"Your mother is my sister," pagpapatuloy ni Mommy. I wanted to stop her. I want to cover my ears with my palms so that I can no longer hear what I am going to hear. Pero mayroon din sa loob ko na gustong makinig sa kaniya ngayon. "Bata pa siya noong nabuntis siya ng Papa mo. Tinaboy siya ng pamilya dahil hindi nila matanggap na hindi makakapagtapos ang Mama mo. As her older sister... I adopt you and Kio. Pumayag sila dahil alam nilang hindi nila kayang buhayin pa kayo ngayon."

I sarcastically laughed. "Hindi niya kami magawang buhayin dahil marami na kami?" Tanong ko sa kawalan. "Para kaming mga manikang pinamigay lang ng basta-basta. Si Jaxon? Si Natalie at ang isa pang lalaking kasama niyo ngayon. I bet they are older than us... ibig sabihin noon mas matanda sila sa amin pero kami pa ang pinili niyang ipamigay..." I squat and covered my eyes with my palms.

"Hindi kita pinamigay, Anak. Masakit sa akin na mawalay kayo dahil galing kayo sa sinapupunan namin. Natatakot lang ako na baka hindi ko kayo mabigyan ng magandang buhay... na kayang ibigay sa inyo ni Ate." Ani Tita Hazel. Padarag akong tumayo at hinarap silang lahat. Nasasaktan na ako kaya lubus-lubusin na nila.

"Hindi?" Natatawang tanong ko sa kaniya. "Nanay ka namin pero basta-basta mo na lang kami pinaampon! You made my life miserable! Alam mo ba na naiingit ako ngayon sa mga kapatid ko?! I envy them because you chose them! You chose them to stay with you... but us?" Turo ko kay Kio na ngayon ay nagpipigil din ng luha. "Kami ni Kio... inilayo mo kami sa inyo! Tapos ngayon babalik kayo at gusto niyo kaming kunin sa mga tumayong magulang sa akin na para bang mga bagay na pinaghiram niyo lang sa kanila! Anong klase kayong mga magulang?!"

"Heira!" My father shouted. Alam kong pinagbabantaan niya na ako ngayon dahil nawawala na ang paggalang ko sa mga taong nasa harapan ko. Hindi ko siya pinakinggan.

I stare at my own family... at my own parents. My teeth chattered because I hated them. I am angry at them. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila matanggap dahil sa mga narinig ko. At mas lalong nadagdagan ang mga dahilan ko para kamuhian sila. Hindi raw nila kami kayang buhayin pero ang tatlo naming mga kapatid ay nagawa nilang palakihin.

"Ngayong mayroon na kayong kaya sa buhay ay kukunin niyo kami kina Mommy? Anong karapatan niyo pa para bawiin kami? Maganda na ang buhay namin! Maganda na ang buhay ninyo! Masaya na kami pero dumating kayo at sinira niyo na naman ang pamilya namin! Sa tingin niyo ba ay sasama ako sa inyo gaya ng pagsama ni Kio? Hindi... Hindi ko kayo kayang pakisamahan! Hindi ko kayang pakisamahan ang mga walang kwentang magulang na kagaya ninyo!" Sigaw ko ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang salubungin ng pisngi ko ang isang malakas na sampal mula kay Tita Hazel.

Tumagilid ang aking mukha dahil sa lakas noon. Nag-init ang aking pisngi. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng mga luha ko. Nanginig ang aking mga kamay, ganoon din ang kamay ni Tita Hazel na ngayon ay naiwan sa ere. Hinawakan ko ang pisngi ko at umayos ng tayo. Galit akong tumingin sa kaniya.

"Anak... Hindi ko sinasadya." Aniya, marahas akong umiling.

"Mas lalo mo lang pinakita sa akin na hindi dapat kita tanggapin." Sabi ko sa kaniya bago ako tumakbo papalayo sa kanila. Palabas ng bahay, palayo sa sakit. Hindi pa buo ang kwento nila. Umpisa pa lang 'yon pero sobrang sakit. I heard them calling my name but I refused to look back.

Tumakbo ako ng tumakbo. Bahala na ang mga paa ko kung saan niya ako dadalhin ngayon. Hindi nila ako sinundan. I would I expect them to follow me? Buti na lang at madilim na kaya walang masyadong nakakakita sa akin na umiiyak ako ngayon. Wala na akong pakialam kung mayroon nang mandukot na naman sa akin at pahirapan ako ng paulit-ulit. Mas gusto ko pang maramdaman ang pisikal na sakit kaysa itong sakit na dala ng puso ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now