I locked the door and I let my heart to shed tears. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sumiksik sa gilid ng aking kama. Ano ba ang ginawa ko sa kanila? Ang pagsampal nila... pati ang pagpilit nila sa akin, akala ba nila hindi ako nasasaktan? I fell asleep in the middle of my break down. Nakatulog na lang ako sa gilid ng kama ko. Nakasandal ako sa pader at nakapatong ang ulo ko sa foam. Nagising ako na masakit ang mga mata... I don't feel anything else but pain.
Mayroon pa kaming klase, hindi ko naman pwedeng ilagay sa alanganin ang mga grades ko dahil sa mga personal na problema ko. Ilab linggo rin akong hindi nakapasok at kailangan ko pang maghabol ng lessons. Nag-ayos ako ng masusuot at ng mga gamit ko bago ako naligo. I combed my hair and wore a big black sunglasses. Namumugto ang aking mga mata kaya naman alam kong pagchichismisan na naman nila ako. Mas maganda na ang akalain nilang nahihibang ako.
Bumaba ako, pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng pagkain ko ngunit nakita kong naroon silang lahat sa dinning room. Nakaupo pa si Natalie sa mismong upuan ko. Bago pa nila ako kausapin ay nilampasan ko na sila. I put chips, biscuits, chocolate and Chuckie in my bag. Pagkatapos noon ay uminom na lang ako ng tubig. Lalagpasan ko na naman sana sila nang hawakan ni Mommy ang kamay ko, pinipigilan ako sa pag-alis.
"Kumain ka na muna, Anak. Hindi ka pa nag-aalmusal, hindi maganda ang inuumpisahan mo ang araw mo nang walang laman ang tiyan." Sabi niya saka ngumiti. Tumayo siya at sinubukang haplusin ang pisngi ko pero umiwas ako. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy.
"Hindi na... po, malelate na 'ko." I said coldly. Binitawan niya ako at tumango-tango siya. Alam kong matigas na ako ngayon pero anong magagawa ko? Nasaktan ako. I rode my bike, para akong nakalutang habang nasa daan ako. Huminga ako ng malalim bago ko ipinarada ang aking bike sa parking lot.
Maraming tumitingin sa akin habang naglalakad ako patungo sa room ko. Alam ko naman ang dahilan. Mabagal ang mga paghakbang ko dahil nasa baba ang tingin ko. Saka lang ako taas noong naglakad nang makapunta na ako sa building namin. Nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko ang kaguluhan sa loob. Hindi 'yong normal na kaguluhan na araw-araw kong nakikita sa kanila. Ito... parang mayroong away, nangunguna na ang sigaw ni Trina, hindi lang malinaw sa akin dahil kalampag ng mga upuan ang naririnig ko.
Pumihit ako patungo roon, nasa pinto pa lang ako ay sinalubong na ako ng dalawang malalakas na sampal kay Trina. Dahil sa gulat ko ay agad akong napatitig sa kaniyang mukha. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin 'yon sa akin. Namumula ang kaniyang mukha patungo sa kaniyang leeg, puno rin ng luha ang kaniyang mga mata at bakas sa kaniya ang pangigigil. Hindi ko na alintana ang hapdi ng kaniyang mga sampal. Mas iniintindi ko ngayon ang galit niya sa akin.
"Malandi ka! Haliparot kang babae! Walang hiya ka! Kaibigan pa naman ka! You're a fucking whore, slut, bitch!" Sunod-sunod na sabi niya sa akin, naging sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko dahil sa mga sinabi niya sa akin. Ano na naman ang ginawa ko.
Pinagsusugod niya ako, sinabunutan, sinampal at ilang beses na kinalmot, sinalo ko lahat ng iyon at hindi ako lumaban sa kaniya. Kahit hindi ko siya maintindihan ay hindi ko pa rin pinagtanggol ang sarili ko. Natigil lang siya sa pananakit sa akin noong pigilan na siya ng mga hudlong. Lahat sila ay nasa tabi niya... si Kenji lang ang nanatili sa akin. Taka ko silang tinignan habang tumutulo ang mga luha ko. Mayroon na naman ba akong nagawa na hindi ko alam?
Masakit sa akin na nakikita ko si Trina na ngayon ay humahagulgol, nakatakip ang kaniyang mukha ng kaniyang mga palad. Gusto ko siyang aluin gaya ng pang-aalo niya sa akin sa tuwing umiiyak ako. She's one of my greatest friend. Si Alzhane ay nakaupo lang sa tapat ng bintana, umiiyak din at hindi na sumasali pa sa gulo. Kita ko ang unti-unti nilang pag-iling.
"Anong mayroon? Anong... ginawa ko?" Tanong ko sa kanila. Vance tried hold Trina's arm but she shove it away. Nagtago si Kenji sa likod ko, mukhang natatakot din sila sa galit ng iba. Ni si Zycheia nga ay hindi ako magawang tignan at lapitan.
"Huwag mo akong hahawakan!" Sigaw niya rito bago niya ako binalingan. Mayroon siyang kinuha sa isang upuan, mga pictures ata iyon, walang pasabing sinabog niya iyon sa aking mukha. "Ayan! Tignan mo ang sarili mo r'yan kung paano mo landiin ang sarili kong boyfriend! Akala ko pa naman kaibigan kita pero ang totoo... target mo lang pala siya!"
