi. She's looking at my hand. Siguro ay hindi siya sanay makakita ng kamay na mataba dahil sa semento. I smiled at her. Dahil doon ay natigilan siya sa pagmamasid sa akin at tinutok ang paningin niya sa mukha ko. Kumunot ang kaniyang noo na para bang nakita niya na ako. I swallowed hard. This kid gives me chills.

"Nickey Axelachia, stop it. You're scaring her." Saway ng babae sa kaniyang anak. Napanguso na lang ang tinawag niyang Nickey. "How's your health, Lady? Are you okay? Are your vitals are stable now?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. I can see that she sincere to her care for me.

"O-opo... sabi po ng doctor ay ayos na po ako... kailangan ko lang pong magpalakas pa ng bahagya." Sagot ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya. I looked away, pakiramdam ko ay sobra na ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan ko. Ganito pala kaganda ang nanay ni Axl, nakakastar-struck.

"Glad to hear that... anyways, what's your name, hija? My son didn't able to  tell me who you are but I bet... you're very special to him." Napakatamis ng mga ngiti niya sa akin. I smiled back. "Madalang lang siyang mag-alala sa ibang tao... he took care of you so... you're very special woman." Mayroon halong pang-aasar ang kaniyang tinig.

"Ako po si Heira. Kaibigan niya po ako..." Sagot ko sa kaniya bago ko kinagat ang ibabang labi ko nang mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Uh... his friend, Jaxon is one of our family member... kaya ko siya nakilala dahil doon." That was not the exact event but it was totally near to the story.

"Yeah, I know, Jaxon, ang tagal na rin nilang magkaibigan ni Nicholai. Buti na lang pala at nakilala ka niya." Nakangiting sabi niya sa akin kaya naman tumango ako sa kaniya. "Well... siguro, hindi ka lang niya basta 'friend' lang dahil ito ang unang beses niyang magbantay ng ibang tao sa hospital." Napaiwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay kinuha ko na ang oras ni Axl na dapat ay sa kanila. "Hey... don't think to much. Huwag mong iisipin na galit kami sa 'yo, natutuwa nga ako dahil nagmature na ang isip ng anak ko."

"Uh..." Stupid, Heira. Bakit 'yon lang ang sinabi mo? Sa hinaba-haba ng kaniyang litanya, isang salita lang ang isinagot mo. Napakatanga mo. "Salamat po pala roon sa niluto niyo... masarap po." Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon, basta ko na lang nasabi. Sasagot na sana siya nang magsalita ang niya.

"OMG, Mommy! She's that girl! She's her!" Turo pa niya sa akin. Taka namin siyang tinignan. "She's the girl... siya po ang nakalagay sa wallpaper ni Kuya Axl! I saw it! I saw her face there." Magalak na sabi niya sa akin. My cheeks flushed. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa sinabi niya. Kaya pala ayaw akong pahiramin ni Axl ng cellphone niya kagabi dahil may tinatago siya.

Bago pa magtitili ang kaniyang Mommy ay muling bumukas ang pinto. Inaasahan ko na si Axl ang papasok ngunit ganoon na lang ang pagkawala ng mga ngiti ko nang makita ko siya ngayon dito. He's looking at me seriously and dangerously. Mabilis niyang naokopa ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"We've been looking for you for a few days, and you're just fucking here..."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now