Hindi naman ako naidlip dahil hindi naman ganoon kalayo ang hospital sa bahay namin. Pagkarating namin sa bahay ay agad na akong tumakbo patungo sa kwarto ko. Hindi ko na sila nagawang kausapin pa. Alam naman nilang ayos lang ako, hindi na nila kailangan pang paulit-ulit na itanong sa akin 'yon. Humiga ako sa kama ko pagkatapos kong buksan ang aircon. I even locked the door. Gusto ko munang mapag-isa, wala akong gustong kausapin ngayon.
I embraced my body with the comforter. Hay... I missed my room. Miss ko na si Tantalog at ang mga kapatid niya. Miss ko na ang mga butiki at gagamba sa kisame ko, higit sa lahat, miss ko na ang secret cabinet ko kung saan ko tinatago ang mga kinakain ko sa madaling araw. Minsan kasi ay nalilingat ako dahil sa gutom, ayaw ko namang bumaba dahil natatakot talaga ako. Pinikit ko ang aking mga mata pero hindi naman ako inaantok.
"Mommy... Daddy... pamilya ko kayo, mahal ko kayo pero bakit niyo ako sinasaktan ng ganito?" Bulong ko sa sarili ko. I felt a pang on my chest. Parang kinukurot ang puso ko ngayon. Kakatapos ko pa lang sa isang problema, mayroon na namang isa. Hindi ba pwedeng magpahinga na lang muna?
Nagbara ang aking lalamunan, mayroong kung anong malamig na bahay sa aking tiyan at hinahalukay iyon. Pinigilan ko ang aking mga paghikbi dahil ayaw kong marinig iyon ng ibang tao. I want them to see me as a strong woman, not a cry baby. Kahit ako na lang ang makakita ng mga sakit na pinagdaraanan ko, huwag lang ang ibang tao.
I bitterly smiled. Paano ko magagawang maging totoo sa kanilang lahat gayong kahit ako ay nagpapanggap sa sarili ko? Nagpapanggap ako na palagi akong ayos at masaya. Nagpapanggap akong hindi nasasaktan at hindi naapektuhan sa mga nangyayari sa paligid ko. I wish Zycheia is here to comfort me. Kahit na mayroon na akong maraming kaibigan, she is still the best for me. No one can do what she did and what... she's doing to me.
Pinunasan ko agad ang aking mga mata nang marinig ko ang pagkatok ni Kio sa aking pintuan. Sunod-sunod na katok na halos basagin at kalagin na ang pinto sa kaniyang amba. Tinakpan ko ang aking mga tainga gamit ang unan para hindi ko na lang siya marinig. Patuloy niya akong tinatanong kung ano ang nangyayari sa akin at kung bakit ganito ako ngayon. Gaya ng iba... hindi ko rin siya sinasagot.
It's because, I can't say what I wanted to say and tell to others. Kaya hangga't kaya ko ay sinasarili ko na lang kaysa naman sa maapektuhan ko pa ang iba. Hindi ba nila nakikita na... nahihirapan din ako sa ganito? Ako rin naman ang mayroong kasalanan dito dahil hindi ko dapat inilalayo sa kanila ang loob ko. But how can I get the validation I want if my mind is refusing on what I want?
Sinasabi ng puso ko na mag-open-up na sa iba dahil hindi ko naman na kaya ang kimkimin ang lahat pero ang isip ko? Patuloy niya akong pinapadalhan ng mga thoughts sa mga pwedeng maging reaksyon at sagot ng iba sa mga sasabihin ko sa kanila. Natatakot na akong makasakit pa nga iba. Natatakot na akong magkaroon na naman ng sakit ng loob.
"Yakiesha, open this fucking door or I will slam it hard until I destroy it?" Nagbabanta ang boses ni Kio. Hindi ko alam kung ano ba ang pinuputok ng butsi niya ngayon. Gabing-gabi na pero nambubulabog pa siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapit-bahay naming singer?
Tumagilid ako at inilay sa tapat ng tainga ko ang isang unan ko at nagtalukbong ng kumot. Ayaw ko ngang kumausap ng kahit na sinong tao ngayon, bakit ba ang kulit ng kakambal ko na 'to? Kakambal ko nga ba siya o sadyang kapatid ko lang siya? Mukha siyang mas matanda sa akin e! Alam kong mayroong tao sa ibaba, ang iingay nga nila e.
Nanatili akong patay malisya habang si Kio naman ay nanggigil na kinakatok ang pinto. Manigas na r'yan, gusto mo 'yan. Pinikit ko ang aking mga mata. Kaya ko namang matulog kahit na maingay, bahala siya sa buhay niya, bahala rin ako sa buhay ko. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero galit na galit siya sa akin. Short-tempered talaga ang lalaking 'to, parang dati lang ay kachismisan ko lang siya, ngayon, naging matured na ang isipan niya. Tapos ako, parang hindi man lang umalis sa pagkabata ang utak ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 253
Start from the beginning
