Napakakinis ng kaniyang mukha, ni wala nga siyang tigyawat o mga wrinkles kahit palagi namang kunot ang kaniyang noo. Ang tangos ng kaniyang ilong. Pointed nose siya. Ang sa akin ay disappointed e. Perfectly pouted din ang kaniyang kulay pink na mga labi. Hindi ko nakikita ang kaniyang mga mata dahil nakapapikit siya. Makapal ang kaniyang kilay, mahaba naman ang kaniyang mga pilik-mata. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha kahit na araw-araw ko naman iyong nakikita.

Hindi ko na namalayan na bumababa na pala ang aking mga daliri mula sa kaniyang noo, padaan sa kaniyang ilong at pababa sa kaniyang mga labi. Nagulat ako nang bigla siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Bago pa ako makaiwas ng tingin ay hinila niya na ako. He grabbed my nape ang kissed me passionately. Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa kaniyang ginawa.

Basta nakita ko na lang ang sarili kong sinusuklian ang kaniyang mga halik habang nakayuko ako at siya naman iyong nakahiga pa. I felt butterflies on my stomach. Dahan-dahan siyang umupo at mas lalo pa akong sinandal sa pader habang ang kaniyang mga kamay ay nasa aking pisngi. I let him kissed me. I missed him. Hindi ko man iyon sabihin ay alam kong nangungulila rin ako sa kaniya.

Halos malagutan ako ng hininga sa kaniyang ginagawa. I slightly pushed him away. Tuluyan na siyang humiwalay sa halik. Kapwa kami naghahabol ng hininga habang nakatingin sa isa't isa. My cheeks flushed. We kissed! Fuck... we kissed under the moon and in the rooftop.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking pisngi habang nakatingin sa kaniya. Namumungay ang kaniyang mga mata at marahas ang paggalaw ng kaniyang dibdib. I watched his Adam's apple moved as he swallowed hard. Nang makarecover na siya ay saka siya sumandal sa pader sa tabi ko. Ako itong tulala na naman. Ano naman 'yong nagawa ko kanina?! Ugh! Stupid as fuck, Heira.

"Do you know how much I worry about you?" Tanong niya maya-maya. Napalunok na lang ako dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang paghinga ko. Hindi ako sumagot sa kaniya. Bahala siya.

Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang manghahalik?! He took advantage of me! Kahinaan ko ang natamaan niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya ngayon dahil sa kahihiyan ko. Namumula pa rin ako. I kissed him back. May kasalanan din ako sa kaniya. Sinabunutan ko ang aking sarili. Marupok kang baliw ka. Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Heira? Bakit agad kang bumibigay kapag kay Kayden na?

"Hey..." He held my hand that I used to hurt myself. Hinawakan niya ng mahigpit iyon habang nakatingin sa akin. Yumuko na lang ako para hindi niya makita ang pamumula ko. Ngunit sadyang gago siya, hinawakan niya pa ang aking baba at sinadyang inaangat ang aking mukha. "So... you're blushing, ahuh?" He chuckled. Inirapan ko na lang siya at hinawi ang kaniyang kamay na nasa aking baba.

"Tigilan mo ako, baka masapak lang kita." Sagot ko sa kaniya dahil sa inis ko. God, ngayon pa lang po kami nagkita ulit tapos nagawa niya na akong halikan. Ang bilis ng mga kilos ng lalaking ito. "Lumayo ka nga!" Bulyaw ko sa kaniya, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa niya. Kahit mahina lang 'yon ay naiinis ako, akala ba niya hindi ko siya naririnig? Sapukin ko kaya ang lalaking 'to para matauhan?

"Relax... don't stress yourself too much. Kagagaling mo lang sa matinding bugbog." Aniya pa, mas lalo ko siyang pinankitan ng mga mata. "And now you're angry at me? I am the one supposedly be angry at you." Ngayon ay mas naging seryoso na siya, ang kaniyang tatawa-tawa niyang mukha ay napalitan ng isang madilim na mga mata.

Bipolar talaga ang Kulapo na 'to.

"Bakit ka naman magagalit sa akin? May nagawa ba akong masama ha? May batas ka ba na nilabag ko? Wala naman, 'di ba? Kaya bakit ka magagalit sa akin?" Paghahamon ko sa kaniya. Pinagtaasan niya ako ng kilay saka binitawan ang kamay ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon