Pwede bang huwag ko munang isipin ang iba at unahin ko muna ang sarili ko ngayon? Kahit ngayon lang, piliin ko muna ang sarili ko bago ang kapakanan ng iba. Kakabigay ko kasi ng mga enerhiya ko sa iba, wala ng natitira sa akin. I gave everything for others until I became drained. Kahit na anong gawin ko. Hindi ko pa rin magawang hindi isipin ang iba, gusto kong maging masaya sila bago ko pasayahin ang sarili pero bakit ganito? Parang kahit ako ay napapagot na rin sa sarili ko.

Ganoon na ba ako kasama para hindi ko tanggapin ang pamilya ko ngayon? Masama na ba akong anak kung sasabihin kong sana ay hindi ko na lang nakilala ang totoo kong mga magulang? Masama na ba akong tao kung sasabihin kong... hindi ko kayang mahalin ang pamilyang bumabawi sa akin ngayon? I can't think of me... I can't decide because my heart's always says that I should give them another change but my mind kept on saying that I should not let them to be in my life again. Natatakot na akong masaktan.

Bumaba ako sa kotse ni Vance. Hinatid niya ako sa bahay namin dahil gabi na rin, ayaw niya akong hayaang maglakad ng ganitong oras. Bago pa ako pumasok ng bahay ay marahan niya akong hinapit at niyakap. He told me the things I should do right now... the things that can make my mind to calm... the things that gave me a positive thoughts. He tapped my shoulder and waved at me before jumping inside his car. Pinanood ko kung paano makalayo ang kaniyang sasakyan bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

Bukas ang pinto kaya agad na lumipad sa akin ang kanilang mga atensyon. My stomach became shallow. Parang mayroong humahalukay na malamig na bagay dito. Lumunok ako at inalis ang kahit na anong emosyon sa mukha ko. Taas noo akong pumihit patungo sa loob kahit na masakit pa rin sa akin na makita sila.

Wala naman akong matutuluyan ngayon kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumalik na lang dito. Suot ko pa rin ang uniform ko at wala akong pakialam kung ano man ang itsura ko ngayon. I am looking at them coldly. Akmang lalampasan ko na sila nang magsalita si Mommy at Daddy.

"God, where have you been?" Nangangambang tanong sa akin ni Daddy, nakatalikod naman ako sa kanila kaya hindi nila nakita ang pagpikit ko ng mariin. "It's already late, Heira." Huminahon ang kaniyang boses.

"Heira... baby, Mommy is here... don't be like this. Don't be cold as ice, please. I love you." Sabi ni Mommy. Kahit na malaki ang naging kalabog noon sa puso ko ay hindi pa rin ako lumingon. I don't want to cry again, too much for this dau.

"Anak... hindi namin sinasadya ang nangyari kanina... hindi namin sinasadyang saktan ka." Sabi naman ni... Tita Haz. Napasinghap ako dahil namumuo na naman ang mabibigat na emosyon sa loob ko. Nanginginig ang kaniyang boses.

"Matutulog na po ako." I said coldly. Ngunit bago pa man ako makahakbang sa ikalawang baitang ng hagdan ay mayroon ng humigit sa braso ko ng mahigpit. Doon na ako napalingon sa lalaki. Siya 'yong kasama nila na hindi ko kilala.

"They are still talking to you." He said seriously. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay na nasa braso ko, binalik ko ang tingin ko sa kaniya at sinubukang alisin 'yon ngunit mas hinigpitan niya pa. "I will not release your arms... not until you talk to them properly. Respect them as your parents." Aniya. Mas lalo akong nagalit sa kaniya. Nagsalubong ang aking mga kilay at inis ko siyang tinitigan sa mata.

"Ano bang pakialam mo ha?!" Inis na sabi ko rin sa kaniya, mas humigpit ang hawak niya sa akin, naraeamdam ko na ang paghapdi ng balat ko roon. "Sinabi ko naman na pagod na ako, gusto ko ng magpahinga." Dagdag ko at pilit na kumakawala sa kaniyang mga hawak. "Wala na ba talaga kayong alam gawin kundi ang saktan ako ha?! Hindi pa ba sapat ang ginawa niyo sa akin kanina, dadagdagan niyo na naman?!" Muling tumulo ang mga luha ko kaya biglaan niya akong nabitawan. "Kayo lang ang nakita kong pamilya na nananakit ng kapamilya nila." Huling sabi ko bago ako tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now