Dahan-dahan akong bumaba sa kama ko at lumabas ng kwarto, hila-hila ko ang aking dextrose stand nang lumipat ako sa kabilang kwarto. Sa kwarto mismo ni Kenji. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang gising pa siya at naglalaro na naman h mobile legends. Ni hindi man lang siya nagulat sa presensya ko, saglit lang siyang sumulyap sa akin bago ibinalik sa nilalaro ang kaniyang paningin.

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong niya sa akin. Nginiwian ko siya, bad trip na naman siguro siya dahil sa sunod-sunod na pagkatalo. "May multo sa kwarto mo, 'no? Kaya ka lumipat dito kasi natatakot ka."

Buti na lang at wala rito ang pamilya niya. Si Adriel lang ang nagbabantay sa akin at naroon siya sa kabilang kama, mahimbing na ang tulog niya. Nagkusa na rin siguro siyang bantayan ang hapon na 'to dahil hindi naman din nanatili rito ang pamilya niya para bantayan siya.

"May makakain ba rito?" Tanong ko sa kaniya. Ramdam ko ang pangangatog ng mga binti ko dahil sa matinding gutom. Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot sa akin, ako na mismo ang nangalkal ng makakain sa may patungan at sa lamesa.

"Wala, sa akin lahat ng mga 'yan." Agad na pagdadamot niya. Mayroong mga prutas sa lamesa, ang dami ring biscuit at chips pero parang hindi iyon ang hinahanap ngayon ng aking lalamunan at tiyan.

"Ang damot mong kumag ka. Manghingi ka na lang ulit bukas sa kwarto ko. Marami rin akong pagkain doon." Sabi ko sa kaniya. Pinanliitan niya lang ako ng mga mata.

Nagniningning ang mga mata ko nang makita ko ang isang cup noddles, chicken sotanghon iyon. Inangalan pa ako ni Kenji pero wala siyang magagawa dahil hawak ko na. Nagpainit ako ng tubig sa electric kettle. Umupo ako sa may upuan, katapat lang ng kama ni Kenji habang hinihintay kong matapos ang aking pinapakuluan. Bumagsak bigla ang aking mga balikat sa hindi ko malamang dahilan.

"Ang tindi ni Adi, 'no?" Sinubukan kong tumawa para takpan ang mabigat kong nararamdaman. Kahit kasi anong gawin ko ay pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga narinig ko kagabi.

"Bakit naman? Ikaw ah! Pinagpapantasyahan mo siya porke wala si Master Kayden! Isusumbong nga kita." Pananakot niya sa akin kaya naman agad na lumipad ang aking kamay sa kaniyang ulo para batukan siya.

"Gago, ang ibig kong sabihin, kahit na ang ingay nating dalawa... hindi siya nagigising. Baka maganda ang panaginip niya." Sabi ko pa sa kaniya.

"Ganiyan naman talaga 'yan, kahit na ilang beses nang nakahigop ng kape, nakakatulog siya ng mahimbing, parang hindi nakakaranas ng insomnia." Sagot niya kaya naman pinagkunutan ko siya ng noo.

"Naaalog na ata ang utak mo, Kenji. Si Asher ang mahilig sa kape, hindi siya." Natatawang sabi ko sa kaniya, ngumuso naman siya. "Balik ka nga sa mansion ni DomTak, baka naiwan doon ang utak mo." Biro ko sa kaniya, marahas siyang napailing na para bang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

Tumayo na ako at sinalin ang tubig sa cup noodles bago bumalik sa kinauupuan ko. Hindi ko lang din binuksan pa ang topic tungkol kay Adriel, baka magising na lang siya bigla at samaan kami ng tingin. I smiled when I saw the mini frame, nakalagay iyon sa mini cabinet. It was Kenji and I think... It was her mother? Magkamukha kasi sila.

"Nanay mo ba 'to, Ji?" Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong magtanong sa kaniya. Agad naman siyang tumango sa akin. "Halata nga, kamukha mo e."

"Mas kamukha ko si Daddy, kung nakita mo lang siya ay mamamangha ka." Sabi niya, kita ko kung paano dumaan sa kaniyang mga mata ang lungkot. Ang Lolo at Lola pa lang niya ang nakikita ko, this is the first time I saw her mother, sa picture pa.

"Nasaan sila ngayon? Bakit hindi mo sila kasama?" Ayaw kong manghimasok sa buhay niya pero dala na rin ng kuryosidad ay naitanong ko na 'yon sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now