"Axl... umalis ka na, pumasok ka na sa klase mo." I said coldly and I averted my gaze to the television. Nasa isang private room na naman ako kung saan kaming dalawa lang ang umookopa ngayon. I saw him shooked his head slowly and heaved a sigh.

"No, I will not leave you. Wala kang kasama ngayon dito sa hospital." Sabi niya sa akin. I bet... he's the one who saved me from drowning earlier. Kailangan ko ba siyang pasalamatan dahil iniligtas niya ako o magagalit ako sa kaniya dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niya?

"Mayroon ka pang klase. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa 'kin. Kaya ko ang sarili ko." I uttered. I clenched my fist. He crossed his arms below his chest and glared at me sharply. Hindi naman ako natatakot sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin, kaya kong labanan ang kaniyang mga tingin. Sa tingin niya ba susuko ako dahil masama ang tingin niya sa akin? Kahit buong araw pa niya akong gilitan sa mga tingin niya... wala akong pakialam.

"Hindi nasasayang ang oras ko, Heira. My time for everything is always worth it. Kung ang lesson namin ang iniintindi mo... I don't care about it. Kaya ko namang pag-aralan 'yon." Sabi niya sa akin, ayaw talaga niyang magpatalo sa mga sinasabi ko. Bumuntong hininga ako. I smiled sarcastically.

"Kung gano'n. Umalis ka na lang, 'wag ka na lang pumasok, umuwi ka na lang sa bahay ninyo at hayaan mo na lang ako rito." Gusto kong mapag-isa... gusto kong makapag-isip ng tama, ayaw kong gumawa ng mga desisyon na gaya ng ginawa ko kanina.

"Bakit ba ang kulit mo?" Inis na sabi niya sa akin.

"Ikaw? Bakit ba ayaw mo akong pakinggan? Bingi ka ba?" I fired back. Nagkakainisan na kaming dalawa ngayon. Nang hindi siya sumagot ay saka ako bumuga sa hangin. I am so rude right now. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero kinagagalitan ko siya. "Pasensya na... ayaw ko lang talagang magkaroon ng utang na loob sa ibang tao." Pagpapaumanhin ko sa kaniya.

"Well... I helped you because I don't want to be bother by my conscience. Kung hindi kita iniligtas kanina ay baka pati ako nagpapakalunod na lang din." Sabi niya kaya naman bahagya akong natawa. Sabagay, naka nga hindi siya patahimikin ang konsensya niya kapag nakita niya na akong patay.

"Napakaseryoso mo naman, Mr. Nicholai Axl Suares." Natatawang pagbibiro ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bigla niyang pagngiwi sa sinabi ko. Tumikhim ako. "S-sinabi mo na ba 'to kay Mommy? Kay Tita Hazel? O kahit na sino sa pamilya ko?" Tanong ko sa kaniya, baka kasi mayroon siyang kakilala sa mga kasama ko sa bahay, mahirap na.

He shooked his head. "No. Hindi ko pa sinasabi sa kanila. I am about to ask you about that, nawala lang sa isip ko dahil sa pagmamasungit mo sa 'kin." Sabi niya. Napanguso na lang ako. Wala ako sa mood, ayaw ko lang talagang alalahanin pa ang mga nangyari kanina, ayaw ko munang umiyak, ayaw ko munang saktan ang sarili ko.

"'Wag na 'wag mo silang tatawagan... pati ang mga kaklase ko... 'wag mo rin silang sasabihan sa mga nangyari sa akin." Pakiusap ko sa kaniya. Hanggang kaklase na lang ang masasabi ko dahil hindi ko naman alam kung kaibigan ko ba sila matapos nang mga nalaman ko. Just like what Trina said... they treated me as their friend because they needed me... they used me. Ganoon ba ang salitang 'kaibigan' para sa kanila?

"What do you mean? Hindi naman kita mababantayan sa buong oras... uh, I mean, your family have a right to know about this. Baka hinahanap ka na rin nila." Sagot niya sa akin. Pagak akong natawa. Ako? Hahanapin nila? Mag-aalala sila sa akin? Sila pa nga ang gumawa sa akin nito.

"I am begging you, Axl. Kahit ngayon lang ay pakinggan mo ako... hindi pwedeng malaman ng pamilya ko ang mga nangyari sa akin... kung pwede lang ay tayong dalawa lang sana ang makakaalam ng sitwasyon ko." Hindi ko siya matignan sa mata niya dahil alam kong naiinis siya sa pakiusap ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now