Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mommy sa akin. Hindi ko inaakalang ganoon kabilis ang pagpapalaya ni Daddy kay Kuya Charles, akala ko ay galit pa rin siya sa akin dahil sa pagiging makulit ko. But I guess... my father can't resist on my wish. Pagbukas ng pinto ay nakit ko ang pagpasok ni Kuya Charles, may dala siyang mga prutas. Agad siyang ngumiti sa akin.
Mga ngiting palagi kong nakikita sa tuwing kaming tatlo lang ni Kenji ang nagkakasama, mga ngiting nawawala na kapag sinasaktan na nila kami. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang tumayo mula sa aking kinauupuan at yakapin siya. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko, kahit ako nga rin ay nabigla sa paggalaw ng mga kamay ko.
Humiwalay ako sa kaniya dahil baka mali na iyong naging pag-akto. Sadyang naging masaya lang talaga ako na narito siya, akala ko ay hindi ko na siya makikita kapag nakaalis na kami sa lugar na iyon. Wala na siyang trabaho at sana naman ay huwag na siyang bumalik doon sa mga masasamang tao na 'yon. Ngumiti na lang siya sa akin at ginulo ang aking buhok bago niya ako tinulungang umupo sa aking kama.
Umupo naman siya sa monoblock na nasa harapan ko. Sina Daddy, Tito Jackson, Jaxon at si Kayden ay seryoso ang mukha nila habang nakatingin sa lalaking bumibisita sa akin ngayon. Napanguso na lang ako. Hindi talaga nila kilala si Kuya Charles kaya sila ganiyan. Imbis na suwayin ko sila, pinanlakihan ko na lang sila ng mga mata, sabay-sabay pa talaga silang nag-iwas ng tingin. Si Mommy naman ay pasimpleng natawa.
"Kamusta ka na?" Iyan ang unang tanong sa akin ni Kuya Charles matapos niyang ipatong sa lamesa ang kaniyang mga dala. Napailing na lang ako, kahit wala 'yon ay ayos lang, basta presensya lang niya, magiging masaya na ako lalo na si Kenji.
"Ayos lang po ako, Kuya Charles. Nako, nag-abala pa po kayo." Umiling-iling ako sa kaniya. I pouted when he smiled at me. Bakit ba palaging nakangiti ang lalaking ito, parang ang gaan lang para sa kaniya ang mga sitwasyon na kinabibilangan namin ngayon. "Dapat po ay binigay niyo na lang po sa anak niyo iyan."
"Hindi ko magagawa 'yon dahil siya mismo ang pumili niyan at nagbalot para sa 'yo. She wanted to thank you for... being kind to me. Hindi ko nga inaasahan na makikiusap ka sa Daddy mo na pakawalan ako at huwag na akong pakulong." Sumulyap siya kay Daddy, tinanguan lang siya noong isa. Suplado talaga si Daddy kapag mayroong ibang lalaki kaming kausap lalo na kapag medyo bata lang sa kaniya.
"Pakisabi po, salamat." I smiled. "Hindi po kasi kaya ng konsensya ko na hayaan lang po kayong makulong na lang nang basta-basta. Naging mabuti po kayo sa amin, parang kayo po ang naging guardian namin noong naroon pa kami sa lugar na 'yon," dagdag ko pa, tumango-tango lang siya sa akin.
"Kahit naman ipakulong mo ako ay ayos lang dahil mayroon din akong kasalanan sa 'yo. Dapat ay maaga ko na kayong pinakawalan ni Kenji para hindi na kayo napahamak pa." Sabi niya kaya agad akong umiling at hindi sumang-ayon doon.
"Naiintindihan po namin ni Kenji ang lahat, Kuya. Alam namin na kaya niyo lang naman 'yon ginagawa dahil sa trabaho ninyo. Para magkaroon kayo ng pampagamot sa anak ninyo, hindi ba po?" Tanong ko sa kaniya. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin.
Pinaglaruan ko naman ang aking mga daliri ko sa kamay, hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ko sa kaniya ngayon, mahihiya na ako sakaniya, sa dami ng kaniyang mga ginawang kabutihan sa amin, siya pa itong nawalan ng trabaho. Pero atleast, blessing in disguise rin ang nangyari sa amin dahil nakawala na siya sa kaniyang masamang amo.
"Mommy..." Tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin at binaba ang kaniyang hawak na magazine. "Mayroon po bang available na posisyon sa restaurant, kahit na anong trabaho na pwedeng pasukan ni Kuya Charles?" Tanong ko sa kaniya. Wala pa raw nahahanap na trabaho ngayon si Kuya Charles pero sumusubok na siyang mag-apply ngayon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 251
Start from the beginning
