"Tita..." Iyon lang ang nagawa kong sabihin kaya agad silang napalingon sa akin. Lumapit sa akin ang Mama ni Jaxon at hinaplos ang aking noo habang marahasang hinahawakan ang aking braso.

"What do you need, baby? Do you need anything?" She sweetly asks. Hindi ko na lang muna pinansin ang pagtawag niya sa akin ng 'baby' dahil ang inaalala ko ngayon ay ang pag-ihi ko. Baka mailabas ko iyon dito sa kama.

"Cr po..." Sagot ko sa kaniya. Tinaas naman ni Tito ang kama ko upang hindi na ako mahirapan pang umupo ng maayos. "Iihi po ako... pwede niyo po... b-ba akong samahan?" Nahihiyang saad ko. Ngayon lang naman ito dahil hindi ko talaga kaya ang sarili ko. Marahan naman siyang tumango habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa kaniyang mga mata.

"Oo... Oo naman, basta ikaw." Aniya, tumango na lang ako. Unang beses ko pa lang na umupo ay nahilo na agad ako kaya naman napapikit na ako ng mariin. "Heira... what's wrong? Ano ang nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya sa akin, nang hindi ako sumagot ay bumaling siya sa kaniyang asawa. "Hon, call the doc—!"

"H-hindi na po... I can manage. M-medyo nahilo lang po t-talaga ako." Sagot ko sa kaniya habang nakapapikit, ikiangat ko pa ang aking palad para pigilan siya. Nakita ko ang pagtango niya. The four of them helped me to stepped out of the bed. Si Tita Hazel at Tito Jackson ang umalalay sa akin hanggang sa makarating ako ng banyo. Si Tita lang ang nagbantay sa labas. Mahirap pero nagawa kong hubarin ang pag-iiba ko saka umihi.

I washed my hand with water and alcohol before walking back to my bed. Umupo na lang ako sa aking kama kaysa sa humiga, mas manghihina lang ako kapag iyon ang ginawa ko. Umupo naman siya sa tabi ko habang hinahaplos ang aking buhok. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako ngayon dahil sa kaniyang ginagawa. Nahihiya pa ako dahil si Mommy lang ang gumagawa nito sa akin.

"Nasaan... po s-sina Mommy?" Hindi ko na maiwasang magtanong sa kaniya dahil kanina lang ay narito pa ang mga magulang ko. I looked up at her, rinig ko kasi ang kaniyang pagbuntong hininga.

"They went to a restaurant. Bibili lang sila ng pagkain natin at pati na rin ng mga damit mo. Don't worry, we'll be here for you while they are gone." Aniya saka hinalikan ang aking buhok. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako dahil naging komportable ako sa kaniyang mga haplos at dinig.

Parang ganito rin ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Mommy. I can breath peacefully whenever I am with my family. Hindi na ako nakatulog pa dahil sa matagal na rin ang nagawa kong pagpapahinga mula kahapon hanggang kanina. Tinitignan lang kami ni Tito at nung dalawang lalaki. Ganoon lang ang posisyon namin ni Tita Hazel nang bumukas ang pinto.

Iniluwa noon sina Mommy at Daddy na mayroong dalang bag at mga paper bags. Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang mabangong pagkain, ngayon ay dinalaw na ako ng gutom. Nadatnan kami ng mga magulang ko na ganoon ang ayos, they immediately smiled widely. Agad naman akong lumayo sa pagkakayakap, muntikan pa akong mahulog sa kama, buti na lang at naroon si Tito sa gilid ko para saluhin ko. They all laughed at me. What a shame, Heira. Wrong move.

"Let's eat, it's already late." Ani Daddy saka ipinatong ang dala nilang pagkain sa lamesa. "Chicken pastel and pasta, rice and baby back ribs. Mayroon ding gulay rito. C'mon, let's all eat." Aniya pa saka niya kami inabutan ng kani-kaniya naming mga plato.

Pinagtaasan ko siya ng kilay nang iabot niya sa akin ang isang plato. Kinamot niya naman ang kaniyang batok at tatawa-tawang iniwan ako. Paano ako kukuha ng pagkain, e ang layo ng lamesa akin? Ang laki ng kwatong ito. Kaya pala kasya kaming lahat ng mga hudlong at ang pamilya ko rito, mas malaki pa 'to kaysa sa kwarto ni Kio sa bahay. Doble ito.

Kinuhanan ako ni Mommy ng pagkain, maraming pagkain. Sinuotan niya rin ako ng plastic gloves para hindi na makalat kung magkakamay man ako. She sat beside me. Ang iba naman ay sabay-sabay na kumain sa may lamesa. Binuksan namin ang t.v at masayang kumain. Sa kalagitnaan ng pagsubo ko ay punasok sa isipan ko ang mga hudlong, kanina lang ay narito sila ah. Nilingon ko si Mommy na ngayon ay nakatingin sa t.v, nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya saka niya ako sinulyapan.

"Gusto mo pa ba ng pagkain? Kukuhanan kita." Sabi niya agad kahit na hindi ko pa nauubos ang binigay niya sa akin. I shooked my head.

