Nang wala na akong marinig na ingay mula sa pinto ay roon oo dahan-dahang inalis ang comforter sa aking mukha. Ganoon na lang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang katawan ng kakambal ko. Nasa harapan ko na siya ngayon, nakasandal siya sa may lalagyan ko ng damit, nakakrus ang kaniyang mga braso at galit siyang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko man lang siya narinig na parang binuksan ang aking pintuan!

Akmang magtatakip na naman ako ng mukha ng marahas niyang hilahin ang aking comforter. Dahil mahigpit ang hawak ko roon, muntikan pa akong masama sa kaniyang hila. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala niya ha! Hindi ako magpapatalo sa kaniya, kahit sapakin niya pa ako ngayon. Wala akong pakialam!

"Get up and go downstairs. You'll eat, sa ayaw at sa gusto mo." Mariing utos niya sa akin. "And you! Don't you dare to roll your eyes at me or else... dudukutin ko ang mga mata mo at ipapakain ko sa aso." Pagbabanta niya sa akin. Napalunok ako at napasimangot, hindi ko naman siya iniirapan ah!

"Ayaw ko ngang kumain! Busog pa ako!" Pagmamaktol ko, ang mukha ko na lang ang tinakpan ko gamit ang aking unan pero hinaklit niya na naman 'yon at hinagis sa kung saan lang. "Bagong laba pa lang 'yon, dudumihan ko na naman!" I shouted on the top of my lungs. Nagulat pa siya dahil sa pagsigaw ko sa kaniya.

"I don't fucking care, Yakiesha. Mapapalitan pa ang mga punda niyan, ikaw? Hindi ka na mapapalitan kapag nawala ka kaya bumaba ka na dahil kakain na raw tayo." Mahinahon pero mayroong diin ang bawat salitang binibitawan niya. "At anong sinabi mo? Busog ka pa? Samantalang kinain mo lang kanina ay 'yung maxx na binigay sa 'yo ni Vance, that little frog. The hell of him." Inis na sabi niya.

"Nakakabusog naman ang candy at huwag mo ngang pagsalitaan ng ganiyan ang kaibigan ko! Hindi porke galit ka kay Kayden, galit ka na rin sa iba!"

"Shut the fuck up, Yakiesha. Now, go downstairs and eat the fuck up until you get full—!"

"E kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Putol ko sa sinasabi niya. Puro mura na lang kasi ang narinig ko, kung pagkain lang siguro 'yon ay nabusog na ako. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"I will pull your feet until we reach the dinning room." Galit na talagang sabi niya kaya naman wala na kong nagawa kundi ang tumayo at tumakbo na papalabas, nilagpasan ko na siya. Galit na galit, gustong manakit.

Tahimik lang ako habang kumakain kami. Masarap ang pagkain at hindi maipagkakaila na gutom na talaga ako ngayon. Sa tuwing tatanungin nila ako at tanging tango at iling lang ang sagot ko sa kanila. Wala rin akong ganang magbukas ng topic at sumali sa usapan nila. Akala ko ay hanggang doon na lang iyon ngunit isang araw ay umuwi ako ng bahay at mayroong mga narinig na siyang dahilan kung bakit may lalo akong nasaktan.

"Natalie, huminahon ka ngang bata ka! Susugod ka rito sa Tita mo tapos manggugulo ka." Sita ni Tita Hazel sa kaniyang anak. Kakarating ko lang sa bahay galing sa university, hindi ako sumabay kay Kio dahil dala ko ang aking bike kaninang umaga.

Nagtago ako sa isang gilid kung saan hindi nila ako makikita pero sila ay malinaw kong natatanaw. Iyon pa lang ang narinig ko pero parang malalagutan na ako ng hininga. Naroon silang lahat sa sala. Si Daddy at Kio ay pinoprotektahan si Mommy mula kay Natalie na ngayon ay nagwawala. Pinipigilan siya ni Jaxon, ni Tito Jackson at nung isa pang lalaki na hindi ko kilala pero kamukhang-kamukha ni Jaxon.

"Ma, hindi! Hindi ako titigil hangga't hindi tayo sinasagot ni Tita Helen!" Sigaw ni Natalie, namumula na siya dahil sa galit niya. Tinakpan ko ang aking bibig, nagsimula ng magtubig ang aking mga mata. "Tita, kung mayroon ka pang kapal ng mukha, sana naman ay ibigay mo na sa amin ang kailangan namin!" Sigaw niya kay Mommy.

Gusto ko siyang lapitan at sampalin dahil napakawalang galang ng kaniyang ginagawa. Wala siyang karapatan na saktan o sigawan ang mga magulang ko. Tanging hagulgol lang ang sagot sa kaniya ni Mommy. Mayroon ng namumuong ideya sa isipan ko kung bakit sila nagkakaganito.

"Ilang taon na bang nasa inyo si Heira?! Ilang taon niyo na ba siyang tinatago sa amin?! Ilang taon niyo na ba siyang pinagkakait kina Mama at Papa ha?!" She screamed. Dinuduro-duro pa niya ang Mommy ko.

