Masasabi kong mas maganda pa ring panoorin ang lalaking seryoso sa pag-aaral niya kaysa naman sa mga lalaking puro porma lang pero walang alam sa kinabukasan niya. Naririnig pa ang mga pagbuntong hininga niya. Thank God that I am still in senior high school, hindi pa ganoon kahirap ang mga topics na pinag-aaralan namin. Mayroon pa akong mahigit isang taon.

"Buti na lang at hindi ka na lang umuwi at doon nagreview? Maaalibadbaran ka lang naman sa akin dito." Sabi ko sa kani habang tutok ako sa panonood sa cellphone ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-angat ng kaniyang tingin sa akin.

"Sinong magbabantay sa 'yo rito kung umuwi ako?" Seryosong tanong niya sa akin. Umiling ako, malamang wala naman. Kaming dalawa lang naman ang may alam na narito ako e, bukod sa mga doctor at nurses na nagchecheck sa akin sa bawat oras. "See? It's a dark part of the day. Buong araw na akong wala sa tabi mo, kahit ngayong gabi lang ay hayaan mo akong bantayan ka. Baka hindi rin naman ako makapag-aral ng maayos dahil hindi ako sigurado kung ayos lang ba ang lagay mo."

"Hindi mo naman kailangang mag-alala sa akin dahil gaya ng palagi kong sinasabi sa 'yo, ayos lang ako... magiging ayos lang ako, hindi mo naman ako kargo, hindi mo naman din ako kapamilya kaya naman maiintindihan ko naman na mayroon kang mga personal na gagawin. I respect your time, Axl." Ngumiti ako sa kaniya para bawasan ang bigat ng atmospera sa paligid.

"You're still my friend, Heira. I am the only one who knows about this. Sinunod ko ang hiling mo sa akin, I know that you have your own reasons why you kept this as a secret." He said seriously. I just nodded slightly. Friend... kaibigan, dapat ba akong magtiwala at umasa ulit? Nakakatakot na.

  ————————————————

ZYCHEIA'S POV

"Anak, hindi mo ba talaga alam kung nasaan ang kaibigan mo? Your Tita Helen is worrying about her daughter." Mommy asked me. I shooked my head as I wiped my tears.

Ilang beses na niya akong tinatanong ng ganoon ngayong araw at wala akong ibang naging sagot sa kaniya kundi ang pag-iling na lang dahil wala akong alam kung nasaan na ngayon ang kaibigan ko. Magmula kahapon ay nawawala na siya, hindi na siya bumalik sa room matapos niyang marinig ang lahat ng mga sinabi sa kaniya ni Trina. I am fucking blaming myself for this. Ako ang kaibigan niya buong buhay niya but I did that to her. Anong klase akong kaibigan?

Una pa lang ay alam ko na ang lahat ng iyon. Hindi ko na nagawang sabihin kay Isha dahil naniwala akong hindi naman ganoon ang plano ng mga kaklase namin. I thought they changed. Hindi pa pala. Lahat ngayon ay galit kay Heira dahil sa nakita nila, I got mad at her too without even hearing her side. Dapat ay pinakinggan ko siya bago ko siya hinusgahan. No one knows where she is now. No one knows what's happening to her. Walang may alam kung ano nga ba ang pinagdaranan niya ngayon.

Kahapon ay mayroon siyang suot na shades, nang alisin niya 'yon ay napansin ko ang pamamaga ng kaniyang mga mata ba para bang buong gabing umiyak, I saw the pain and the sadness in her eyes. Gusto ko siyang lapitan at aluin kahapon ngunit pinangunahan ako ng takot na baka pati sa akin ay magalit sa akin. And that was my wrong decision I've ever did. Sana ay hindi ko na lang inisip ang sarili ko at dinaluhan ko siya.

We promised to each other that we will not leave the side of one another no matter what happens. Heira did it, and I didn't. Hindi niya ako iniwan mula noon hanggang ngayon, she never leave me. Mas kilala pa nga niya ako kaysa sa mga magulang ko. I regret the things I did yesterday, ngayon sinasampal na ako ng katotohanan na hindi na ako kayang pagkatiwalaan ng kaibigan ko ngayon. I chose to stay to my other friends and I let her suffered to get words she got from Trina. I am a totally heartless woman.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now