"Hindi po. Itatanong ko lang po sana kung nasaan 'yung mga hud— mga kaklase ko po." Ang pangit naman kasi pakinggan kapag hudlong ang tinawag ko sa kanila. It's their nicknames that I am the only one who have the permission to call them like that.

"No... they did not leave you. Kanina noong bago kami umalis ng Daddy mo  ay pumasok sila rito but unfortunately... you're sleeping. Umalis din siguro sila agad." Sagot niya sa akin. "I heard their voice inside Kenji's room." Pahabol pa niya, tumango-tango ako sa kaniya bilang sagot.

"Kumain na po ba sila?" Tanong ko pa sa kanila. Gabi na rin at sabi nga ni Daddy ay late na rin. Baka hindi pa sila nakakakain.

"Yes, we bought them their foods. Alam kong itatanong mo na sa akin 'yan at hindi na rin naman sila iba sa amin kaya binilhan na lang namin sila ng pagkain. Sa tingin ko ay naroon sila sa kabilang kwarto at ginugulo si Bunso." Sagot ni Mommy. She's already calling Kenji as her bunso. Napanguso na lang ako, ako kaya ang bunso!

"Salamat po." Sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain ko. Dahil ilang araw na akong hindi nakakakain ng maayos ay nagawa kong kumain ng halos isang oras. Ni hindi ko nga naramdaman na nabusog ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago nagpaalam sa amin sina Tita Hazel, Tito Jackson at Jaxon sa amin naaalis na. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako kinausap ngayon nung kumag na Jaxon na 'yon, sa mga normal na araw naman ay aasarin niya ako agad pero ngayon... malamig ang pakikitungo niya. Siya ata ang nasapak at nakalog ang utak.

Mayroong isa pang kama rito sa gilid ko kaya roon natulog sina Mommy at Daddy, si Kio naman ay nagtiyaga sa sofa at ramdam ko ang pagod niya. I felt guilty. Kasalanan ko ang lahat ng ito. I am the only one in blame. Sino pa ang sisisihin ko sa mga nangyayaring ito kundi ako. Ako ang puno't dulo ng mga nangyayari sa buhay ko. Napapagod, nag-aalala, natatakot, nagagalit, umiiyak sila nang dahil lang sa kagagawan ko. Being in this kind of situation sucks.

Kahit na anong gawin kong posisyon ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko pinapatay ang ilaw dahil tuluyan na akong natakot at nagkaroon ng trauma sa dilim. Pakiramdam ko, sa tuwing walang liwanag sa paligid ko ay mayroon na agad mangyayaring hindi maganda. Tumayo ako at dahan-dahang umalis sa higaan, alas nuwebe pa lang naman pala. Mayroon akong nakitang jacket sa may gilid ko kaya naman kinuha ko iyon at marahang humakbang palabas ng kwarto ko.

I closed the door, carefully not to make any sounds. Nagtagumpay naman ako. Maliwanag ang pasilyo ito. Huminto ako sa kwarto ni Kenji, alam kong siya ang narito dahil nakita ko iyon sa kaniyang pintuan, naroon ang kaniyang pangalan. Bahagya naman itong nakabukas kaya sumilip ako roon. Nakita kong kausap ni Kenji ang mga hudlong ngunit hindi ko makita ang pamilya niya. Hindi ba siya nila babantayan?

I composed myself. I took a deep breath before holding the door knob. Napailing naman agad ako at binitawan iyon. Hindi ko muna siya dapat guluhin. Sa tuwing kasama niya ako ay napapahamak siya at isa pa, baka galit sa akin ang mga magulang o ang pamilya niya. I shooked my head again. Bago pa nila ako makita ay hinila ko na naman ang aking dextrose stand at naglakad papalayo.

Nakarating ako sa tila isang rooftop. Sinuot ko agad ang jacket na hawak ko habang tinatanaw ang mga kabahayaan sa ibaba. Ang buhok ko ay nililipad na ng hangin, the cold breeze is bumping on my face. Nakakahinga na ako ng maluwang ngayon. I smiled. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay narito pa rin ako at buhay pa. Hindi ko inaakalang makakatakas pa kami sa kamay ni Dominic Takisito na 'yon.

Another challenge I faced, another challenge I passed.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay mayroong mga braso ang pumulupot sa aking tiyan. Hindi ako agad nakapagreact sa kaniyang ginawa. Hahampasin ko na sana siya ngunit nang malanghap ko ang kaniyang pabango ay nagbago ang lahat. I know it's him. Huminga ako ng malalim at hinaplos na lang ang kaniyang mga braso.

"Kayden..." I called him. He's breathing heavily. He hugged me tightly from the back.

"I miss you..." Those three words came to his mouth sent me shivers down my spine. Tatlong salita lang iyon pero ang lakas na ng tama noon sa akin.

May kung anong mga paru-paro ang humahalukay sa aking tiyan habang niyayakap niya ako ngayon. My heart's beating fast as I feel his warm embrace. He kissed my temple. I closed my eyes and let my heart to shout my feelings for him. Whenever I am with him... I feel safe.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now