"Anong..." Hindi ko talaga siya maintindihan kaya naman pinulot ko ang mga litratong nagkalat sa sahig. Nanginig ang aking mga kamay ko nang makita ang litrato ko kasama si Vance. It was taken last night. Limang litrato ang hawak ko ngayon. Ito ang mga oras na inaalo niya ako.
Nakatagilid kami ni Vance. We were facing each other. Sa tingin ko ay nasa malayong likod lang namin ang kumuha ng mga litratong ito. Ang una ay 'yong pagbibigay niya sa akin ng milktea, ang pangalawa naman ay 'yung umiinom na ako. Sa pangatlong picture ay 'yung niyayakap na ako ni Vance. Damn, it was the time I cried in his chest! The fourth picture taken, hawak niya ang dalawang pisngi ko qt dahil nakatagilid kami, sa mga black shadow ay mukhang kaming naghahalikan... ito na 'yon. She got the wrong idea. Last one was the time that Vance kissed my forehead when he dropped me in the house.
"Ayan ang patunay na nilalandi ang boyfriend! Kaya pala sobra ang dikit mo sa kaniya. All I thought, you're just close with him. Nasa loob pa rin pala ang kulo mo! Wala ka rin palang pinagkaiba sa mga kaibigan ko noon! Malandi ka!" Sigaw niya sa akin. Tuluyan na akong humagulgol. Wala ng mas sasakit pang salita na galing sa mga kaibigan kong nakasama ko na ng matagal na panahon. Umiling-iling ako.
"Mali ka ng iniisip, Trina. Hindi ko inagaw si Vance sa 'yo. It was a coincidence only." I tried to explain. Nanginginig ang aking mga kamay nang hawakan ko ang kaniyang mga balikat. Ganoon na lang ang gulat ko ng malakas niya akong itinulak.
Humampas ang aking mga binti sa isang upuan bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. Nanuot ang akit sa aking pang-upo at sa aking balakang. Napangiwi na lang ako. They looked worried about me but they refused to help me. What the happened suddenly? Mas lumakas ang pag-iyak ko, kinagat ko ang ibabang labi ko upang hindi magpakawala ng mga hikbi. Tutulungan na sana ako ni Kenji na tumayo pero tinaas ko ang palad ko para sabihing 'huwag na' dahil masakit pa rin ang pang-ibaba kong katawan.
"Trina, ano bang ginagawa mo ha?! Bakit pati siya dinadamay mo sa galit mo?" Saway sa kaniya ni Vance. Akmang lalapit na siya sa akin nang pigilan siya ni Maurence. "Ano?! Tutunganga na lang kayo r'yan? Siraulo ba kayo? Wala namang kaming ginagawang masama ni Heira—!"
"Pinagtatanggol mo pa ang babae mo! Mas pinatunayan mo lang sa akin... sa amin na you're cheating on me with that woman!" Dinuro-duro ako ni Trina. Parang wala na ang Trina na kilala ko, nababalot na siya ng galit at puot ngayon. "Vance! I am your girlfriend, you supposedly in my side! Huwag mong kakampihan ang babaeng 'yan!"
"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil wala naman kayong dapat pag-awayan! This is a fucking senseless conversation! Mali ang mga tumatakbo sa isipan mo ngayon! You know that I am in love with you! I can't cheat on you! Damn... paano mo ako nagawang pag-isipan ng ganiyan?!" Mariing sambit ni Vance, ngayon ay galit na rin siya.
"Bakit?!" She shouted back. "Akala mo ba ay hindi ko alam ang lahat?! You all treating her special dahil kailangan niyo siya." Sabi niya, parang bumukas bigla ng malaki ang aking tainga. Anong ibig sabihin niya? "Alam kong kinakaibigan niyo lang siya dahil ginagamit niyo siya! You need her. Kaya niyo lang naman siya tinanggap dito dahil gusto niyo ng isang taong gagawa ng mga requirements ninyo!"
"Trina, tama na. This is too much. Wala ka sa lugar para sabihin 'yan." Ani Mavi.
Kumalabog ng matindi ang puso ko dahil sa kaniyang sinabi. Lahat sila ay mukhang guilty ngayon. Maging si Zycheia. My bestfriend... my so called sister. Parang nawala ang sakit ng aking katawan sa sakit ng katototohanan. Para akong hinampas ng paulit-ulit hanggang sa magising.
"I know that... you used her. Si Kayden? Kaya lang naman hindi niya na pinaalis si Heira rito dahil gusto niya na mayroong gumawa ng mga projects and other shits, pinanatili niya rito dahil alam niyang kayang akuin ni Heira ang mga nagawa ninyo."
"Trina... please, stop, bago ka pa makapagsabi ng mga hindi mo dapat sabihin." Pagpipigil sa kaniya ni Xavier. Mas lalo lang nilang pinamukha sa akin na totoo ang sinabi niya. Dahan-dahang lumapit sa akin si Trina at muli akong sinampal. She pointed at me, hindi ko na mapigilan pa ang mga luha kong rumagasa pababa sa aking mga pisngi
"We were just kind to you because we needed you. You're nothing to us... you'll never be a part of this circle."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 255
Start from the beginning
