"No, I don't want to. Rito lang ako hangga't narito ang Kuya Charles mo." He emphasize the word Kuya Charles. Kita ko rin kung paano magtangis ang kaniyang bagang habang masama ang tingin niya sa lalaki. Anong kinagagalit ng lalaking ito?

"Kayden... " Nagbabanta ang aking tinig. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Ngumuso ako, wala talaga akong laban sa kaniya kapag siya na ang gumanti. Hinayaan ko siyang umupo sa tabi ko, wala naman siyang magagawang masama dahil narito sina Mommy.

Hindi ko nga alam kung paano kami nagkaayos ng lalaking ito. Sa pagkakaalam ko ay galit ako sa kaniya, naiinis ako sa kaniya dahil hindi niya ako maintindihan. Ni hindi nga niya nagawang magsabi ng sorry sa akin, basta isang araw ay naging na lang ako na kita oko na siyang nakaupo sa tabi ko, habang hinahaplos ang aking buhok. Mayroon siyang binulong pero hindi ko naman maintindihan, parang chinese. Gano'n-gano'n na lang 'yon dahil marupok ako, hindi ko na lang pinakinggan ang galit ko sa kaniya.

Hindi naman din nagtagal dito si Kuya Charles dahil mayroon pa raw siyang pupuntahan. Kahit na anong posisyon pa ang gusto niyang aplayan ay tanggap na siya, iyon ang sinabi ni Mommy, pasasalamat niya rin daw sa lalaki sa pag-aalaga niya sa amin. Kenji and Kayden stayed here until the night came. Naglalaro lang kami ng mobile legends buong araw. They taught me how to use it.

Mabilis naman na akong natuto dahil ilang buwan ko na ring pinag-aaralan 'yon, sabi nila ay gagawa sila ng smurf account para matulungan nila akong magparank-up, hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi nila, basta tumango na lang ako, 'yon na 'yon.

Magagaling na sila, ako nga ay halos walang mapatay o maassist, sila ang bibilis ng mga kamay, hindi pa nga nakakatira ang kalaban, patay na agad. Atleast, even though I can't play property, I am noob, they are on my side. Hindi ako napapatay dahil nasa tabi ko lang sila palagi.

"I'll go home now, Heira. Take care, call me if you need help." Ani Chadley sa akin, gabi siya bumisita kasama ang mga magulang niyang hindi ko naman kilala, sina Mommy ay mukhang kilala sila, pero ako... wala pa rin akong alam, ni wala nga sa ala-ala ko na naging boyfriend ko pala si Chadley noon. In short, he's my ex-boyfriend.

"Mag-iingat ka... kayo," sagot ko sa kaniya, wala naman na siyang sinabi, tulad ng iba ay nangungumusta rin siya. At may tinanong siyang kaunti tungkol sa nangyari, hindi ko namang pinagkait sa kaniya ang sagot.

Kanina pa umalis si Kayden, nagpaalam siya sa akin pero hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta o anong gagawin niya. Hindi ko naman hawak ang buhay at oras niya, wala naman ding namamagitan sa aming dalawa kaya hindi na ako nag-abala pang magtanong sa kaniya. Buhay niya 'yon, bahala siya sa buhay niya.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako, mga alas dose na ng hating-gabi, nakaramdam ako ng pagkauhaw. Tumayo ako at kumuha ng tubig na nakapatong sa lamesa. Pero napansin kong parang mayroong kakaiba. Wala rito ang pamiya ko o ang pamilya ni Jaxon, kadalasan naman ay narito sila, rito pa nga sila natutulog dahil maluwang naman ang kwarto na ito. I shrugged, baka umuwi na sila kanina pagkatulog ko. Pero hindi e! Hindi naman ako iiwang mag-isa rito ng pamilya ko.

Tinignan ko sila sa kabilang kama, sa banyo sa may mini kitchen pero wala sila. Pabalik na sana ako sa aking kama nang mayroon akong marinig na parang hagulgol at iyak sa labas ng aking kwarto. Parang mayroong nag-uusap. Hindi ko na sana papansinin 'yon pero isang tinig ang pumukaw sa pandinig ko. Sina Mommy at si Tita Hazel. Dalawang boses ang naririnig ko.

Kaya pala wala sila rito. They are talking privately pero bakit sa labas pa nila nagawang mag-usap, hindi ba sila natatakot? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at hinawakan ang door knob, ngunit bago ko pa iyon mapihit ay nanghina na ako sa mga narinig ko. Natakpan ko ang aking bibig dahil sa panginginig ng aking mga labi.

"Ate, sabihin mo na sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman ang lahat." Boses ni Tita Hazel, pumiyok pa ito dahil na rin siguro sa mga emosyon niya.

"Bigyan mo pa ako ng kaunting oras at panahon, Hazel." Sagot ni Mommy. Halata sa boses niya na umiiyak siya. Nanatili akong nakatayo sa may tapat ng pinto at idinikit ang aking noo roon. Sino ba ang pinag-uusapan nilang dalawa?

"Hindi pa ba sapat ang labing-walong taon na nanatili sa inyo ang anak ko? Ngayon ko lang ulit siya kukunin sa inyo dahil gusto rin namin siyang makasama ngayon. Ang tagal na panahon niyo na siyang ipinagkait sa akin... sa amin ng asawa ko." Tita Hazel cried.

Hindi ko alam pero pati ako ay nakaramdam ng lungkot. Bumigat ang aking dibdib at parang hindi na ako makahinga pa, ang sakit-sakit para sa akin ng usapan nila kahit hindi naman ako ang taong iyon. Sigurado ako na si Kio iyon. Pinag-aagawan nila ang kakambal ko.

"Nakakasama niyo naman siya, Hazel. Mayroon ka ng tatlong anak, malapit na rin sa inyo si Kio... bakit pati siya ay kailangan mong kunin sa akin? Ayaw mo bang may matira sa akin?" Tinig ni Mommy. Roon na bumuhos ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan.

"Ate Helen! Anak ko si Heira at higit na mayroon akong karapatan sa kaniya!"

Napahawak ako ng mariin sa aking bibig at unti-unting nanlambot. Napaupo na lang ako sa sahig habang pinipigilan ang sarili kong humikbi. Anak din ako ni Tita Hazel... hindi ko totoong magulang sina Mommy at Daddy... Paano nila ako nagawang paglihiman ng ganito?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now