"Winning doesn't depend on the strength of the heroes, it depends on the players." He said logically. Tumango-tango na lang ako, aba malay ko ba, isa lang naman ang alam kong gamitin hero. Layla, bang bang. "Anong ginawa mo buong hapon?" Tanong niya sa akin. "Wala ako sa sarili kanina sa klase dahil inaalala ko ang kalagayan mo, baka tumakas ka sa hospital na 'to." Sabi pa niya. Malakas akong tumawa. This time, my laughs are pure and natural. Hindi na ako nagpapanggap pa.

"Kung tatakasan ko ang hospital na 'to, hindi niya naman ako mahahabol, wala naman siyang mga paa, poste pwede pa." Pilosopong sagot ko sa kaniya. He only answered 'k' to me. Mas lalo tuloy akong natawa pa. Para siyang batang inagawan ng candy. "Gabi na... hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya, nakita ko kasi na nasa kalaliman na kami ng gabi. Agad naman siyang umiling.

"Nagpaalam na ako kina Mommy na rito ako matutulog, dala ko ang damit ko, mayroon din akong dinalang damit para sa 'yo, galing sa kapatid ko, don't worry... hindi niya pa raw nasusuot ang mga 'yon." He muttered, my jaw dropped. Ibig sabihin ay sasamahan niya ako rito magdamag?

"Hindi pwede! May pasok ka bukas! Baka bumagsak ka na dahil sa pagkacut mo ng klase!" Angal ko sa kaniyang desisyon. He shrugged. Kaya pala may dala siyang paper bag dahil naroon ang damit niya.

"Papasok ako bukas, dito na lang ako maliligo, dala ko rin naman ang uniform ko." Sabi niya sa akin. Hindi na ako umangal, may magagawa pa ba ako? Hindi naman papatalo ang lalaking ito. Iniwan niya ako saglit dahil maliligo raw siya. Pagkalabas niya ng banyo ay nakita kong suot niya na ang pantulog niya.

"Ikaw? You don't want to take a bath?" Nag-aalangang tanong niya sa akin. Pwede naman akong maligo ngayon dahil mayroon nga akong damit, dala niya 'yon. Basa pa ang aking buhok, mayroong tumutulong mga tubig sa kaniyang mukha. Nasa leeg niya ang twalya. "Alam ko namang gwapo ako. Huwag mo naman akong pagnasahan ng ganiyan." Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniyang sinabi.

"A-ang kapal naman ng pagmumukha mo, Nicholai Axl Suares." Mariing sabi ko sa kaniya. Pero ang totoo... manghang-mangha pa rin ako sa kaniyang pisikal na anyo, well... he's handsome but definitely not my type. Gwapo pa rin 'yung nasa malayo. "Paano ako makakaligo nito?" Tinaas ko ang swero ko.

"Aba, anong gusto mo? Paliguan kita? Samahan kita sa pagligo?" Nagpamaywang siya sa harapan. Napamura ako ng ilang beses sa sinabi niya. Naibato ko na lang sa kaniya ang isang unan na niyayakap ko. "I was just kidding! Pero kung gusto mo naman... pwede rin." Bawi niya.

"Gago! Manyakis! Pervert! Ang pangit ng ugali mo!" Sigaw ko sa kaniya. Tumawa lang siya ng malakas habang lumalayo sa akin. Inis na inis ako sa kaniya ngayon. Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon. Sa huli ay naghilamos na lang ako, baka bukas ay magagawa ko ng maligo, kapag wala na isang 'to.

Natulog siya sa sofa, hindi nga siya kasya roon dahil napakahaba ng kaniyang... mga paa. Pilit niyang sinisiksik ang katawan niya roon. Bahala siya, pinapauwi ko na nga siya kanina, ayaw pa niya. Ngayon, magtiis ka r'yan, Axl. Ne had no choice because I was the one sleeping in the hospital bed. Hindi naman siya ang pasyente rito. Mahimbing ang mga pagtulog ko, hindi naman kasi siya humihilik gaya ng iba. Well... I am thankful that he remained in this room just to take care of me.

Kinaumagahan ay hindi ko na siya nakita. Tanging nagisingan ko na lang ay ang isang paper bag na mayroong lamang pagkain at sticky note. Sinabi niya sa akin na maaga ang klase niya at ayaw niya na akong istorbohin kaya hindi niya na ako ginising. Tumayo ako at naghilamos ng mukha. Nahihirapan pa ako dahil sa nakasemento ang isa kong kamay ngayon. Pinakakainisan ko na ata ngayon ay ang swero na dapat kong dalhin sa kahit na anong gawin ko sa hospital na 'to.

Binuksan ko ang t.v at nag-umpisang kumain na. Sinaksakanan ako ng gamot ng isang nurse sa akin. Pinagkamalan niya pa akong girlfriend ni Axl, of course I denied it. Magkaibigan lang kami ng lalaking 'yon... hindi ko nga alam kung kaibigan ko ba talaga siya o sadyang magkakilala lang kaming dalawa. I am busy reading the book I borrowed from the nurse when my phone rang. Si Mommy... tumatawag na sa akin, sigurado akong nag-aalala na siya.

"Anak..." Bungad niya sa akin, hindi gaya ng mga nakaraang araw... hindi na ganoon kasakit sa akin pero mabigat pa rin ang loob ko sa kanila. "Nasaan ka na, Heira? Hindi ka umuwi kagabi... ang sabi ng mga kaibigan mo pa ay hindi ka rin daw pumasok ng klase mo." She cried. Narinig ko rin ang tinig ni Daddy at ni Kio, mukhang gulat sila dahil sinagot ko ang tawag nila. "We are all worrying about you... about your mental health... about yourself. Heira... come home na, Baby. Mommy is missing you." Naiiyak na ako dahil sa kaniyang mga sinabi.

Tumingala ako upang pigilan ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim bago ako sumagot sa kaniya. "'Wag na po kayong mag-alala sa 'kin. I am not okay. Babalik ako r'yan kapag ayos na ako..."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now