"Hindi ko siya tinago sa inyo..." Sagot ni Mommy, may kung anong kumurot sa puso ko na naging gantilyo para tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Tita, alam naming lumipat kayo ng bahay para makalayo kayo sa mansyon dahil gusto niyong ilayo rin sa amin ang kapatid ko! You're so selfish, Tita! You're heartless!"

"Anak, Natalie... Huwag kang magsasalita ng ganiyan. Mas matanda pa rin ang Tita Helen mo sa 'yo." Ani Tito Jackson sa kaniya. Hindi siya sumagot, ang ginawa niya ay mas lalo niyang pinanggigilan si Mommy.

"Tita, pinangako mo sa amin na sasabihin niyo na kay Heira ang totoo... ang tagal na naming umaasa na gagawin niyo 'yon ngunit ano na 'to? Bakit parang wala lang sa inyo ang presensya namin?!"

"Kasi hindi ko rin kaya! Hindi ko pa kayang sabihin ang lahat sa kaniya!" My mother fired back. Ngayon ay nakikita ko na ang paglabas ng mga ugat sa kaniyang leeg, namumula na rin ang buong mukha niya dahil sa galit. "Akala mo ba ay madali para sa akin na sabihin sa kaniya ang totoo? Sa tingin mo ba ay magiging madali sa akin na sabihin sa kaniya na 'Heira, you're not my child, I am not your biological mother. I took you and Kio from your family.' Ina rin ako, Natalie! Hindi madali sa akin na saktan ang anak ko!"

Humagulgol na lamang ako dahil sa sakit ngayon na nararamdaman ko. Akala ko ay huli na 'yong mga nakaraan. Heto... mayroon na naman. Ito ang gusto ko, hindi ba? Ang marinig mismo sa kanila na hindi talaga ako ang anak nila. Tumingala ako upang pigilan ang mga mala-talon kong luha na walang tigil sa pagbuhos at pag-agos. I clenched my chest. Hindi na naman ako makahinga.

"Hindi mo siya anak, Tita Helen. Wala kang anak sa kanilang dalawa." Sigaw ni Natalie, isang malakas na sampal ang ginawad sa kaniya ni Mommy, napatagilid ang kaniyang mukha dahil sa lakas noon. Hagulgulan lang ang naririnig namin habang ang mga padre de pamilya ay patuloy sa paggitna sa dalawa.

"Oo na! Oo na! Ako na itong pinakasakim na tao! Ako na itong pinakawalang hiyang ina, anak at kapatid! Ako na itong walang anak! Ako na itong kriminal sa mga tingin ninyo! Pero ito lang ang itatanong ko sa iyo. Masama bang maging masaya ako? Masama ba na maging masaya ang pamilya ko ha?!" She inhaled. Puno na ng luha ang kaniyang mga pisngi. "Noong una naman ay ayos lang sa inyo na nasa puder ko ang dalawa niyong anak, hindi ba? Pero noong nakaahon na kayo ay gusto niyo na silang bawiin sa akin. Inilayo ko sila dahil gusto ko pa silang makasama ng matagal!" My mother explained.

"Sarili mo lang ang iniisip mo, Tita. Ginawa mo 'yon para sumaya ka samantalang ang mga magulang ko ay araw-araw at gabi-gabing umiiyak at miserable dahil sa pangungulila sa putanginang Heira na 'yan!"

"Zoe, tama na. Sumusobra ka na." Jaxon butted in and glared at her. Lahat sila ay kapwa mga seryoso na at parang wala ng makakapigil pa sa mga galit nila.

"No, Kuya! I need to enlighten her about her wrong. Hindi niya dapat 'to ginagawa kay Mama. Isa pa si Heira, ang tanga-tanga niya dahil hindi man lang siya makaramdam ng lukso ng dugo mula sa atin."

"Natalie, can you fucking calm down?! Shut your mouth! Hindi na maganda ang mga sinasabi mo! Heira is innocent, she doesn't know anything!" Gigil na sabi ni Kio sa kaniya. Napaatras si Natalie dahil sa biglaang pagsigaw ni Kio.

"Narito lang ba kayo para sumbatan kami?" Nanlulumong sabi ni Mommy.

"Hindi 'yon ang nais naming makuhang sagot mula sa 'yo, Ate Helen." Nagsalita na si Tita Hazel. "Bakit hindi mo man lang magawang sabihin ang totoo kay Heira? Gaya ng ginawa mo kay Kio?! Bakit hindi mo magawang sabihin sa anak ko na ako ang ina na niya at ikaw ang tiyahin niya? Bakit hindi mo sabihin sa kaniya na matagal na namin siyang hinahanap pero inilayo at tinago mo siya sa amin? Bakit hindi mo magawang sabihin sa kaniya na hindi siya galing sa sinapupunan mo?"

Hindi ko na matiis kaya naman pumasok na ako ng bahay. Unang hakbang ko pa lang ay nakuha ko na agad ang atensyon nila. Lahat sila ay halatang gulat dahil sa biglaang pagsulpot ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at lumunok ng mariin para maalis ang bara sa lalamunan ko. I composed myself before saying the words came to my mind.

"Totoo ba, Mommy. Totoo ba na inilayo niyo ako sa totoo kong mga magulang? Totoo ba na... hinahanap nila ako?"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now