"Mom, I just wanted to asked her what happened. Wala akong intensyon na takutin siya." Kio explained. But the truth is... I can't say and tell them anything. Hindi pa ako handa at hindi pa kaya ng utak ko ang balikan ang lahat ng mga nangyari sa lugar na iyon.

"Heira, don't listen to your brother. Don't worry... we'll wait until you're ready of telling us everything, hanggang gumaling ka na ay hihintayin ka namin." Sabi ni Daddy sa akin at hinalikan ang aking noo. Napangiti na lang ako sa kaniyang ginawa.

"Tss... too childish." Ani Kio at padabog na umupo sa aking paanan habang tinititigan ako na para bang pinag-aaralan ang mukha ko. "You looked like and idiot with a white face but a purple body. You look like Barney." Aniya kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ma, si Kio oh." Pagsusumbong ko sa mga magulang ko. Of course they will be on my side. Wala namang magagawa si Kio kapag ang mga magulang ko na ang kumampi sa akin. Binelatan ko siya, ako naman itong pinandilatan niya mata.

"Gutom ka na ba? Do you want to eat anything? Nanghihina ka ba, mayroon ka bang nararamdamang kakaiba?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Mommy kaya naman agad akong umiling.

Maybe, yes. I am hurting right now. This is the kind of pain that I can't hold on for a long time. Hindi ko na kayang tiisin, para akong pinapatay ng paulit-ulit dahil sa sakit. Pero ayaw ko silang mag-alala pa sa akin. I made them worried for almost a week, now I am with them, I wamt to assure them that I am okay, even though I'm not. I hid my feelings in a smile.

"You've slept for two days... nag-aalala lang kami na baka gutom ka na, Anak. Tanging swero at gamot lang ang kinakain ng katawan mo." Ani Daddy. Hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. Ano pa ba ang ikakagulat ko sa sinabi niyang dalawang araw na akong tulog?

Ilang araw na rin akong kulang sa pahinga, palagi pa akong pagod, walang sapat na pagkain at palaging binubugbog. Kulang pa nga iyong dalawang araw para makapagpahinga ako ng maayos. I'm glad that I woke up early because of the chit-chats of the hudlongs. Bakit ba galit na galit sila kanina noong marinig ko ang mga boses nila? At isa... nasaan 'yong mga kasama ko? Si Kuya Charles at si Kenji?

"Mommy..." Tawag ko sa kaniya matapos ang isang nakakabinging katahimikan. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Nasaan po si Kenji?" Tanong ko sa kaniya. Lumuluha pa rin siya at baka sa mukha niya ang pag-aalala at takot. Narito na ako sa harapan nila at buhay na buhay ako, ang kaibahan lang, nasa akin ang katawan ni Barney.

"N-nasa kabilang kwarto siya... K-kasama niya na ang pamilya niya. He's okay." Sagot sa akin ni Mommy kaya naman nakahinga ako ng maluwang. Akala ko ay naiwan na naman ang batang hapon na 'yon sa mansyon na 'yon, kapag nagkataon ay kahit naghihingalo na ako ay babalikan ko siya.

"I'll call the doctor first to see you." Paalam ni Kio na agad ko namang tinanguan. Pumikit na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sa kaunting salita na binanggit ko ay halos habulin ko na ang aking paghinga. Agad akong napapagod.

My mother is just crying until the doctor came. Hindi ko alam kung bakit sobra ang pag-iyak niya ngayon sa harapan ko. Maybe, she's just scared of something? I shrugged. Ganoon lang talaga ang mga magulang, natatakot para sa kahihinatnan ng kaniyang anak. Daddy is calm but I can sense the anger flowing through his veins.

Mayroong ginawang mga tests and check-ups ang doctor ko at sinabing kailangan ko lang ng matagalang pahinga at pahilumin ko na lang muna ang mga sugat ko bago ako makalabas ng hospital na ito. After I ate, I took some medicines and I closed my eyes until I fell asleep. Tulog lang ang kailangan ko para gumaling ako ng todo. Saka na ako babawi sa pagkain ko kapag ayos na ako.

Nagising lamang ako nang maramdaman ko ang pagpuno ng aking pantog. Naiihi ako. Wala na ang oxygen mask sa aking mukha dahil sinabi ko sa doctor na maayos na ang aking paghinga. Iginala ko ang aking paningin ngunit nakita ko lamang doon ay ang mga magulang ni Jaxon, siya at si Kio. I called them but there's no voice came to my mouth.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now