Kapatid ko si Kio, kadugo ko siya, ganoon din si Jaxon at si Natalie. Out of all people, bakit siya pa? Bakit siya pa ang naging kapatid ko? Naging magulo lang naman ang buhay ko simula noong dumating ang pamilyang iyan! Masaya na kami, masaya na kami nina Mommy, Daddy, at Kio. Pero simula noong guluhin nila kaming muli ay hindi na muling nangyari ang isang masaya at buong pamilya na gusto ko.

Kinamumuhian ko sila ngayon. Maging si Kio. I know that he already knew this but he didn't even tell me about this? Kung hindi pa ako makakarating sa pesteng hospital na 'to ay hindi ko pa malalaman na ampon pala ako. Kailangan pa palang maging biktima ako ng pambubugbog bago nila isiwalat ang lahat ng mga tinatago nila.

Akala ba nila ay masasalba nila ako mula sa sakit at galit kapag tinago nila sa akin ng mas matagal ang totoo? Hindi! Mas gugustuhin ko pang malaman ng mas maaga para hindi ko na kailangan pang isipin kung ano nga ba ang nagawa kong mali para itago sa akin ang totoo. Nakakasama kasi ng loob. Tinago nila sa akin ang lahat without knowing na mas magiging mahirap sa aking na tanggapin ang totoo kapag pinatagal pa nila ang pagsasabi sa akin noon.

Ngayon, paano ako aakto ng normal sa kanila na para bang wala akong nalalaman sa mga sikreto nila? Gusto kong sila mismo ang magsabi sa akin ng totoo... gusto kong magmula sa mga bibig nila na hindi ako ang anak nila... na anak lang ako ng kapatid ni Mommy. Am I that stupid to do it? Pwede ko naman silang kontrontahin pero hindi ko magawa. Para akong isang lobo na malapit ng sumabog dahil sa pag-iisip ko.

Nang hindi ako sumagot kay Mommy ay binalik niya na lang sa lamesa ang pagkaing ibinibigay niya sa akin. They are all questioning me, bakit daw ako ganito ngayon, my answers was just a sarcastically smiles and sarcastically laughs. You all put me in this kind pf situation and yet you still asking me for being this way. What a good questions, you all made me looked stupid in front of you.

Naramdaman ko na lang na mayroong umupo sa tabi ko dahil sa paglubog ng kabilang parte ng kama. My Mommy sat down beside me. Hindi naman nakatabing ng kumot ang aking ulo kaya naman malaya niyang nahaplos ang aking buhok. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Mommy... please, sabihin mo na sa akin ang totoo, baka sakaling maibsan no'n ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Heira... what do you want, huh?" Malambing na tanong niya sa akin. I want the truth, could you give me that? Gusto kong isagot sa kaniya 'yon pero baka pumiyok lang ako dahil sa pagpipigil ko ng mga hikbi ko ngayon. There's a lump on my throat, nanunuyo ang aking lalamunan. "Tell me, baby... ayaw mo ba sa mga binili namin kaya ayaw mong kumain? Wala pang laman ang tiyan mo, mas lalo kang manghihina niyan." Sabi pa niya at tanging pag-iling lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Heira..." Boses iyon ni Daddy. "Sinabi na sa akin ni Mommy mo na ayaw mo raw kumain? Anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng fruits? Graham cake? Fries? Kahit na ano, bibilhin namin o kaya naman ay lulutuin namin."

"Wala... po." My voice broke.

"Hindi mo naman masasabi sa aming busog ka pa dahil hindi ka nga nag-almusal, tanghalian at nagmiryenda kanina. Baka naman mayroon ka ng kakaibang nararamdaman, ayaw mo lang sabihin sa amin, huh?" Tanong niya sa akin. Heto na naman tayo, paulit-ulit na naman nila akong tatanungin sa mga bagay na nasagutan ko na.

"Hayaan muna natin siya, hon. Baka masama lang ang pakiramdam niya, mayroon naman siyang swero. Kakain din 'yan kapag nagutom siya." Pagsuko ni Daddy, noong huli kasi kaming nagkapilitan ay hindi naging maganda ang kinalalabasan noon. Umalis si Mommy sa tabi ko. God knows how much I wanted to open-up with them.

Natulog ako ng gutom. Dahil na rin siguro sa kawalan ko ng laman sa tiyan ay nagising ako ng alas diyes ng gabi dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Tulog na ang mga nagbabantay sa akin. Ayaw kong mahalata nila na kumain ako kaya naman hindi ko na lang ginalaw pa ang pagkain na nasa lamesa, mayroong ulam at kanin doon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now