"Mayroon, bakit?" Tanong ni Mommy sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniyang sinabi. Kinindatan ko si Kuya Charles na ngayon ay nahihiyang tumingin sa akin.
"Huwag na, Heira. Kaya ko naman nang maghanap, laking pasasalamat ko na lang sa 'yo dahil hindi mo ako hinayaang maiwan sa bilangguan." Aniya. Hindi ko siya pinansin, kung mayroon naman akong maitutulong sa kaniya, bakit hindi ko iyon gagawin, hindi ba?
"Ano po 'yon?" I asked my mother again. Sinabi niya sa akin na available na positions, pwede raw waiter job, dishwasher, server and cashier. Hindi raw kasi ganoon karami ang mga empleyado, pwede rin daw sa company ni Daddy. "Mommy, ipapasok ko po si Kuya Charles, kayo na lang po ang bahala na kumilatis sa kaniya, kayo na lang po ang magbigay ng trabaho sa kaniya." I used my puppy-dog eyes.
"Of course! I will hire him." My Mommy responded. Mayroon siyang kinuha sa loob ng kaniyang bag at ibinigay kay Kuya Charles. "That's my calling card, nariyan na rin ang exact location ng restaurant namin dito sa Manila, nar'yan din 'yung telephone number ng restaurant." Sabi niya kay Kuya Charles, nakahinga ako ng maluwang.
I am glad that I have a supportive and a lovely parents. Hindi ko kakayanin ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko kung wala sila sa tabi ko. Sa tuwing nagiging mababa ako sa sarili ko ay narito sila sa tabi ko. Hindi na ako hihiling pa ng ibang mga magulang, sila lang, masaya na ako. Malugod na tinanggap ni Kuya Charles ang binibigay ni Mommy sa kaniya.
"Pupunta po ako sa lalong madaling panahon, Ma'am. Aasikasuhin ko lang po ang aking mga dapat dalhin. Mayroon po bang mga requirements doon para makapasok?" Nahihiyang tanong ni Kuya Charles sa kaniya. Ngumiti si Mommy, muntikan pa akong matawa dahil halatang-halata kay Mommy na nagpapacute siya rito sa bago naming kaibigan.
Nakarinig kami ng pagtikhim, galing iyon kay Daddy na ngayon ay salubong na ang kilay niya habang naglalakad papalapit sa amin. Gulo na 'to. Lumapit siya kay Mommy at pinalupot ang kaniyang braso sa baywang nito. Si Kuya Charles naman ay parang manghang-mangha pa sa kasweet-an ng Daddy ko sa aking Mommy, hindi ata niya hahatala ang masasamang titig sa kaniya ni Daddy. Ako ang kinakabahan sa kaniya.
"Sir, salamat po sa pag-atras ng kaso ni Heira laban sa akin, tatanawin ko po 'yong isang malaking utang na loob." Magalang na sabi niya at yumuko pa. Tumango lang sa kaniya si Daddy.
"Yakie, pahingi nga ako nung— Kuya Charles!" Lahat ng mga tingin namin ay nailipat kay Kenji na ngayon ay nakaupo sa kaniyang wheel chair, buti naman at nagawa niya ng paandarin mag-isa ang inuupuan niya, noong una ay nagpapatulak pa siya sa akin para lang makalabas, hindi niya ata nakikita na injured din ang isa kong kamay.
"Narito ka rin pala?" Tanong ni Kuya Charles sa kaniya at tinulungan siyang makalapit sa amin. Nginiwian ko naman si Kenji. I am 100% sure that he's here because he wants to eat or he wants to borrow my phone. Inirapan niya lang ako at kumapit kay Kuya Charles, ay ang galing. Nakahanap siya ng kakampi niya.
"Katabing kwarto ko lang po 'yan, Kuya." Sagot ko sa kaniya. Kuya ang tawag ko sa kaniya dahil hindi naman siya ganoon katanda para tawaging tito o kaya naman tiyo. Siguro ay nasa early 30's pa lang siya, hindi na ganoon kasama ang kaniyang edad.
Kung sa mukha naman ay mayroon din siyang ilalaban, bukod sa mukha siyang may lahi, medyo maputi rin siya, matangos ang ilong, matangkad at mayroong malaking pangangatawan, magseryoso lang siya at magsuot ng coat, para siyang isang attorney o kaya naman ay isang secret agent. Inabutan ako ni Kayden ng kaniyang binalatan na pongkan at umupo sa tabi ko, bakit nagsilapitan silang lahat dito? Si Jaxon, busy siya sa kaniyang cellphone.
"Doon ka nga, balik ka na sa pwesto mo, makikisiksik ka pa rito, ang laki mong tao." Bulong ko sa kaniya at bahagyang siniko ang kaniyang tiyan. Abala naman si Kuya Charles sa pangungumusta kay Kenji. Si Tito Jackson ay lumabas saglit.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 251
Start from the beginning
