"But..."

"Axl, please... 'wag muna. Kung... iniisip mo na wala akong bantay ngayon, ayos lang sa akin. Sanay naman akong mag-isa. Pwede mo na lang akong bisitahin kapag may oras ka. Sa pambayad, ako na rin ang bahala sa mga hospital bills ko." Tuloy-tuloy na saad ko sa kaniya. Kita ang pagdadalawang isip niya sa sinabi ko pero sa huli ay pumayag din siya.

"Ako ang bahala sa mga gastusin... All you need to do is to gain strength. Magpagaling ka, huwag mong hahayaang manghina ang katawan mo." Paalala niya sa akin kaya naman tumango na lang ako, 'yon lang naman ang hinihiling niya.

Matapos akong kausapin ng doctor ay umalis na rin si Nicholai, susubukan niya raw humabol sa klase niya. Umagang-umaga ay nakakulong ako sa apat na puting sulok ng kwartong ito. Palagi na lang akong bumabalik sa lugar na 'to. Hinanap ko ay 'yung lugar na puti ngunit mahahanap ko ang saya hindi itong lugar na puti nga pero nakakaramdam naman ako ng pag-iisa. Napalingon ako sa mini table sa gilid ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Naroon pala lahat ng gamit ko.

Malapit lang naman sa akin kaya nagawa kong abutin. Hindi na ako nagtaka sa mga nakita ko. Sandamakmak na missed calls and texts na mula sa iba't ibang mga tao. Mula Kina Mommy, kay Kio, kay Jaxon, kay Kenji pati na rin sa iba ko pang mga kaklase. Wala akong sinagot  sa kanilang lahat. Ngunit mayroon isang text ang pumukaw sa atensiyon ko. Pangalan pa lang niya ay nagsitaasan na ang mga balahibo ko. Isang buwan na rin siyang hindi nagpapakita sa amin.

From: Gagong hudlong na Kulapo

'I can't go home right away, it will be a long time before we meet again. I have a lot to take care of but I will only ask you one thing. I hope you wait for me to get back into your life. Heira Yakiesha Sylvia, please, just let me stay in your heart.'

Iyon ang nabasa kong mensahe mula kay Kayden. Umalis na siya... umalis siya at hindi ko alam kung kailan siya babalik. Hindi niy sinabi sa akin kung saan siya pupunta, umalis siya ng walang paalam. Matapos ang isang buwan ay muli siyang nagparamdam. Ang bigat sa pakiramdam na mabasa ang message niyang ito. Nagbagsakan ang mga luha ko. Kung sino pa ang taong kailangan ko ngayon ay siya pang umalis sa tabi ko. Ang gago niya dahil umalis siya sa mga panahon na nalaman ko na ang lahat ng mga ginawa niya. Ngayon ay hindi ko na alam kung papaniwalaan ko pa ba siya.

Tinakpan ko ang aking bibig para hindi marinig ng iba ang mga hikbi ko. Umiiyak na naman ako, hindi ba napapagod ang mga mata kong maglabas ng luha ko? Ako kasi... pagod na ako. Ang nagawa ko na lang ay umiyak ng umiyak... hanggang sa maging manhid na lang ako mula sa sakit. Buong oras ay nakatulala lang ako sa kisame. Bakit ba kasi... iniligtas niya pa ako. Sana ay hinayaan niya na lang akong malunod sa lawa na iyon. Ngayon, nasasaktan na naman ako.

Pagkagabi ay bumalik na rin si Axl dito dala ang hapunan naming dalawa. Hindi pa raw siya kumakain dahil gusto niyang makasabay ako. Aangal pa ba ako? Hindi niya nga ako iniwanan ng pagkain kaninang tanghali, buti na lang at naalala kong mayroon pala akong mga snacks sa bag ko. Gaya ng ipinangako niya, hindi niya sinabi ang kalagayan ko sa iba. I trust him... siguro naman, kahit na mayroon akong trust issues ay hindi niya sisirain ang tiwala ko sa kaniya. Siya na lang ang taong pinagkakatiwalaan ko ngayon.

"Oh, pa'no ba 'yan? Talo ka na." Sabi niya sa akin. Napasimangot na lang ako. Paanong hindi ako matatalo, ang lakas kaya ng hero na gamit niya, samantalang ako, hindi ko nga alam gamitin, hindi ko pa alam ang mga builds kaya ang hina ng hero ko. We played mobile legends, one versus one. Barag ako sa kaniya.

"Ang daya mo e! Dapat sa akin 'yong hero mo! Ang lambot lang ng ginamit ko tapos ikaw, bumabalik ang life!" Pagmamaktol ko kaya naman tumawa siya at ginulo ang buhok ko bago niya tinago ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now